Chapter 1

4 0 0
                                    



Ilang beses ko nang pinipilit intindihin ang nakasulat sa aking libro ngunit hanggang ngayon ay nalilito parin ako. Kung sana'y mas inagahan ko pa ang pagbabasa ay sana ay natapos ko na itong ginagawa ko.

"Oh Ayah kumain ka muna rito, pagpahinga ka muna sa pag-aaral"

Yaya sa akin ni Aling Nenang

"Sige po, teka lang ho"

Dahan-dahan ko nang niligpit ang mga gamit ko at lumabas na rin sa kwarto.

"Umalis na po ba sina mama at tito Rio?"

"Oo, kanina pang madaling araw. Hinahabol daw nila yung flight nila pa-Indonesia" Sagot ni Aling Neneng

Ni hindi manlang ako pinagising ni mama para magpaalam sa kanya. Simula nang nawala si papa ay nagpakasal na si mama kay tito Rio, ang best friend ni papa. Mabait naman si Tito Rio at mabait din naman ang anak nitong si Isaiah.

Si Isaiah.

 Ang first love ko.

Magkasing edad lang kami ni Isaiah pero never pa kaming naging magka-schoolmates. Simula nung Senior highschool ay 'di na kami nagsasama sa iisang bubong ng aking step-brother na si Isaiah. Ngayong college ay nag co-condo na rin siya ta madalang na siyang bumisita sa bahay.

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na ni Aling Nenang ang aming mga pinagkainan. Si Aling Marie ay matagal na naming kasambahay. Mula pagkabata ko at mapahanggang ngayon na ako ay 3rd year college na ay naninilbihan parin siya sa amin.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko at naghanda na sa pagtulog dahil 7 am ang first-class ko bukas. Being a 3rd year nursing student is really hard, because it really demands your time. Classes sa school at duty sa hospital. Pag naka graduate na ko ng college ay magtatake na ako ng medicine proper. I aspire to become a doctor. I started to dream of becoming a doctor after that day...

Bago ko pa malunod ang sarili ko sa nakaraan ay napagpasyahan ko ng ipikit ang aking mata at matulog.

7:00 am pa ang first class ko pero 6:00 am palang ay nandito na ko sa loob ng UST. Tumatambay muna ko dito sa QPark hanggang 6:30.

Habang binabasa ko ang mga notes ko ay dumating na ang bestfriend ko, si Marie. Dito rin sa UST nag-aaral si Marie at kasalukuyang third year archi student.

"Ayah, binilhan kita ng coffee at cinnamon sa SB kanina" ngiting bati ng aking matalik na kaibigan

"Salamat bestie, the best ka talaga" Sagot ko

Lumipas na ang oras at napagpasyahan na namin ni Marie na pumunta na sa kanya-kanya naming mga building. Ang building ni Marie ay iyong malapit sa Pnoval at ang building ko naman ay malapit sa dapitan.

6:40 na at may 20 minutes pa ako para maglakad papunta sa building ko at umakyat ng hagdan. At alam ko sa sarili ko na mabilis talaga ako maglakad kaya ayos lang para sa akin.

Habang ako ay naglalakad ay may nabangga ako, dahilan nang pagtapon ng hawak kong kape sa putting puti na uniform ko. Sis as in white na white 'tong uniform ko tapos natapunan ng kape. Pero wala akong karapatang magalit sa nabunggo ko dahil ako naman ang hindi nakatingin sa daan at nakabunggo sa kanya.

Pagsulyap ko sa nabunggo ko ay bakas sa kanyang mukha ang pagka-asar. At base sa kanyang uniform siya ay galling sa AB department. At dahil na rin sa aking pagsulyap sa kanyang uniform ay napansin ko na nabuhusan din pala ng kape ang kanyang putting uniporme

"uh...kuya sorry po hindi ko sinasa—"

Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ay sinunggaban niya na ko ng salita

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweets and FlawsWhere stories live. Discover now