Chapter 1

222 2 0
                                    

Chapter 1

Bagot na nakasakay sila sa isang taxi ng kanyang ina. Nakakainis naman kasi dahil pinipilit sya ng kanyang ina na doon na sumama sa trabaho nito.

Mayordoma ang kanyang ina sa isang mayamang pamilya. But he know na hindi sya doon mag-e-enjoy.

Sino ba doon ang mag-e-enjoy? Wala na syang oras para sa mga gawain nya at bantay sarado pa sya ng kanyang ina.

Ilang sandali ay tumigil ang taxi sa tapat ng malaking bahay. Sumilip muna sya bago lumabas dala ang kanyang malaking itim na bag, laman non ang kanyang mga damit.

"Loudux, umayos ka sa loob, ha?" pinandilatan sya ng mata ng kanyang ina ng nasa tapat na sila ng gate.

Napatawa na lang sya pero pinigilan nya iyon dahil baka makurot pa sya ng ina.

Binuksan nito ang gate at naunang pumasok ang kanyang ina. Unang pagtapak nya pa lang sa loob nito ay hindi na nya gusto.

"Anak, 'yan yung amo ko," bulong ng ina sa kanya at tinuro ang isang ginang na pababa ng hagdan.

Tinignan nya iyon para malaman. Nakasuot ito ng puting floral na bistida, bagay sa maputi nitong balat. Nasa 40 mids na ang babae ngunit hindi halata dahil sa maayos na postura.

"Magandang umaga, Ma'am, anak ko nga pala" bati nito sa ginang ng makalapit ito sa kanila, tumingin naman sa kanya ang ina, tila nagsasabi na maging maayos sya.

"Good morning po, Xyrus" pakilala nya at nag-abot ng kamay dito, inabot naman iyon ng ginang.

Napangiti sya dahil doon. Hindi nya inaasahan na hindi ito maarte tulad ng ibang mayayaman.

"Good morning nay Cecil, sige mauna na ako. Kayo na ang bahala dito. Saka 'nay, pakigising na ang anak ko" sambit ng ginang at umalis sa harap nila.

"O sabi ko sa'yo mabait ang amo ko kaya dapat magtino ka" turan ng ina sa kanya at hinila sya nito sa maid's quarter.

Dalawa ang kwarto para sa mga katulong at dahil mayordoma ang ina nya dito, ay may maliit itong silid na nakalaan.

Binagsak nya ang gamit habang ang ina nya ay nagpaalam dahil may trabaho na ito.

Hinubad nya ang kanyang pang-itaas at itinira lamang nya ang short na hanggang tuhod.

Lumabas sya at naglibot-libot. Nakarating sya sa isang hardin. Gusto nya doon dahil tahimik. Naupo sya sa isang bench at pinagmasadan ang kabuuan.

Mukang walang hardinero doon dahil hindi ito nabantayan, malalago na ang mga dahon at tuyot na ang mga bulaklak.

Sayang...

Naisipan nyang punatahan na lang ang ina. Hinanap nya iyon sa loob ng bahay.

Natagpuan nya itong nagagayat ng lulutuin. Lumapit sya sa ina ng hindi sya napapansin.

"Ma, may kape ho?" pinipigilan nyang matawa dahil iyon ang nasabi nya.

May narinig syang nabasag at napunta ang tingin nya sa isang katulong na parang ka-edaran nya lang. Nakatulala ito sa kanya ng hindi nya alam.

Mabilis naman syang nag-iwas ng tingin at napabawi rin ito ng tingin.

Pfft.

"Anak ko nga pala si Loudux" sabi ng kanyang ina na busy pa rin sa ginagawa. "Dito muna sya," pagpapatuloy pa ng ina.

"Hi!" lumapit sa kanya ang babaeng nakabasag ng baso kanina.

Tila higad ito kung makayapos sa kanya. Hindi naman sya makaiwas dahil ayaw nyang maging rude.

