Chapter 18

70 24 11
                                    

GAVIN'S POV

Alas singko pa lang nagigising na ako para magjogging. Nakasanayan ko na itong gawin simula ng lumipat ako dito sa Sitio Payapa.

Relaxationismmmm kumbaga HAHAHAH.

Isang oras ako kung magjogging dahil may pasok pa.  Sa karenderya ako madalas kumain. Lugaw ang kadalasan kung inaalmusal.

Nang matapos ako kumain.  Alas sais na ng makauwi ako sa bahay. Nadatnan kong nagkakape si Lolo at Lola.

''Kumain ka muna Apo'' sambit ni Lola ng makapasok ako

''Tapos na ako kumain'' pabalang kung sagot sa kanila bago tuluyang pumasok ng kwarto.

Agad akong naligo at nagbihis.  Saglit lang kung gawin ko ang lahat dahil ayaw ko nagtatagal sa bahay na ito.

Paglabas ko naabutan kong nakaupo si Lola sa may garden at si lolo naman naggugupit ng halaman.

''Aalis na ako'' pagpaaalam ko sa kanila at dali daling umalis ng hindi sila nililingon at hinihintay na magsalita.

Naglakad ako hanggang sa puno ng santol hindi para maghintay ng trycyle kundi para manmanan si Ali at para siguraduhin  ang mga nakita ko kahapon. Hindi malayo hindi malapit ang pwesto ko, sakto lang para makita ko si Ali kung lalabas man siya.

6:35 na ng tumingin ako sa orasan 7:30 ang pasok namin.  Bahala na kung malate ito pa lang naman ang una kung sakali.

Matyaga akong nagmamanman ni hindi inaalis ang tingin ko sa harapan ng bahay nila.

Ilang minuto ang lumipas ng may dumating na isang motor.

'yan din yung motor at lalaki na sumundo sa kanya kahapon'   

Pumarada ito sa gilid ng gate nila at dali daling niyang nilabas ang selpon at tila nagtitipa ng mensahe. Wala pang limang minuto nakita ko ng lumabas si Ali.

Sinalubong siya ng yakap at kiniss niya ito sa pisngi bilang pagbati. YUCKERZ!

Lumipat ako ng pwesto yung mas malapit, yung mas maririnig ko sila pero hindi ako makikita.

''Goodmorning Beautiful Alisha'' narinig kong sambit ng bwisit na motor boy na yan.

''Morning''  nakangiting tugon naman ni Ali.

Matapos magbatian sumakay na si Ali at umalis na sila.

Naiwan ako as usual. Lumabas ako sa lungga ko at naghintay ng ilang minuto bago makasakay ng trycyle.

She is with someone


And I'm alone.

''Goodmorning Gavin'' narinig kong bati ng lalaking tumabi sakin habang naglalakad ako sa pathway.

"Morning" matamlay kong sabi ng makitang si Zane ang tumabi sakin

''hahaha Broken na Broken ang awra mo'' natatawang aniya

''Sino bang hindi masasaktan kapag nakita mong may kasamang iba, IBANG LALAKI'' 

''Paano mo naman nakita?"

''Nag-abang ako ng maaga tapos ayun nakita ko''

''Sinong tanga HAHAHA alam mo Gavin kung ayaw mong masaktan hindi kapa handang magmahal''  seryoso nitong sambit bago kami makarating sa room.

 A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon