Simula

15 0 0
                                    

Simula

Nakaupo sa harap ng salamin habang sinusubukang basahin ang di ko maintindihan na magazine. "Manang, ano pong klaseng basahin kaya ito?" tanong ko sa kasambahay namin na si Manang Celia na sinusuklay ngayon ang buhok ko.

Si manang Celia ay matagal nang tagapangalaga ng mansiyon. Naging malapit at napamahal na si manang kay mama at papa kung kayay siya ang inatasang mag alaga sa akin mula noong bata pa ako at hanggang ngayong dalaga na.

Napakurap at namula si manang ng makita ang magazine. Ito ay puno ng mga larawan na puno ng kulay na di ko maintindihan dahil siguroy nakasulat ito sa ibang lenggwahe kung kayat kuryoso ako sa sagot niya.

"Ah. Ito ba? Ay simpleng guhit lang yan. " Ngiti niya at dali daling kinuha sa akin ang magazine at tinago iyon sa drawer kung saan ito nagmula.

"Pero"

"Wag mo nang isipin yun at bumaba kana. Kanina ka pa tinatawag ng Mama mo." Sagot niya at dumiritso na palabas ng kwarto ko.

Mahilig akong magbasa ng mga libro at kung ano anong basahin kung kayat kuryuso ako sa magazine na yon. First time kong makakita ng ganoon dito. Lahat ng binabasa ko ay walang kung anong larawan sa bawat pahina. Alam ko ang aking mga libro kung kayat natitiyak ko na hindi iyon akin. Siguroy kay papa o kay mama yun. Mahilig din kasing magbasa ng babasahin kagaya ng newspaper si papa at kay mama naman ay brochure.

Napabuntong hininga at pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Ang buhok na hanggang balikat ay kakulay ng mata kung mala cappuccino, at nagpatingkad ng kulay ng balat na mala rosas. Pag nagpapa araw sa hardin ay laging namumula ang balat lalong lalo na ang pisngi.

Nag-iisang anak, kung kayat naiintindihan ko ang pagiging maingat nila mama at papa sa akin. Lagi ay nasa bahay lang ako at ngayong nagdalaga lang pinayagang minsan magliwaliw pero laging nakabantay ang mga kasambahay at mga bodyguards na initusan ni papa
sakin.

"Buti naman at naabutan mo pa kami sa hapag, marianna." si mama. Ang mala spanish themed na dining area ang bumungad saakin. Unang tingin palang sa kutsara at plato ay malalaman mong mamahalin at branded. Umupo at napangiti ako kay mama dahil alam kong maingat siya sa mga bagay na ito.

"Kailangan mong kumain ng maraming gulay anak, tingnan mo nga ang putla mo na." si papa habang dinadagdagan ang ampalaya sa plato ko.

"Leonell, Maputla naman na talaga yang anak mo noh! Kakulay ko nga yan noong dalaga pa ako! saad ni mama ng naupo na ako at nagsimula nang kumain.

"I Know alright. I'm just worried for her Amanda! Lagi nalang nagkukulong sa kwarto niya at di nagpapapaaraw sa umaga."

Nakakunot na ang noo ni mama at kitang kita ang concerned sa akin.

"Pa. Nagpapaaraw po ako palagi. Kahit itanong niyo pa sa mga kasambahay."

"We'll ask later" saad ni mama.

Wala akong mapipintas sa mga magulang ko, maiingat at maalaga sila sa akin kung kayat di ko iniintindi ang mga salita ng mga tao sa amin tuwing nalalabas ako kasama ang mga bodyguards at mga kasambahay.

"Ianna, san ka pupunta?". Tanong ni mama habang isinosoot ko ang jimmy choo's romy flats, binagay ko sa soot kong vintage white dress na regalo sa akin ni mama noong 17th birthday ko.

"Ah, bibili po ako ng libro sa novelty store ma." nakangiti kong saad sa kanya at hinawakan na ang string bag ko. Napatango nalang siya at binigyan ako ng halik sa pisngi. "Isama mo yung mga kasambahay."

"Si lilibeth nalang Ma, para di naman agaw pansin. " pagkarinig niya noon ay pinatawag na nga si lilibeth sa mga kasambahay.

