Chapter 3

113 1 0
                                    

Chapter 3

"Pwede ba! Bitiwan mo'ko Xyrus! Gosh pinagtitinginan tayo!" sigaw ni Zyprexa sa binata.

Pilit nyang kinukuha ang kamay nyang nakakulong sa mainit na kamay ng binata. Pinipilit nyang iwasan ang mabilis na tahip ng kanyang dibdib. Bakit nya ba iyon nararamdaman?!

Pinagtatawanan naman sila ng kanyang kaibigang si Thea, mukang kinikilig pa nga ito sa kanila. Yuck!

Nauuna ang kaibigan nyang maglakad at nasa likod sila ni Xyrus. Inirapan nya ang binata kahit hindi sya nito tinitignan.

Bwiset!

Pumasok sila sa isang RTW. Nakita nyang may mga bagong labas na damit kaya kinuha nya ang kamay sa binata at tumakbo sya papalapit doon.

Para syang bata. Pero naexcite talaga sya dahil hilig nya ang fashion.

May simpleng cocktail dress doon. Medyo light blue ang kulay at hanggang tuhod nya iyon, backless din.

"Like it?" tanong sa kanya ni Thea.

Umiling naman sya. Mas magaganda pa ang damit na pinadadala ng kanyang lola galing France.

Naglibot sila sa loob non at ang binata naman ay nakasunod sa kanila, or let's say na nakasunod sa kanya. Tahimik lang ang binata at kung saan sya pumunta ay nakabantay ito.

Talaga namang pinanindigan ang pagiging body guard.

Napatawa na lang sya sa isip. Nawala na ang atensyon nya sa mga damit at sapatos kundi ay napunta sa binata.

"What?"

Nagulat na lang sya sa boses ng lalaki. Hindi nya namamalayang napatitig—napatingin sya dito.

"N-Nothing. Saan na ba si Thea?" pag-iiba nya ng usapan.

Tumingin sya sa relos nyang pambisig. 11:39 pa lang pala pero mukang gutom ulit sya. Mygosh! Baka manaba ako at hindi ko nasusunod ang healthy diet ko!

Nakita nya ang kaibigan dala ang mga pinamili habang sya ay walang napili.

"Kain tayo?" yaya nya sa kaibigan.

"Yeah, tara medyo gutom na ako"

Lumabas sila ng RTW at pumunta sa isang Italian Restaurant. Hilig na nilang kumain doon.

Nang malapit na sila pumasok biglang nagsalita ang binata.

"Dito na lang ako sa labas maghihintay," sabi nito kaya napataas sya ng kilay.

"No, tara sumama ka na. Ililibre ka ni Zyprexa—"

"What?!" napalatak sya dahil doon.

"You're so rude, buti nga sinamahan nya tayo" sabi pa ni Thea kaya naging blanko ang muka nya.

"Fine—"

"No, thanks. Doon na lang kita sa kotse hihintayin" sabi ng binata at umalis sa harap nila.

Anong nangyari don?! Bipolar ata.

"Yan nagtampo na yung boyfriend mo" pang-aasar sa kanya ni Thea ng makaupo sila.

Babarahin nya na dapat ito kung hindi lang dumating yung waiter.

Lumipad ang utak nya sa lalaki—bwiset bakit nya ba iniisip yon?

Teka—maghihintay ito sa kotse? E matatagalan pa sila ni Thea dito sa mall.

Hayst bahala na nga maghintay yon, iyon naman ang may gusto.

Dumating ang order nila at natapos agad nila iyong ubusin, dahil na rin ata sa gutom.

Sunod silang pumunta sa national book store. May klase na nga pala sila pero half day lang.

Bumili sya ng pens dahil hilig nyang mag calligraphy, bumili din sya ng schedule notebook nya.

Pumunta pa sila kung saan saan. Naisip na naman nya ang lalaki pero hinilig nya ang ulo para mawala iyon sa utak nya.

"Gosh Zyprexa mauuna na nga pala ako. May pupuntahan pa kami ni mom" sabi ng kanyang kaibigan. Ngumiti na lang sya dito at nagbeso beso sila.

"Ingat" she said.

Dumaan sya sa isang bilihan ng doughnut at bumili na rin ng drinks.

Mabilis syang pumunta sa kotse pero nagulat sya ng lumabas doon ang lalaki at sinalubong sya. Kinuha nito ang mga paper bags na dala nya. Nauna itong naglakad sa kanya, nilagay pala nito ang mga pinamili nya sa backseat.

Sumunod sya sa lalaki at akmang papasok sa backseat ay hinila sya nito, binuksan ang passenger seat para sa kanya.

"Pasok" walang emosyon nitong sabi sa kanya.

Umirap na lang sya at umupo na. Nagseatbelt sya kahit nahipan sya dahil sa hawak nyang pagkain.

Umupo naman ang binata sa kabila at inistart nito ang kotse. Alas dos na sa relos nya at iniisip nya ang lalaki kung kumain na ba ito.

"What are you thinking? Ang tahimik mo ata" puna sa kanya ng binata sa gitna ng kanilang biyahe.

Umirap na lang sya dito. Bwiset lagi na lang syang napapansin nito!

NAKAUWI agad sila sa bahay ng dalaga. Pinarada na ni Xyrus ang kotse at pumasok sa bahay dala ang pinamili ng dalaga.

Fuck! Nagugutom na sya! Kanina pa! Bakit ba kasi ang taas ng pride nya at tumanggi ng alukin sya ng dalaga kumain?

Hinatid nya ito sa tapat ng kwarto nito at binigay dito ang pinamili pati ang susi ng kotse.

Umirap na naman sa kanya ang dalaga. Nahahalata nyang kanina pa ito nang-iirap buti na lang hindi ito naduduling. Pfft.

"Oh, for you nga pala"

Naningkit ang mata nyang nakatingin sa masungit na muka ng babaeng kaharap nya. Nakaabot sa harap nya ang maliit na paper bag, halatang pagkain iyon.

"Kunin mo na Xyrus! Arte pa e!" parang bata itong pinipilit syang kunin ang inaalok nito.

Umiling naman sya at inatras ang kamay ng dalaga. "No, you eat it. Para naman tumaba ka" nanunuyang sabi nya at bumaba ang tingin sa malaki nitong dibdib, isang ngisi ang lumabas sa kanyang labi.

"Tse! Pervert!" sigaw ni Zyprexa at muntikan ng sumampal sa gwapong muka nya ang pinto ng kwarto nito.

Napatawa sya ng marinig ang naiinis na tili ng dalaga.

Now, he's enjoying with this woman.

Errors ahead. Putcha pasmado kasi ako. Paintindi na lang kung may errors HAHAHA. Enjoy reading <3

Wild HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant