Jabiiiiiiiiiii

160 1 0
                                    

one shot story of Iris' parents

yeeeessss kakain nanaman ako sa Jollibee, araw araw akong pumupunta dito pagkatapos nang klase. Pampawala ko din ito nang stress at syempre para matitigan ang crush kong cashier.

Ayan nanaman si kuyang crush ang pogi pogi naman talaga nya hihiihihi. napagsedisyonan ko nading pumila sa lane nya kahit na mas mahaba ang pila dito kesa sa kabila. Pag katapos kong pumila nang kay haba haba sawakas ako na ung sunod.

"Hi ma'am Good Afternoon welcome to jollibee" sabi nito nang nakangiti at labas ang malalalim na dimples, kinikilig naman ako pero hindi ko pinahalata yun.

"Good afternoon din po.." at may na isip akong kalokohan " can I order you?" sabi ko habang naka ngiti nang matamis ahhahaa lende ke telege ene beyen.

"Take out or dine in?" sabi nya habang nakangiti nanaman na labas ung dimples, nabigla naman ako nung pinatulan nya yung kalokohan ko, parang pwede nakong mamatay.. joke lang syempre pangarap ko pang maging psychologist.

"kuya isa nga pong one piece chicken tapos isang large fries tapos isang coke float tapos...." ano paba magandang i order?

muntik ko nang makalimutan ang paborito kong peach mango pie. "at dalawang peach mango pie po" sabi ko sakanya habang nakangiti at nag papa cute, malay mo mapansin nya ka cutan ko diba.

"Take out po or dine in?" tanong ni... tinignan ko yung name tag nya at nakita kong Benedict yung name nya, kinilig naman ako pati name kasi pogi HAHAHA.

"dine in kuya para habang kumakain pwede kitang matitigan" sabi sa mahinang boses habang kinikilig.
"po?" tanong ni kuya, buti naman at hindi nya narinig ung kalandian ko.
"take out po" sabi ko nalang kay kuya.

pina take out ko nalang kasi may na isip nanaman akong kalokohan

pinagmamasdan ko nalang sya habang inaayos nya yung order ko. Mabilis akong kumuha nang note pad sa bag ko at nilagyan nang number ko at name. pasimple kong nilagay ito sa harap nung nilalagyan nya nung order.

pag bigay ni kuya nung order ko dali dali akong lumabas dahil nakakahiya ung ginawa ko. Bago pako umalis sa labas nang jollibee tinignan ko muna kung napansin ba nya ung iniwan ko sa counter.

bigla akong kinabahan nung nakita nya na ito, pinag masdan ko kung ano ang magiging reaksyon nya, ngumiti lang ito at umi iling iling na nilagay ung note sa bulsa nya.

ngiting ngiti naman ako dahil tagumpay kong nailagay yun doon nang walang nakakakita.

mukhang mission accomplished ata ako ngaun ah, at masaya na akong bumalik sa condo ko.

Habang kinakain ko yung jollibee na inorder ko kanina pasulyap sulyap ako sa phone ko kung may nag message naba pero naubos ko nalang ung kinakain ko na tahimik lang ung phone ko.

habang nililigpit ko na ung pinag kainan ko bigla itong nag ring at napa takbo naman ako papunta dun nang bigla akong nadulas.

mangiyak ngiyak na pilit kong inaabot yung phone ko sa counter habang hindi makagalaw yung katawan ko, mukhang kinakarma na ata ako sa kalandian ko.

"Hello?" rinig ko yung boses nung tumatawag at mukhang si Benedict na nga ito.

"H-Hello" sabi ko habang pinipilit na pakalmahin yung boses ko dahil hindi nako makagalaw dito sa sahig. tinry kong igalaw yung katawan ko at makatayo. "arraaaayyyy! puchang inanginang"

"Hello? hello?! anung nang yare?!" concern na sigaw dn nito. "B-Benidict a-ano ksi..." mangiyak ngiyak kong sabi at nag dadalawang isip pako kung sasabihin koba na nadulas ako at mukhang hindi ata ako makagalaw.

