12

1.9K 91 55
                                    

D

"Hoy, Deanna! Hindi ako nakikipaglokohan sayo ah!"

Gusto kong pigilan yung tawa ko pero yung itsura kasi ni Jema nakakatawa. Para siyang mababaliw na haha.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? May nakakatawa ba ha, Wong?!" wew, bad trip na siya tinawag na yung buong pamilya ko, mamaya dumating talaga si dad at Dani dito haha.

"You should have seen your face, Jema. Hahaha."

Pinaghahampas ako ni Jema, grabe ang sakit pala nito manghampas.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Di nakakatuwa yang biro mo, Deanna. Kung alam mo lang kung anong naramdaman ko dati."

"Okay, okay, Jema. Seryoso na. Nagbibiro lang naman ako."

"Di nakakatuwa yang biro mo. Ano na? Sagutin mo yung tanong ko." naku, nakakatakot pala biruin to si Jema, parang magbubuga na siya ng apoy sa inis sakin.

"Upo tayo dun, Jema ohh. Nakakapagod maglakad eh." inaya ko siya sa may batuhan malapit sa dagat para naman makaupo kami. Mas tahimik dito at ang gaan sa pakiramdam ng tunog ng dagat.

"Umpisahan mo na, Deanna." excited naman to si Jema, kakaupo lang namin.

"Easy there, love.. Hehe."

"Love love mo mukha mo, Deanna. Iiwan kita dito pag di mo inumpisahan yang paliwanag mo."

"Oo na eto na ngaaaa.." natatawa ako, nakakamiss tong kasungitan ni Jema.

Pero kasi...

Hayyyy.. Kailangan ko na nga atang balikan yung araw na yun para maipaliwanag ko lahat sa kanya.

"Ganon yung sinabi ni mommy sayo kasi yun ang akala niya non." yung itsura ni Jema hindi na naman maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin, Deanna? Ayusin mo. Di ko maintindihan. Limang taon kong pinaniwalaan na wala ka na."

Okay, alam ko naman. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Jema. Nakakaloko naman talaga yung akala mong wala na tapos biglang makikita mo ulit.

"Okay ganito, Jema. Pakinggan mong mabuti. Nung maaksidente kami ni Dani pareho kaming nasa likod ng taxi non. Wala akong maalala pag gising ko, Jema. Basta nagising na lang ako na bali na tong balikat ko, sementado tong buong kaliwang braso ko at ang dami kong sugat sa katawan lalo na sa mukha."

Hay, parang nararamdaman ko ulit yung mga sugat sa katawan ko. Ang tagal bago ako nakarecover, ang hirap ng pinagdaanan ko sa mga sugat at sakit pa lang ng katawan ko.

"I'm sorry sa mga nangyari sayo, Deanna. Kung hindi mo pa kaya balikan lahat saka na lang natin pag usapan."

"No, Jema. Nandito na tayo. Baka di ko na kayang balikan ulit pag di ko pa nasabi lahat sayo ngayon. Gusto kong maintindihan mo lahat."

"Okay, Deanna. Makikinig ako sayo."

"Nang magising ako, Jema 2 weeks na yung nakakalipas simula ng aksidente. Tapos wala akong maalala. Wala kahit ano. Basta ang sabi lang sakin ni mommy non, naaksidente ako. Hindi niya agad sinabi lahat, nag aalala siya na baka maapektuhan yung recovery ko pag nalaman kong wala na si dad at wala na yung kambal ko. Tinago niya muna lahat sakin hanggang sa makarecover na yung katawan ko."

Binabasa ko yung reaksyon sa mukha ni Jema, nakikinig lang siyang mabuti.

"Saka ko na lang unti unting naalala lahat ng sabihin na sakin ni mommy yung totoo. Yung tungkol sa aksidente at kay dad. Jema, hindi sinasadya ni mommy na yun ang masabi niya sayo non, gusto niya agad ipaalam sayo yung nangyari sakin, kasi yun ang akala niya, yun ang sinabi sa kanya ng mga doctor don. Napagpalit nila kami ng identity ni Dani sa ospital. Saka na lang nalaman ni mommy yun, nung maasikaso na si Dani, namessage ka na niya at yung mga kamag anak namin."

Ang sakit na.. Bumabalik na naman yung sakit sakin. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay dad at Dani. Nagising akong wala na silang dalawa.

"Okay ka lang, Deanna.." napayuko na lang ako, ayokong makita ni Jema na naiiyak ako.

"Sige na, tama na yan, Deanna. Naiintindihan ko na."

"Hindi, Jema. Kailangan mong malaman lahat ngayon." gusto kong maintindihan niya lahat, limang taon yung lumipas.

"Hindi na alam ni mommy paano babawiin lahat ng sinabi niya sayo. Wala din akong maalala non. Sinabi na lang niya sakin yung tungkol sayo ng maalala ko na lahat. Isang taon na, Jema nang maalala ko lahat. Hindi ko na alam kung paano sasabihin sayo lahat. Kailangan din ako ng pamilya ko non, Jema. Nawalan ng trabaho si mommy, nagkaroon siya ng depression dahil sa lahat ng nangyari. Kaya gustuhin ko mang sabihin sayo lahat, gustuhin ko mang balikan ka dito hindi pwede Jema, kailangan ako ng pamilya ko. Ayoko na din guluhin ka non, ayokong madamay ka pa sa nangyayari sa pamilya ko non. And look at you now, successful ka na, natutupad mo na yung mga pangarap mo non."

----------

J

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa lahat ng sinabi ni Deanna ngayon. Ganon pala yung nangyari. Kaya pala ganon na lang niya iwasan yung bagay na yun pag napaguusapan namin.

"I'm sorry wala ako sa tabi mo nung mga panahon na kailangan mo ko."

"It's okay, Jema. At least, nandito ka na, nakita na ulit kita." hay, ang lungkot ng mga mata niya.

"Lika dito..." umurong ako lalo sa tabi niya.

"Bakit, Jema?" niyakap ko siya agad. Gusto kong i-comfort siya. Alam kong mahirap yung ginawa niya ngayon, binalikan niya yung araw na yun para lang ipaliwanag lahat sakin.

Narinig ko na lang na umiiyak na siya sa balikat ko. Mahina lang pero ramdam ko yung hirap at sakit sa lahat ng pinagdaanan niya. Mag isa niyang hinarap lahat.

"Sige lang, Deanna. Nandito lang ako. Naiintindihan ko lahat." sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"Jema, sorry iniwan kita..." pati ako naiiyak na din, iniisip niyang iniwan niya ko kahit hindi naman. Wala naman siyang kasalanan sa mga nangyari.

Tama nga ako. Kahit akala ko wala na siya, hindi pa din ako nagmahal ng iba, buhay pala siya. Tama yung puso ko, alam kong may hinihintay lang ulit akong bumalik. Babalik pala siya.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan niya ang mata niya. Eto pa din yung mga mata niya na napaka expressive. Yung mga mata niya na alam kong ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya.

"Do you still love me, Jema?"

"I never stopped loving you, Deanna."

"I love you, Jema..."

"I love you, Deanna. Always."

She leaned in, I closed my eyes. Then, I felt her lips to mine.
.
.
.
.
.
.

E N D

----------

🙋

That's a wrap!

All questions were answered.

Thank you for reading this short story.

ParallelWhere stories live. Discover now