Chapter

1.9K 53 35
                                    


I AM NO READY FOR THIS.

Flaire's POV

"Bastos ka! Pagkatapos kitang alagan ng tatlong taon ganito ang gagawin mo sa'kin? How dare you!" Napahawak ako sa sentido ko ng marinig ang sinabi ni Max.

He's being overly dramatic again. Kasalanan ko naman, nawala sa isip ko na susunduin ko nga pala siya ngayon.

"Sorry na! Malapit na ako promise." Pinatay ko na ng tawag. Buti at nakapag reroute ang Waze kaya less traffic itong nadaanan ko. I stopped the car in front of the building, nakita ko si Max na nakatayo doon at nakasimangot.

"Babe, come in na." Gusto kong matawa ng mabilis siyang pumasok sa sasakyan ko.

"My goodness! How could you do this to me! Fifteen minutes mo akong pinaghintay bruha. The girls out here are wild! Hinihingi pa ang number ko! Ano tingin nila sa akin? Papatol sa kapwa ko babae!" I laughed so hard after hearing him rant. Tinignan niya ako ng masama.

"Bwisit ka! Tatawanan mo pa ako! I feel so harassed, already." He rolled his eyes again. Pinatawag kase siya ng isang law firm dito sa Manila. He wanted to turn down the offer pero nakiusap ako sakanya na tanggapin niya iyon. Madali lang naman daw ang case, after a week ay baka makauwi na daw siya sa Tarlac.

Pero I offered him a temporary position sa kumpanya, actually I assigned him as my legal consultant. Kailangan ko ang tulong niya, lalo na at magsasampa na ako ng kaso laban sa uncle ni Sab.

"Kung alam ko lang talaga girl! Nagdala na sana ako ng sarili kong sasakyan." Iyon nga din ang pinagtataka ko.

"Where's your car ba?" Ngumiti siya bigla.

"Gaga! Nasa Tarlac, sumabay lang ako kay Marco papunta dito. Inutusan kase siya ni mama, kaya sumabay na lang ako." Ngumiti ako at tumingin sa sakanya.

"Bruha ka din! Harot ka din kase girl, nagtataka ako kung bakit ka bumyahe ng walang sasakyan, ngayon alam ko na. Bwisit to, nanglalaki pa." Tumawa siya sinabi ko.

"Lunch muna tayo sa condo, Fierce is excited to see you." Nag drive na ko papunta sa condo, sinalubong kami ng anak ko na sobrang saya.

"Tata Max!" Mabilis siyang binuhat ni Max. I kissed my son, bago maglakad papunta sa kusina.

"Ma'am naka marinate na po yung chicken." Sabi sa akin ng yaya ni Fierce. Pinadala ito nina mom sa amin, para daw may katulong din ako at may magbabantay sa anak ko tuwing wala ako.

"Sige, salamat Era, pahinga ka na muna. Ako na ang bahala kay Fierce." Alam ko din kase na pagod siya, dahil hindi din birong alagaan ang anak ko. Medyo makulit at malaro din kase si Fierce.

"Sige po ma'am. Salamat po." Tumango ako sakanya at ibinalik ang pansin sa pagkain na iluluto ko. Tinignan ko sina Max at medyo busy sila sa paglalaro. Binilisan ko ang pagluluto ng lunch.

"Max halika na dito. Dalhin mo na din si Fierce." Inayos ko na ang lamesa at ang pagkain. Pinagtabi ko na din ng pagkain ang kasambahay.

Si Max na ang nagsubo kay Fierce.

"So anong balak mo? Am I going to meet this Xander?" Naikwento ko kase sakanya ang plano ko.

"Yes, kasama din si Theon." Tumango siya at nagseryoso na ulit s pagkain.

"You should stay here na muna." Umiling siya.

"Girl I need to check the condo. Kung na deliver na ang mga gamit dun." He got a condo, nag offer naman ako sa kanya na dito nalang muna siya pansamantala, pero ang bruha paano naman daw ang privacy niya.

One Night ConsequenceWhere stories live. Discover now