"Ano? anong nang yare?!.. nasan ka?" sabi pa nito ulit kikiligin na sana ako kaso ang sakit na nang katawan ko.

"Ano ksi... n-nadulas ako" nakapikit kong sabi sa sobrang kahihiyan.
"hindi na ata ako makagalaw.. t-tulong" kagat labi kong sabi.

"nasan ka ngayun... pupuntahan kita" at sinabi ko na sakanya kung nasan ako. wala pang sampung minuto ay may kumatok nadin sa pintuan ko, nasa tabi lang ksi nung building ung jollibee na pinag tatrabahuhan nya.

"ma'am? ako to si Benedict papasok nako ha.." sabi nya at nakita ko naman na lumaki yung mata nya nung nakita akong hindi makagalaw sa sahig. Dali dali din itong tumakbo papunta sakin at nahiya naman ako sa itchura ko ngaun.

"a-ano.. anong gagawin ko?" sabi nito habang hindi alam ang gagawin, pogi na sana kasu mukhang mas natatakot pa itong gumalaw kesa sakin. Nainis naman ako nang konti kahit crush ko sya.

"ano paba tulungan moko tumayo!.. buhatin moko!" parang nagulat naman ito at dali dali akong binuhat.
"anu ba teka dahan dahan! naman mababali na yung buto ko sayo" inis kong sabi sakanya.

"sorry naman takot dn ksi ako sa mga bali bali nayan" sabi nito habang naka ngiwi ung mukha at binuhat nako nang pang bridal style. buhat buhat nya lang ako at habang hinihintay naming bumukas ung elevator.

"ang pogi mo sa malapitan" wala sa sarili kong nasabi habang naka titig sakanya at napa face palm naman ako sa ka bobohan ko.

"a-ano?" sagot naman nya habang naka titig nadin sakin at mukhang hindi nadin mapakali sa tagal bumukas nung elevator.

"w-wala sabi bilisan mo! bukas na yung elevator" dali dali nadin itong pumasok at sumakay na kami nang taxi papuntang hospital.












Hindi ko namalayan na katulog pala ako at umaga na. Tinignan ko sa paligid kung nandyan paba si Benedict kaso mukhang umalis na yata, nalungkot naman ako sa naisip ko.

nabigla naman ako nung may nag bukas nang pinto at iniluwa nito ang poging si Benedict. Mukhang nagulat din ito nung nakitang gising nako.

"gising kana pala" sabi nya habang nakangiti at labas nanaman ang cute nitong dimples. Tinignag kolang ito at nakita kong may dala itong Jollibee.

"para ba sakin yan?" tanong ko at habang excited kung tinititigan ung Jollibee. "ah ito? hindi eh, ako kakain nito" napabalik naman ang tingin ko sakanya at napa simangot.

"hinde joke lang para sayo talaga to" sabi nya habang nahihiyang kinakamot ung ulo nya at umiiwas nang tingin.

"wooww sarap naman!.. ano Benedict, s-salamat pala ah kasi tinulungan moko at binilhan mo pa ako nang Jollibee" nahihiyang sabi ko naman dito.

"Ano kaba okey lang yun.."

"crush pa naman kita" sabi nya sa mahinang boses habang hindi makatingin sa mata ko.

"anong sabi mo?" tanong ko kahit na narinig ko naman talaga kung sinabi nya. hindi ko mapigilang mapangiti.

"sabi ko crush kita... matagal na"

at napatili nako sa sobrang kilig. Wala nakong pake kung may nakakarinig sa labas basta kinikilig ako.

"a-aarayy" nakalimutan ko na masakit pala yung katawan ko kaya napangiwi ako at naputol yung pag tili ko.

concerned naman na lumapit ito sakin at inalalayan ako.

nung nakalapit na ito bigla kong itong hinalikan sa pisngi at nakita ko naman ang pag mumula nang pisngi nya habang lumalaki ang matang tinignan ako.

napatawa naman ako sa reaksyon nya. Ito na ata ang pinaka magandang nang yare sakin.

At yan ang Jollibee love story ko

END

Thanks for reading Jollibee love story :)

-yen❤

Jollibee love story (one shot)Where stories live. Discover now