"Hi, I'm Xyrus...Xyrus Loudux" nag-abot sya ng kamay dito.

Tinanggap agad iyon ng babae. "Hi, I'm Jennica, Jenny for short" sabi nito sa kanya at sinundan iyon ng mahinhing tawa. Pero para sa kanya, malandi ang tinig na iyon.

"Hoy Jenny, alam kong gwapo ang anak ko, 'wag mo ng harutin. O'sya balik sa trabaho. Gigisingin ko pa si Zyprexa"

Hinila sya ng ina palabas sa kusina.

"Ikaw lalaki ka, 'wag mong haharutin ang babaeng iyon, maliwanag?"

Tumango na lang sya. As if magkakagusto sya doon. Pfft.

Umakyat sila sa pangalawang palapag ng bahay at kumatok sa isang kwarto.

"Zyprexa?...Gising na hija, diyos ko. Alas nuebe na" sigaw ng kanyang ina sa tapat ng pinto. Habang sya ay nililibot ang paningin.

Nakita nyang muli ang katulong kanina, kumaway ito sa kanya at parang kinikilig. Simpleng ngiti lang ang isinukli nya dito at halos mangisay na ang babae.

"Hija, gising na. Nakaalis na ang mommy mo kanina pa" sigaw muli ng ina nya.

"'Ma kung ayaw gumising 'wag nyong pilitin—"

"Opo 'nay Cecil, babangon na..." rinig nyang tinig mula sa loob ng kwarto kaya napatigil sya.

So?...Dalaga ba ito? Maganda? Maputi? Hindi brat?

"Sige bababa na ako para ihanda yung pagkain mo. May maghihintay naman sayo dito" sabi muli ng ina nya. Lumipad ang tingin nito sa kanya. "Antayin mo si Zyprexa. Maging maayos ka sa kanya" huling sabi nitobago bumaba at pumunta sa kusina.

"Nay Ceci—who the hell are you?!"

Napatingin sya sa tapat ng pinto, naroon ang dalagang may tuwalya sa balikat at nakasimpleng damit lang. Makinis ito at medyo morena. Well, maganda.

"I'm Xyrus, anak ng mayordoma nyo dito" nag-abot sya ng kamay dito pero hindi iyon pinansin ng dalaga kaya binaba nya na lang.

"Ikaw? Anak ni Nanay Cecil?" pagtataray nito sa kanya at naunang naglakad pababa. Sinundan nya naman ito.

"Oo, 'di ka naniniwala?"

"Hindi"

Napataas sya ng kilay. "At bakit naman?" tanong nya dito ngunit wala syang nakuhang sagot.

"By the way, good morning" pag-iiba nya ng usapan.

"Morning" masungit na tono nito.

"Anong itatawag ko sa'yo?" pangungulit nya pa sa dalaga na nakaupo na sa tapat ng hapag-kainan. Nasa gilid naman sya nito.

"Ang kulit! Just leave me alone!" sigaw nito sa kanya na may masamang tingin.

Pinipigilan nya ang tawa dahil sa pambata nitong ugali.

"Pero sabi ni mama na bantayan kita, which is yung mayordoma dito na gumigising pa sa damulag" hindi nya na napigilan ang paghagalpak ng tawa.

"You know what, panira ka ng araw ko! Argh! Just leave...Go! Shoo!" tumayo ang dalaga sa kinauupuan nito at tinulak sya paalis sa harap nito.

Pinigilan nya ang tawa at sumuko na nga sa kasungitan ng dalaga.

"Fine, bye Allaire, see you around" sabi nya sa dalagang mukang nainis na sa kanya.

Tumalikod sya at nilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng short nya.

"Argh!"

Napatawa sya ng marinig ang sigaw ng babae. Alam nyang ayaw na ayaw ng dalaga na tinatawag ito sa second name, pero nasisiyahan syang asarin nito.

Wild HeartWhere stories live. Discover now