05

53 23 0
                                    


"Reunited"










XIMENA








"Kiro?" nagulat ako ng tinanggal niya yung mask niya pinahid ko kaagad ang luha na tumulo sa mga mata ko. Ang lamig lang ng tingin niya sakin.





"Kamusta siya?"



"Maayos naman siya mabuti nahanap mo kami." sambit ko.



"Kailangan ko kayong hanapin matagal ko na kayong hinahanap." mapait na nakangiting sambit niya.


"Naayos ko na lahat puwede na tayong bumalik ulit gusto ko na kayong makasama ng anak ko." saad niya alam niya narin siguro yung tungkol sa pagpasok ko sa mundo ng showbiz mukhang ayos lang naman sakanya yon.




Nagusap lang kami at umalis na kaagad sa lugar na yon bago pa kami dumugin at makilala ng mga tao hindi parin nawala ang kasikatan ni Kiro kahit lulubog-lilitaw siya sa mga tao siguro dahil narin sa pagiging abala niya sa mga bagay-bagay.




Napagkasunduan namin na maaari siyang dumalaw sa bahay kahit anong oras pwede para narin kay Xyle ginawa ko yun sa kagustuhan niyang makita ang anak niya labis ang pangungulila niya dito.






Pinagpatuloy ko lang ang pagtitimpla sa feeding bottle dahil umiiyak ito kanina nagulat pa nga sila Mommy at Daddy ng ipakilala ko si Kiro sakanila ngumiti naman sila dito kahit kailan ay hindi naging masama ang turing nila kay Kiro dahil sa kabaitan nito.





Sobrang bilis lang ng pangyayari di ba? Kahit ako hindi ko rin inaasahan ang pakikipagkita niya sakin. Nasabi niya rin na papasok siya ulit sa mundo ng showbiz gusto niya ulit simulan kung saan siya nagsimula at ayon ang pagiging artista at modelo.





Bukas din ay magkikita narin kami ni Kristine sabik na sabik siyang makita ang inaanak niya gusto ko rin sanang isama si Baby Xyle sa kumpanya ni manager kim para makita niya ito dahil hindi pa nga niya nakikita ang anak ko.





Alam kong may dahilan ang lahat sa pagalis ni Kiro sa tabi ko nung panahong kailangan na kailangan ko siya.pero sa ngayon masaya naman ako dahil nakabalik siya at nahanap niya kaagad kami. Alam ko hindi pa ito ang mangyayari samin at alam kong marami pa kaming haharapin na problema at kailangan kong labanan at harapin yon.





***




Nakita ko na karga-karga niya si Xyle nakangiti ko silang pinagmasdan bagay na bagay sakanya.




"Masaya ko para sayo, anak." sambit ni Mommy na nakangiti sakin.



"Thank you, Mom." sagot ko naman.




I should be happy even though it's hard pumunta na ko sakanila at binigay ko sakanya ang feeding bottle na may nakatimpla ng gatas.





"Kamukhang-kamukha ko siya." nakangiting saad niya ang genuine ng smile niya nakikita ko yun dahil nagtitwinkle yung mga mata niya na nakatingin sa anak ko. Napangiti nalang ako at tumningin sa bintana na kitang-kita yung buong siyudad carbon copy niya nga si Xyle ang nakuha lang sakin ni Xyle ang labi at ang mga mata ko the rest kay Kiro na lahat. Nag-ring naman ang phone ko kaya sinagot ko ito.






"Hello, Manager Kim?"





[Hija, huwag mong ibaba to ah. May mga media sa labas ng gate niyo dahil nakita ka nila na may kasamang lalaki. Is that Kiro?]



"Yes. Manager siya nga po."


[Eunice, please. Huwag muna kayong lumabas]




Inend call niya na at hindi man lang akong inantay na sagutin yon. Hays! Sinabi ko na kay Kiro na may mga media sa labas at tumango lang siya dahil busy siya kakaalaga kay Xyle sumilip ako sa bintana at tama nga si Manager Kim may mga media nga.




Tinawag ko lahat ng body guards at security guard nitong village para paalisin nila for once naman I need to be private and no media at all. Ito ang mahirap kapag naging artista kana pati yung private life mo nagiging public figure na ordinaryong tao lang din kami kailangan din po namin ng privacy.






Hindi ko na expect to kasi alam kong unti-unti rin nilang ilalabas ang article dito ngayon ko nga lang na pagtanto na nasa Pilipinas nga pala ako more issue to come nga pala. Tsk!





Kailangan ko ng maghanda dito sinimulan na nila ang taping bukas kaya naman naghanda nako! 8am  ang start kaya kailangan agahan ko bukas sinabi ko narin kay Mommy yon kaya alam niya naman kung anong gagawin kay Xyle.





'Sorry, anak kailangan ni Mommy magtrabaho para sayo.' Gusto ko kasing iparanas sakanya kung ano ang mga hindi ko naranasan noon gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay ayoko rin na paglaki niya ay pumasok siya sa mundo ng showbiz dahil sobrang gulo sa mundong yon na kung gusto niyang tahakin.




At kapag dumating man ang araw na nasa tamang edad na siya sana malaman niya na ginagawa ko lahat ng to para sakanya siya nalang ang kasiyahan ko at pahinga ko sa oras na marami akong pinagdadaanan kahit nasa america pa kami noon kaya habang kaya ko pa lahat gagawin ko para lang lumaki siyang mabait, mapagmahal na anak at may takot sa Diyos.





Habang naghahanda ko ng gamit para bukas may nalaglag na litrato na galing sa isang libro. Ang litrato naming dalawa ni Kiro na kuha sa isang lugar na pinagshootingan namin ng isang palabas parehas kaming nakangiti dito nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko habang ang mga kamay ko naman ay nasa braso niya na parang hinahampas siya dahil may pinagtatawanan kami na naikwento niya sakin.





Matagal na kasi yong nakaipit sa libro hindi ko inaalis yon tinignan ko pa ang litrato at nakita kong may nakasulat sa likod.





"Forever you will be my happiness." —krlx.





Inipit ko na yun sa libro at nilagay sa bed side table ko. I should face them already.







***







note: thank you guys for the greetings at sa mga babati pa i love y'all take care and keep safe everyone xoxo!

Next Page (Sequel of 과즙 Crush)Where stories live. Discover now