BREAK UP

57 4 0
                                    

Shindou's P.O.V

" and the President finally agree about SAME SEX MARRIAG—" pinatay ko na ang TV. Bago pa lumabas ang balitang yan sa TV ay alam ko na, nabasa ko sa mga  online news. Pumayag na ang presidente sa Same sex marriage. SA WAKAS!

Magpasakal—este magpakasal na kaya kami ni Munemasa? 8 years nadin kami, matagal-tagal na din yun, nagsasama narin kami sa iisang apartment. May ipon at may disenteng trabaho nadin kami.

Isa na sya ngayong Coach ng Basketball, pangarap nya daw ito. Malakas ang hawak nyang team kaya naman sikat sya. Dahil nga malakas ang hawak nyang team, malaki din ang sinusweldo nya kada buwan, mahigit 25k at minsan mas mataas pa dun. Hindi lang sya coach dahil pinapatakbo nya din ang restaurant ng pamilya nila. Ako naman ay hawak ang kumpanya ni daddy, isang  sikat na Wine Company ang pinapatakbo ko ngayon. Kahit na may trabaho nako, Isa parin akong soccer player.

Si Ibuki Munemasa ay ang 8 years boyfriend ko.8 years na kami, Mahal namin ang isa't-isa, pero napansin ko unti unti syang nagbabago. Minsan nya nalang replayan ang mga chats and Text ko. Minsan din hindi nya na ako tinatawagan, dati halos oras oras syang tumatawag. Pag inaaya ko syang lumabas, sasabihin nya lang ay 'pasensya na, may gagawin pa ko' mahigit limang buwan na syang ganon. Ngayong araw ang Ika siyam (9) na anibersayo namin pero sa tingin ko nakalimutan na nya.

Natatakot ako na baka makipag hiwalay siya sa akin. Paano kung tama si Kyousuke? Sabi ni Tsurugi Kyousuke ang kaibigan ko, na asawa ni Tenma Matsukaze. Ay baka daw may nahanap na itong magandang babae na ipapalit sakin. Hindi pa pumapayag ang president sa Same sex marriage pero nagpakasal ka agad sila. 2 years na silang mag asawa at may dalawang ampon na anak.

Hindi ako naniniwala, pero lately napansin ko palagi na siyang may kausap at kasama syang babae. Mapa telepono man o personal. Sakura Nozaki ang pangalan nung babae, sa pagkakaalam ko Isa syang Gymnast Instructor sa school kung saan nag tatrabaho si Mune. Maganda at sikat sya. Hindi malabong magkagusto sa kaniya si Mune. Pero may tiwala ako kay Mune. Katrabaho nya lang iyon.

'Takuto may mensahe ka!' napangiti ako ng marinig ko ang ringtone ko, si Mune ang nagrecord nito at ginawa nyang ringtone ko, para daw agad kong titignan kapag narinig ko ang boses nya. Tinatamad kasi akong tignan ang mga nagme-mensahe sa akin. Si Kirino lang pala ang nag text, nambubuwisit.

From Ranmapruttt,

Matulog kana! Hindi ka na Mahal non! Nga pala bukas aalis kami nila Tenma sama ka? Mag grocery tayo, sumama kana tas hahanapan kanamin ng bagong boyfriend HAHAHA nighty nighty!

Oh Diba? Lakas talaga mambubuwisit kahit gabi! Hayssss. Si Kirino Ranmaru ay ang Asawa ng kaibigan kong si Kariya Masaki. 1 year na silang mag Asawa.

Andito ako ngayon sa Sala ng bahay, alas-nuebe (9pm) na ng Gabi  hinihintay ko lang umuwi si Munemasa, limang buwan nadin syang late umuwi. Minsan nga Di na sya umuuwi eh. 'Ano bang nangyayari sayo Mune?'

'Takuto may tawag ka! Takutooo!
'Takuto may tawag ka! Takutooo!
'Takuto may tawag ka! Takutooo!

Ang paulit ulit na tunog ng ringtone ko na boses padin ni Munemasa. Kinuha ko ang phone ko at tinignan. Si Munemasa, tumatawag. Sinagot ko ito

"Mune! buti napatawag ka, ayos ka lang ba Dyan? Bakit ka napata—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya

"Shindou, pumunta ka dito sa restaurant may sasabihin ako,Ingat" At agad nyang binaba ang tawag, teka ano daw? Shindou? Parang biglang kumirot ang puso ko. Kahit kailan ay hindi nya pa ako tinatawag na Shindou. Mula ng magkakilala kami ay palagi nya akong tinatawag na 'Takuto', anong nangyayari?

Bigla nya na lang binaba ang tawag at wala man lang 'I love you' natatakot ako sa mga nangyayari, Wag na lang kaya ako pumunta? Baka kaya niya ako pinapapunta kasi makikipagbreak na siya sa akin. Hindi ko kaya, hindi ko kayong mawala sa akin si Munemasa.

BREAK UP [ ONESHOT ]Where stories live. Discover now