CHAPTER 09

76 46 2
                                    

Hannah's POV




"Kanina ka pa busy dyan sa cellphone mo, sino ba yang ka chat mo?" sambit ni Yna na may pagka bossy.




Hindi ako umimik at itinuon ko lang ang aking atensyon sa cellphone ko. Kachat ko lang naman si Timothy, hindi kasi ako nakatawag kagabi para makausap si mama kaya kinukulit ko siya kaso sabi niya maaga daw umalis si mama.




"Hoy ako lang ba tao dito?" sarkastikong sabi ni Yna "hindi ka man lang nakikinig sa akin" dagdag niya.




"Bakit? Ano ba yun?" tanong ko.




"Sinasabi ko ang mga schedule mo putek, di ka nakikinig?" iritadong tugon niya.




"Okey ano yun, makikinig na ako!" binaba ko na ang cellphone ko at nilagay na lang sa coffee table.




"Ngayong araw dapat nasa Gym ka sa oras na to, kaya ekis di mo kasi nagawa, sunod mamayang 3-6pm may workshop ka then 8pm family dinner niyo" tuloy tuloy na sabi niya.




"Family dinner?" tanong ko.




"Ay bobo, mag didinner kayo ng pamilya mo" sarkastikong tugon niya.




P.A. ba talaga to, bakit ganito siya magsalita. Bakit parang pilit lang ang ginagawa niya. Alam ko naman ang family dinner, nag tataka lang ako bakit kailangan pang sabihin yun.




"Okey sorry" sambit niya sabay buntong hininga.




Tumango na lang ako at binalik na ang atensyon sa cellphone.



Tumango na lang ako at binalik na ang atensyon sa cellphone

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Conversation namin ni Timothy




Nabadtrip naman ako dahil alam kong narerecieve niya ang mga chat ko pero hindi naman siya nag rereply.




Hindi naman sa nagdidikta ako, pero di ko alam kung bakit ako naiinis ngayon, siguro nga ay gusto ko lang talaga makausap ang mga kapatid ko.




Lagi naman kami magkausap kaya parang nasasanay na ako na lagi siya ang natatakbuhan ko at natatanungan ko.




Honestly, dati tingin ko sa kaniya ang sama ng ugali niya, dahil yun naman talaga ang ugali niya dati, pero feeling ko ngayon nagbago na siya.







Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Exchanging Body Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang