Chapter Nineteen

4.4K 199 54
                                    

Chapter 19


"Ano?!"


"Yup. We will visit him later. Hindi ko pa alam kay Mommy anong oras..."


Oh my gosh? How's Cody then? He's probably worried by now!


"I already texted Cody and kinakamusta ko ang kalagayan ng Daddy niya pero wala pa siyang reply. Tumawag ako sa'yo nagbabaka sakali lang naman kung nagtext siya sa'yo o ano."


"Wala eh, hindi ko rin alam."


"I'm worried," she said.


May problema ako pero alam kong kailangan din niya ng makakausap ngayon. I know how much he loves his Daddy and I know for sure... sobrang nag-aalala iyon para sa Daddy niya.


I quickly went to cr and took a bath. Nagsuot lang ako ng isang simpleng white t-shirt at saka shorts. Nang lumabas ako ay nadatnan ko si Papa at Mama na nag-uusap sa sala.


"Saan ka pupunta?" si Mama nang makita niya ako na dali-daling palabas.


"May bibisitahin lang po."


I was near at our door when I suddenly stopped and looked at them.


"Sorry po sa pagsigaw kahapon." I may not be a perfect daughter but I know I am at fault when I shouted at them yesterday. Nadala lang ako ng emosyon ko. Alam kong mali iyon at naiintindihan ko.


Dali-dali akong pumara at sinabi sa driver ng taxi ang pangalan ng ospital. Ilang sandali pa ay nakarating na ako roon. I immediately went and ask the room number of his Daddy. Nang nasa tamang palapag na ako at naglalakad patungo sa nasabing silid ay hindi ko inaahasang makita siyang nakaupo sa waiting room chair sa gilid ng mga silid. Nakayuko siya at kahit hindi ko man makita ang mukha niya ay mahahalatang malungkot at pagod ito.


Nakalapit na ako sa kanya. Marahil ay hindi niya pa ako nararamdaman kaya nanatili lang siyang nakayuko. Hindi muna ako nagsalita at tinititigan lang siya.


"Cody..." I called him.


Ilang saglit pa ay nagtaas siya ng tingin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako ngunit agad iyong napalitan ng lungkot at pagod. Muli siyang yumuko. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Most of the time, he's silent but now... it's different type of silence—may kasamang sakit.


"What are you doing here?"


I pursed my lips. Huminga muna ako nang malalim at saka tumabi sa kanya. I gently tapped his shoulder.


"Sinabi sa akin... ni Sam..." he nodded.


"He's now okay," he said. I smiled. Thank God.


"Mabuti naman."

I Love You, Engineer (Engineering Student #1)Where stories live. Discover now