bentè-dos

46 12 0
                                    

CHAPTER 22

"Haisley! Dali, take a picture of us!" binuksan ni Emman ang glass door dahilan para bumungad siya sa aking harapan. Binawi ko kaagad ang palapulsohan ko kay Noah saka na lumabas ng balcony nang hindi siya sinasagot.

Napatigil ako sa paglalakad nang may naisip, "For your info, I didn't eavesdrop." Saka ko sinara ang pinto ng balcony upang hindi na marinig ang kaniyang tugon.

Nagkakagulo na sila sa kwarto nang makabalik ako, naghahampasan ng mga unan at nagtatapunan ng beer kung saan-saan.

"Kukunin ko muna ang camera sa kabilang kwarto," paalam ko saka niya ako sinamahan hanggang sa pinto ng kwarto.

Pagkasira ng pinto ay doon lamanng ako napabuga ng hininga, bubuksan ko na sana ang pinto sa kwarto ni Gim nang kusa iyong bumukas at tumambad saakin si Justin. Natigilan ako.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, "You're Haisley, right?"

Tumango ako bago sumagot, "I'm his partner for this project."

"Okay," suplada nyang tugon saka na lumabas ng kwarto at naglakad na papalayo. Tanaw tanaw ko sya hanggang sa lumiko na sya't hindi na nakita pa.

Pagpasok ko'y okay na ang itsura ni Gim, maayos na syang nakahiga sa kama habang ang kumot ay hanggang dibdib nya, maaliwalas na rin ang mukha nya kaya kinuha ko na kaagad ang camera na nasa side table ng kama.

Saka ko lang din napansin ang bracelet sa pulso ko nang kunin ko ang cam. Itinaas ko iyon upang mas makita nang maayos.

It was a thin silver bracelet na ang pendant ay ang 8 planets na ang kulay ay base rin sa kulay ng mga planeta. I held saturn nang makitang kumikinang ang ring sa palibot nito. It looks so expensive. Hindi mukhang galing lamang sa bangketa.

I almost cried sa sobrang ganda habang hinihimas ako. I can't believe... Noah gave me this.

Napaubo si Gim hababg natutulog dahilan para mabalik ang aking ulirat. Nag igting ang aking panga nang muling matandaan ang pangtatraydor niya saakin. Ugh!

Lumabas nalang ako ng kwarto bago pa maisipang gumawa ng karumaldumal na krimen dito. Pagbukas ko ng pinto, pinakiramdaman ko muna sila. Ganun parin ang ayos nila habang nagkukwentuhan. Dala ang kaba, dahan dahan akong pumasok.

Nagliwanag ang mukha ni Emman nang makita na ako.

"Heto na, dali mga unggoy picture tayo!!" sigaw niya at iginiya ako papalapit sakanila. Kanya kanya silang pwesto habang sumisigaw parin, isa sa mga bagay na hindi na mawawala.

Sesenyas na sana ako ng 3,2,1 nang unahan ako ni Clarence, "Say bayot si Emman~"

Natawa ako nang sumunod nga sila at sumimangot na si Emman, "Bayot si Clarence~!!"

Pagpindot ko, sabay na sumabog ang tawanan nang ibahin nila ang pangalan dahilan para magulat nang husto si Clarence.

"Mga gago!"

Matapos ko silang kunan ng shots ay may pumasok na mga maids kaya inutusan sila ni Jeff, "Mira, please take a picture of us." utos sya sa babaeng kasing tangkad ko ngunit mas payat at kayumanggi naman ang kulay, maaliwalas rin ang mukha niya at napakaganda para sa isang maid.

Nakangiti kong binigay sakanya ang DSLR at nagulat ako nang hablutin ako ni Dashiel pababa kaya napaupo ako sa lapag tulad nila, "3, 2--" inakbayan ako niya ako ngunit mabilis rin itong natanggal nang hindi pa nakukunan ng litrato. Nang lingunin ko si Dashiel ay labis ang pagpipigil niya ng tawa. Namumula na siya kakapigil habang hindi makatingin saakin. Napailing na lamang ako.

She Wanted To EscapeWhere stories live. Discover now