Chapter 13

60 10 0
                                    

[13]

Raegan

"Ouch. Masakit, Raegan. Dahan-dahan naman."

"'Wag ka kasing maglikot. Stay still."

"Hindi na nga ako gumagalaw eh."

Napailing na lang ako nang ngumuso siya. Nang mailapat ko na nang diretso ang binti niya sa kama, sumipol naman siya.

"Yeah. That's it. You're so good at this."

Lumayo na lang ako ng tingin dahil paniguradong iba na naman ang iniisip niyan sa pinaggagawa namin.

"Umayos ka nga." sita ko. "Nadisgrasya ka na't lahat nakakaya mo pang magbiro."

Inayos niya ang pagkakasandal niya sa mga unan sa headboard. "Well, it's better than being depressed about it. Mas mag-aalala ang mga tao sa 'kin kapag puro negative ang mga sinasabi ko."

"It's surprising that you realize that much."

Umismid naman siya. "What do you expect? I've had enough of that kind of people who worries too much since I was a kid."

Binalik ko ang tingin sa kanya na nakayuko at inaayos ang kumot sa maayos niyang binti. Gabi na nang makauwi kami galing ospital pagkatapos ng limang araw niyang pagpapagamot. Okay naman ang lahat ng test na ginawa niya at pinayagan na siya ng doktor na magpagaling sa bahay.

Tuloy pa rin ang business trip nila mama kaya hindi sila makakauwi. Pinayagan lang sila noong araw na iyon para matingnan si Logan. Strikto ang director ng broadcasting company kung saan sila nagtatrabaho.

Which means, hindi talaga sila pwedeng umalis para maalagaan ang kapatid ko. Kaya ako na lang ang aasahan nila para doon.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na nangyayari 'to sa kanya ngayong nandito naman ako. He never answered whether these things happened before. Basta ang napapansin ko ngayon, may ginagawa siya na napakadelikado.

Of course, he wouldn't say anything. Lagi niyang sinasabi na ayaw niyang may mag-alala sa kanya. Ang gusto niya, siya ang mag-aalala.

"Logan..."

Lumiwanag ang mukha niya at pinagtama ang magkabilang palad. "Ipagluto mo ako, Raegan. You still know my favorite dish, right?"

Iyan na naman siya. Changing the subject again. Hindi talaga nakikinig kahit kailan. "Yes. Chicken adobo."

"Ipagluluto mo ako, 'di ba?"

Wala na akong ibang kilala na namimilit nang may halong pang-aasar bukod sa kanya.

Logan is really one of a kind. Napapailing na lang ako kahit sobra-sobra na ang frustration ko sa nangyayari.

"Oo," sagot ko na lang.

Ngumiti siya. "Thanks. Balik ka rito kapag kakain na."

I'm being dismissed, all right.

Halos kabisado ko na ang pag-uugaling iyan. Kahit ilang taon pa kaming nag-uusap through video call, alam na alam ko kung ano ang mga reaksyon niya at ang katigasan ng ulo niya.

After all, my attention to his presence wouldn't waver even one bit.

"Kahit sinabi ko na ang gusto kong sabihin, wala pa ring nagbago." comment ko sa sarili.

Totoo naman kasi. Sobra akong natuwa nang magising siya pagkatapos ng aksidente at hindi ko na napigilan ang bibig ko. Akala ko may magbabago sa amin pero normal naman ang inaakto niya.

Hindi ba dapat sobrang saya niya dahil parehas lang kami ng nararamdaman?

Unless...

Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan at nanlalaki ang mga mata sa kawalan. "Hindi niya ako ganoon kamahal? Nagkamali lang ba siya ng akala na romantic love ang nararamdaman niya para sa 'kin?"

Wicked BrotherWhere stories live. Discover now