Prologue

569 24 1
                                    

|Prologue|

_________________________________________

"Cleo! Kailan ka pa ba uuwi dito? Nakakabagot dahil wala ka dito sa Pilipinas. Tiniis ko ang tatlong taon Cleo!" Bungad ni Minnie sa akin nung tinawagan ko siya. It's early in the morning at balak kong pumunta sa gym na malapit lang.

Humalakhak ako bago sumagot. "Isang buwan na lang Min, babalik na ako." Mahinahon kong sagot. She chuckled.

"Oh sige pero sabihin mo ha kung madedelay dahil pupunta talaga ako diyan sige ka!" Natutuwa ako dahil excited na siya. Tatlong taon na ang nakalipas sa kasinungalingang ginawa niya noon. Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas para makapag simula ng trabaho sa aming company.

"Basta ibabalita ko agad sayo, okay?"

"Sige na nga. I miss you na talaga Cleo!" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oh, baba ko na ito ha? May gagawin pa ako." Pupuntahan ko pa kasi si Kuya Chase para makapagpaalam na ako sa kaya na mag ji-gym ako ngayon since wala naman talaga akong magawa dito.

"Sure! Sige bye, I love you!"

"I love you too Min!" Masayang ani ko bago pinatay ang tawag. Napahinga ako ng maluwang at napagisipang pumunta na sa office ni Kuya Chase. I'm pretty sure na busyng busy yon dahil sa mga papeles. Uuwi din siya e.

"Kuys?"

"Hmm...pasok ka" aniya at agad ko namang binuksan ang pinto. He is really a busy man dahil sa company namin. Naawa tuloy ako kay Kuya. Kaharap niya ngayon ang mga papers na pinadala ni Mommy at Daddy para pirmahan. Kasi sabi niya sabay na daw kami umuwi sa Pilipinas kaya ayon pinadala ang mga kailangan pirmahan.

"Kuys! I will go out alone busy si Walter, mag ji-gym lang ako don't worry na Kuys I'm already 22 years old kaya ko na 'to!" Paalam ko kay Kuya Chase. Gusto ko lang mag treadmill doon kahit 60 minutes lang. Hindi naman kasi ako masyadong pumupunta doon. Kung may free time lang kaya ngayon lubusin ko na 'to!

This will be my last month sa US. Gusto ko na kasing bumalik sa Pilipinas kasi na miss ko tuloy sina Dannah at iba kong mga pinsan. Ang hirap kaya dito. Si Kuya Chase lang at ako ang andito sa bahay. Haay!

"Umuwi ka ng maaga ha!" sabi niya.

"Oo naman! Wala naman akong hinihintay don... uhm pwede ba pasundo mamaya?" He stopped signing the papers at humarap sa akin. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Hala! Patay ako. Nakakatakot kasi si Kuya e. Kahit na medyo play boy siya seryoso din siyang tao. Sino naman ang hindi matatakot sa isang Chase Jayden Fransisco? Isang galaw lang ng panga niya nakakatakot na!

"Sige na Kuys, please sunduin mo na ako!"I begged him. Gusto ko lang mag spend ng time dito sa US with Kuya. Kasi lately busy na siya sa mga papers at dami niya ng pirmahan. Nakita ko tuloy na mas gusto niyang harapin ang mga papel kaysa mga babae! HAHAHAHAHA! Kaasar!

"Tss...Fine dalawang oras lang ha!" Banta niya. E alam niya na kasi kapag nag ji-gym ako pagkatapos niyan punta agad ako ng mall para kumain. Kaya I never lose weight HAHAHAHAHA! Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kapag gutom e. Parang napilitan din akong gumastos ng savings ko para lang kumain. E ano ang magagawa ko dun? Gutom e.

Agad ko siya niyakap. Naamoy ko tuloy ang kanyang pabango. Napairap ako pero of course secretly lang kasi baka mag bago ang isip neto! Tss...Fransisco boys namiss ko tuloy si Dean na nagpapasikat. Si Laurence na palaging nagpakita ng katawan niya. Si Gideon of course ang pinakamakati! HAHAHAHAHA! Namiss ko naman si Rio kasi ang bagal niyang maghanda sa sarili niya. Ang sabi niya daw na bago siya lumabas ng kwarto niya dapat mabango to catch attention. Haay! Nahahawa tuloy si Rio sa kanila. Pero wala naman akong magawa don e. Let's just accept the fact na ganyan talaga ang gusto nila. Naaawa ako kay Rio e kasi baka pinilit siya pero sinabi niya 'yon din ang gusto niya kaya wala akong magawa don.

[Completed] Slow Dancing In The Dark (Canción Series #1)Where stories live. Discover now