CHAPTER 8

1.9K 46 0
                                    

RHIAN POV


Tulad ng sinabi ni Gwen nag stay nga sila dito, pinagbigyan ko rin sya sa pinakausap nya saken na ituro sa kanya ang mga ginagawa ko, she's smart dahil madali nyang nakuha ang mga itinuro ko.


Isa pala syang culinary graduate at kasalukuyang nag mamanage ng sarili niyang restaurant here and abroad. Just wow diba at her age of 24 meron na syang sariling restaurant at hindi lang basta restaurant dahil marami itong branch tapos meron din sa ibang bansa. Oh diba saan kapa.


Hinahayaan ko na sya ang mag asikaso kay Doc Kyle, pumapasok lang ako sa kwarto niya kapag sasamahan ko si Gwen sa pagdadala ng gamot pero hanggang doon lang ako sa may pinto i let her have her time para makasama si Doc tutal yun din naman ang hiniling nya saken diba. Although im trying my best para iwasan ang nakakapasong mga tingin saken ni Doc Kyle, hindi naman sya nag tatanong saken kung bakit si Gwen ang gumagawa ng trabaho ko, more like parang alam na nya ang ibig nitong sabihin.


Hindi narin namin nagagawa yung morning therapy nya para makalakad sya, tinuro ko narin kasi yun kay Gwen at nag presinta din kasi sya na sya na ang gagawa nun pero hindi ko alam kung ginagawa nga nila, hinahayaan ko na lang sila. Sa nakikita ko naman masaya si Doc Kyle kasama si Gwen panay kasi ang pag ngiti nya dito. Pero the moment tumama ang paningin nya saken katakot takot na nagliliyab na tingin nag binabato nya saken kaya pinipigilan ko talagang huwag na lang syang tingnan.


Pa two days na nina Gwen dito sa condo at base sa nakikita ko sa kanya ay mukhang mabait naman sya, hindi narin masama kung sila ang magkatuluyan ni Doc basta ang mahalaga ay makalimutan na niya ang ex-girlfriend nya na nanakit sa kanya.


Magiging masaya narin ako para sa kanya.


Passed 11pm na ng gabi ng magising ako sa tunog ng cellphone ko, agap ko itong kinuha sa gilid ng kama ko upang tingnan kung sinong tumatawag saken ng ganitong oras. Agap umakayat ang kaba sa dibdib ko at nawala ang antok na nararamdaman ko ng makita ang pangalan ng tumatawag.


(Doc Tigre Calling...)


Napa balikwas ako sa kama bago sagutin ang tawag nya, ilang araw narin kaming hindi nakakapag usap at pakiramdam at nagyon lang ulet nya ako kinontak sa cellphone ko kasi nga okupado ni Gwen ang mga gawain ko sa kanya.


Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag nya pero the moment pipindutin kona ang answer button ay pinutol na nya ang tawag. I felt a bit disappointed dahil hindi ko sya nakausap. I waited few more minutes kung tatawag sya ulet pero hindi na sya tumuwag kaya bumalik na ulet ako sa higaan.


Napuno ng isipin ang utak ko kung bakit kaya sya tumawag, siguro may iuutos sya saken at naisip nya na kay Gwen na lang nya iutos kaya pinutol na nya ang tawag. Pinikit ko na lang ng madiin ang mata ko at sinubsob ang mukha sa unan but i was stunned ng tumunog ang message tone ng cellphone ko.


My heart pounding habang tinitingnan ko kung sino ang ng text.

Taming The Doctor's Cold Heart حيث تعيش القصص. اكتشف الآن