Chapter 10: Endangered

1K 52 1
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=================}•>♥<•{==================

Jian's P.O.V

"That ends our report! Thank you for listening!"

Nagpalakpakan kami matapos ang presentation ng last group sa subject namin. Habang yung iba ay para bang inaantok dahil sa hikab sila ng hikab.

"No more questions? Okay, thank you last group for that presentation. Okay class! Siguraduhin niyo na nag-takedown notes kayo because i might give you a surprise quiz anytime." Sabi ng subject teacher namin.

Nagsimula nang mag-ingay ang klase upang manghiram ng mga notes. Ayan! Chika pa more!

Yan tayo eh, minsan pa ay maghahati-hati ng rereview-hin haha.

Hays! Buti na lang at nagsulat ako ng notes ko, though gusto kong matulog dahil nag-advance reading naman na ako sa topic nila.

Saka sino ba namang gaganahan na makinig eh parang lantang gulay kung mag-report tapos per group mamimigay ng quiz, psh!

"Okay, listen students of the Philippines! Malapit na ang Foundation Day ng ating school kaya naman mamimigay kami ng free Liquid Foundation." Natahimik lang kami ng ilang segundo. Like what? Aanhin namin 'yun.

"Huh?" Reaksiyon namin ng aking nga classmate.

"Hindi, biro lang! Anyways, since nakakasawa daw na puro na lang Mr. and Ms. Chuchurbanes and ginagawa, kaya naman nagdecide and SSGO at mga school staff na gay pageant naman ang magaganap! Exciting!"

Bakla si sir kaya naman kapag siya ang magle-lecture ay laging may baon na jokes sa amin.

Bigla silang nag-ingay na para bang excite na excite pati rin itong mga boys sa room. Manyak.

Hindi ako uma-attend ng foundation day kasi puro palaro na lang after ng opening program which is so boring though may paligsahan naman ng mass demo at iba pa.

"Okay, okay! Per section dapat may representative kasi kapag walang representative sa section niyo, magbabayad kayo ng 150 pesos each at gagamitin yun sa school project. "

And then, i realized that, ako lang pala ang bakla sa room namin. Unti-unti akong tumayo para umalis at pumunta sana CR.

"Jian!"

"Hm? B-Bakit?"

"Guys! May representative na tayo, whooooo!"

"A-Ayoko! Kahit magbayad na lang tayo..."

"Ano ka ba Jian, kaya mo yan, sali ka na..." Pagpupumilit nila sa akin.

"Aish! What if mag-import na lang tayo ng magre-represent ng section, alam mo namang wala akong experience sa mga ganiyan."

"Hindi puwede anak, kasi yun ang patakaran ng SSGO, why don't you give it a try? Ako na ang bahala sa make-up artist mo, don't worry about sa mga quizzes mo because automatic na perfect yun kapag excused ka." Not a bad offering pero hindi ko talaga alam kung kakayanin ko.

"Pero sir..."

(*Tang) (*Tang) (*Tang)

"Sige, notify na lang kita at baka bukas puwede ka ng mag-training since beginner ka, bye!" Saka ako iniwan dun.

That's what i'm saying here! I have no experience, it's useless to join this pageant, haist! Kairita naman oh, baka mapahiya lang section namin kapag contest proper na.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Where stories live. Discover now