Nasa van na kami ngayon kasama ang driver at si lilibeth. "Ang hilig mo talaga maam no sa libro?" Kompirma niya habang nakatigin sa bintana ng kotse naming umaandar na patungo sa downtown. 

"Mmmm. Mahilig kasi akong magbasa, sana ganun ka din lilibeth." Sabi ko sabay tingin sa kasamang kasambahay. Mas bata siya sa mga kasambahay namin kung kaya naman ay nagkakasundo kami palagi at naging malapit kami sa isat isa pero di pa rin mawawala ang pag galang niya sa akin.

"Ah ahihihi, maam naman kuntento na po ako sa mga kwento niyo sa akin." Sabay kamot niya sa ulo at nag umpisang buksan na ang pinto ng huminto ang sadakyan hudyat na narito na kami sa downtown.

Nasa tapat ng novelty store pinarada ni manong gardo ang sasakyan. Dumiritso na kami ni lilibeth sa loob at pinuntahan ang section kung saan naka display ang mga libro. Ibat ibang klaseng libro ang naroon at nakadisplay ito ayon sa genre nito.

Nilagpasan ko ang section ng sci-fi at tumapat sa romance genre. Nandoon pa din ang mga lumang libro ngunit ito ay natubanan ng mga bago. Namili at binasa ang likod ng mga ito kung saan nakalahad kung ano ang mangyayari.

"Ito ma'am oh! Maganda ang cover!" ipinakita niya saakin ang isang maliit na pocketbook. Dismayado sa pinili, ay umiling ako. "Oh ito ma'am! Maganda din ito!" Horror naman ang ipinakita niya sa akin. Tinarayan ko siya at nagpatuloy sa pamimili.

Nang nakapili ng gustong basahin ay tumungo na kami sa cashier at nagbayad.

"Ang mahal talaga ng mga libro dito ma'am! Akalain mo 1,500 dalawang libro lang?! Isang sakong bigas na mabibili nun! saad niya habang dala dala ang isang paper bag napinaglagyan ng biniling libro.

Nataranta ako sa narinig niya at tiningnan ang paligid kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig nitong si lilibeth! Mabuti nalang at nakalabas na kami ng novelty store habang sinasabi niya yun.

"Hoy gardo! Pagbuksan mo naman ako!" sigaw ni lilibeth ng makita si gardo na nauna na sa drivers seat. Natawa ako ng nakita kong nakasimangot ang driver na umikot upang pagbuksan ang kasambahay.

"Arte." bulong ni gardo sa sarili niya ng nakasakay na si lilibeth.

Naaliw sa munting bangayan ng dalawa ay natawa ako. Bubuksan na sana ni gardo ang pintuan ng sasakyan ng may nahagip ang aking mata. Katabi ng aming sasakyan ang isang magarbong pamilyar at nakakasilaw na itim na kotse

"Ianna, what are you doing in here hija?" Nakakunot ang noong lumabas si papa sa kanyang kotse.

"Pa. Bumili po ako ng libro." Sagot ko ng nakanguso at tinuro ko ang van namin. "Kasama ko sina lilibeth at gardo." Nasa harap ko na siya at hinalikan ang pisngi ko. "Very well, Ill see you later at home hija. May titingnan lang ako." Sa bilihan ng libro pa? Gusto ko iyong tanungin ngunit natanaw ko mula sa kotse ni papa ang isang lalaki, binuksan nito ang pintuan ng kotse at lumabas na.

Nakapamulsa itong lumapit kay papa at bumulong rito. Tumango si papa sa narinig at inilabas ang cellphone at kinalikot ito. Habang akoy nakatitig parin sa lalaking kasama niya.

"Ianna you go ahead. I have something important to do in here." Napabaling saakin ang lalaking kasama ni papa at hinead to foot niya ako.

Bakit ba? Napanguso ako sa sariling tanong at ibinalik ang tingin sa lalaki, and omg it was a wrong move after all! Namula akong tumalikod at tumakbo papunta sa van namin. Pinagbuksan ako ni gardo at umikot na sa driver seat para paandarin ang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay naalala ko ang lalaking iyo. His physique is lean and yet muscular. His arms and legs are both long and muscular as well as his face that look so serious and dangerous but his action awhile ago takes those seriousness away.

Why did he smirked at me?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pure GlossWhere stories live. Discover now