CHAPTER IV

16 1 1
                                    


Natapos na namin ikutin ang buong school. Maliit lang naman ang campus namin kaya hindi kami natagalan. Nauna nang umuwi si Jenica dahil magcocommute siya habang kaming tatlo naman ay patungo sa parking kung saan nakaparada ang aming mga sasakyan.

Pagkadating namin doon ay napansin ko na hindi nakamotor si Ethan, bagkus sila ay naka kotse. Ang yaman naman ng mga to.

"Magmomotor ka? Marunong ka pala" sabi ni ni Ezekiel sakin nang makita niyang nag aayos na ako sa motor ko.

"Oo" at nginitian ko siya.

"Gusto ko rin matuto niyan kaso sa pagbibisekleta pa nga lang hirap na ako" at bigla siyang tumawa.

"Zeke, tara na" dumungaw si Ethan sa bintana at tinawag si Zeke.

"Sige, ingat ka Wendy!"

"Ingat din kayo!" ngumiti ako at sumakay na nang sasakyan si Ezekiel. Umalis na silang dalawa.

Makauwi na nga rin. Sumakay na ako sa motor at nagdrive na pauwi.

Sa sumunod na mga araw ay lalo kaming naging close ni Ezekiel. Si Ethan ay kahit papano ay nakakausap na naman namin ni Jenica pero andon paren yung pagka hambog niya. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom at nagmemeeting kung anong mangyayare sa StemWeek namin na magaganap sa susunod na buwan. Nasa harap si Macey, ang class president namin.

"Guys, so ayun. Magkakaroon sana tayo ng little pageant pero with a twist. Since 4 naman ang section ng STEM, napagkasunduan namin last meeting na mag kakaroon ng dalawang representative kada section. Isang babae at isang lalaki. Sa pageant na yun, irerepresent natin ay kung anong kurso ang nabunot. Ang nabunot natin ng section natin ay Architect and Civil Engineer. Bali yung pageant ay magaganap before battle of the bands. Sino kaya ang pwede nating representative?"

Biglang nagtinginan ang mga kaklase ko, alam kasi nila gusto ko talaga mag Architect pero wala naman akong talent sa pageant-pageant na yan.

"Wendy? Gusto mo?" tanong sakin ni Macey.

Umiling ako at tinuro si Jenica. Mataas self confidence non e.

"Si Jenica na lang, magpapaassign na lang ako sa design sa stage" nagulat si Jenica sakin at napatingin din si Macey.

Si Jenica kasi ay may background na pagdating sa pageant. Kahit papano ay alam na niya ang gagawin niya.

"Ba't ako?" turo ni Jenica sa sarili niya.

"Aba Jenica, sa battle of the bands na nga ako pati pageant ako pa rin?" sagot ko. Kasali ako sa battle of the bands bilang vocalist ng grupo. May "banda" kase kami nila Jack noong junior high school at naisipan naming sumali since kami-kaming STEM lang naman ang magkakalaban.


Sumangayon ang mga kaklase ko sakin at sa huli ay napapayag nila si Jenica. Lalaki na lang ang problema.

Bumaling ako kay Ezekiel at tinanong siya kung pwede siya. Matangkad naman siyang lalaki at matalino pa.

"Kaw Ezekiel? Partner na kayo ni Jenica. Mga papilit kase yung mga kaklase nating lalaki. Feeling pogi" bulong ko sa kanya.

Medyo natawa si Ezekiel sa sinabi ko kaya natuon ang pansin sa kanya ni Macey.

"Ikaw Ezekiel? Pwede ka?" tinignan lang ako ni Ezekiel. Binulungan ko siya na ililibre ko siya ng kwek-kwek kapag nanalo siya. Nalaman ko kase na paborito niya yon.

Kaya ngayon ang kasali sa pageant at si Jenica at Ezekiel. Ang mga representative naman sa battle of the bands ay ako bilang bokalista at rhythm guitar, si Jack sa lead guitar, Jameson sa bass guitar, at Lindsay naman  sa drums. Bagong recruit namin ni Jack si Jameson at Lindsay dahil ngayong shs lang naman namin sila nakilala.

Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon