The Poem

26 5 0
                                    

CAISAH's POV

" Dalawang puso kay saya, pinagbuklod ng iisang diwa "

Gumagawa na naman Ako ng tula ngayon habang hinihintay Ko ang pagdating Ni Elvis habang kausap Ko ang mga halaman rito sa Aming munting bukirin.

Elvis na ang itinawag Ko sa Kaniya dahil masyado na raw kaseng pormal ang Ginoong Elvis, maging ang tawag Niya sa Aking  ngalan ay Caisah na lamang, hinihintay Ko Siya dahil sinabihan Siya Ni Ina na bumalik raw rito ngayon at sumama sa Akin sa Aming tahanan upang maipagluto muli ni Ina at upang makita na rin raw Niya ang Aming munting tahanan.

" Sa tingin Ninyo ba'y patungo na rito si Elvis o hindi Siya magtutungo sa ngayon?! at sa tingin Niyo rin ba'y ang tulang ginawa Ko ngayon? "

Hindi Ko batid kung bakit kinakausap Ko ang mga halaman, ngunit tila tumutugon naman Sila sa Akin, na labis Ko namang ipinagtataka.

" Anong ibig Ninyong sabihin?! hindi! magkasintahan ang kahulugan ng tulang Aking ginawa, bagkus magkaibigan ang kahulugan Niyon sa tingin Ko'y hindi Ninyo nauunawaan ang tula Ko! mabuti pa't hindi Ko na lamang Kayo tatanungin at kakausapin pa masisiraan lamang Ako ng diwa! "

Bakit hindi Nila maunawaan iyon? samantalang napakadali lamang Niyong unawain, kasintahan!? hindi Ko nga ito kailanman naisip! Ako at Si Elvis magkasintahan?! hindi maaari!!!

" Ano't kinakausap Mo ang mga ha--- "

" Hi-Hindi pwede!!! "

" Anong hindi pwede?! hindi pwedeng kinakausap Mo ang mga halaman?, yun ba nais Mong ipabatid sa Iyong tinuran?! "

Nagulat Ako sa biglaang pagsasalita Niya habang wala Naman Ako sa Aking sarili dahil sa pag iisip Ko ng mga sinabi ng halaman na alam Ko na hindi naman talaga totoo at imahinasyon Ko lang naman talaga.

" Yu-Yun nga! ang ibig Kong sabihin! mabuti naman at dumating Kana akala Ko'y hindi Ka magtutungo rito at maghihintay Ako sa wala, ngunit pinatunayan Mo na Ikaw ay isang purong tubig na tao, at ikinatutuwa Ko ito ng labis "

Nginitian Niya Ako ngunit may halong pagtataka marahil sa tinuran Kong isa Siyang purong tubig, siguro'y hindi Niya ito maunawaan.

" Kailangan Kong magtungo rito dahil nais Kong masilayan ang Inyong tahanan at makakain muli ng pagkain na iniluto ng Iyong Ina, salamat at Ako'y hinintay Mo ngunit ano ang kahulugan ng salitang Iyong sinambit sa Akin na Ako'y isang purong tubig na tao? hindi Ko kase ito lubos na maunawaan?! "

Napangiti naman Ako pagka't tama nga ang hinala Ko hindi nga Niya maunawaan ang kahulugan Niyon.

" Ang ibig sabihin Niyon ay isa Kang purong mabuting tao, dahil mabuti at maunawain Ka, nakakatuwa Ka ring tao"

Tumango naman Siya, biglang hudyat na nauunawaan na Niya ang kahulugan noon.

" Mayroon Ka bang alam sa mga tula?!"

Seryosong tanong Niya sa Akin, bakit tila yata interesado Siyang malaman malaman kung may alam Ako sa mga tula?!

" Bakit nais Mo bang matuto?! kung Iyong nais maaari Kitang turuan ngunit sa ngayon ay maglakad na muna Tayo upang makarating Tayo agad sa Aming tahanan at sa daanan na lamang Kita tuturuan! "

Hindi Ko na hinintay pa na magsalita Siya, agad na Akong naglakad ata napansin Ko naman na sumunod naman rin Siya sa Akin.

"Ano ba ang Iyong nais malaman patungkol sa mga tula?! aaminin Ko sa Iyo na mahilig Akong gumawa ng mga tula ngunit wala Akong masyadong alam pagdating sa tula ng mga kilalang manunula, kaya paumanhin kung sakaling hindi Kita matulungan! "

" Sa katunayan ay wala talaga Akong hilig sa mga tula, ngunit ang Aking kapatid ay napakahilig magbasa ng mga ito ngunit kahit pa wala naman talaga Siyang nauunawaan rito kahit isa. Kaya naman nais Ko Siyang tulungan sa pamamagitan ng pag-alam ng kahulugan ng tulang ito "

Iniabot Niya sa Akin ang isang kapirasong papel na naglalaman ng isang tula ' Sa tubig na ilaw, landas Ko ay landas Mo rin, Ang bulaklak ay tunay na nagagalak sa tanglaw ' na agad Ko namang naunawaan ang kahulugan.

" Madali lamang ang kahulugan nito, isinasaad ng manunulat rito na sa may tabing lawa sa paglubog ng araw Sila'y magkikita at Siya'y tunay na magagalak rito, ngunit sandali lamang parang alam Ko ang tulang ito?! saan naman ito nalaman ng Iyong kapatid?! "

Napaisip naman Siya habang naguguluhan sa Aking wika.

" Sa Aking pagkakaalam may isang tao na kaniyang nakilala, ito raw ang nagbigay sa Kaniya niyan "

May nagbigay sa Kaniyang kapatid?! mukhang alam Ko na kung Kanino nanggaling ang tula!... sa Akin!!! Ako ang nagbigay sa Kaniyang kapatid ngunit hindi naman Siya Prinsipe?! hindi kaya'y nagsisinungaling Siya sa Akin?! hindi kaya narinig lamang Niya ang tula Kong ito, sa Prinsipe?!... nagugulumihanan na Ako!.

" Anong nangyari sa Iyo?! bakit tila yata nagugulumihanan Ka? alam Mo ba kung Sino ang taong nagbigay ng tula sa Aking kapatid?! "

" Talaga bang kapatid Mo ang nagbigay sa Iyo ng tula na ito? "

Hindi Siya agad na sumagot at tila may iniisip na kung ano.

" Ang totoo'y hindi talaga, ngunit dahil sa magkaibigan Kami ay itinuturing Ko na Siyang, parang tunay na kapatid Ko. kaya naisip Ko na tulungan Siya sa tulang iyan! "

Gumaang ang Aking pakiramdam ng marinig Ko mula sa Kaniya ang mga katagang iyon.

" Ganoon pala!?... tungkol sa katanungan Mo?! kung alam Mo ba kung Sino ang nagbigay ng tula sa Iyong ka-kapatid, Ako. Ako! ang nagbigay sa Kaniya dahil Ako ang mismong gumawa ng tulang ito, hindi Ko alam na kaibigan Mo pala ang Prinsipe na Iyon at sobrang lapit Niyong dalawa, nakakaingit naman Kayo! "

" Ikaw pala ang nagbigay sa Kaniya?!... alam Mo hindi naman Kami talaga sobrang lapit ngunit magkaibigan Kami, kaya hindi Mo dapat Ako kainggitan Caisah! "

Sa bagay!!!... nginitian Ko nalamang Siya at inanyayahan Siya na magmadali na Kami sa paglalakad dahil baka nagaalala na sa Amin Si Ina kung bakit hanggang ngayo'y hindi pa Kami nakararating roon, ngumiti rin Siya at naglakad na Kaming muli, ngunit walang umimik kahit isa pa sa Amin, hanggang sa makarating sa Aming tahanan.

Cursing Face (TAGALOG)Onde histórias criam vida. Descubra agora