Chapter 4: Weird Feeling

3 3 1
                                    


Key's POV,

Ryle: CRUSH??

Magrereply na sana ako ng bigla akong tinawag ni kuya

"KEY KAKAIN NA!"

"Dipa ako gutom mauna na kayo"

Tiningnan ko ulit yung chat sa gc pero nagulat ako at the same time ay nawala yung kaba ko

Ryle:CRUSH?
Ryle:Sinong crush mo sa dance group key?

Woohhh! Muntik naaaa!!!

Keyshia: Ahm wala lang yun niloloko lang nila ako
Keyshia: Matutulog nako, Goodnight!

Naglogout nako at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain

*Kinabukasan*

"Ateeee! Ang hirap mo talagang gisingin. Sa susunod iiwan na talaga kita dito ng tulog!" Bumangon nako pagkarinig ko ng boses ng pinakamamahal kong kapatid

Haysss! Bakit ba lagi nalang akong late nagigising kahit di naman ako nagpupuyat?

Pagkatapos kong magasikaso ng sarili ko tumakbo ako palabas dahil late nako pero pinagsisihan ko din kasi pagdating ko sa room namin walang teacher

"Uyy buti pumasok kapa" si Kisses habang nakataas ang kilay

"Bakit walang teacher?"tanong ko sa kanila

"Yung first subject teacher natin kakaalis lang" sabi ni Annabelle

"San pumunta?"tanong ko. Sana vacant nalang para makanood kami sa program

"Baka sa principal office, narinig ko kasi nung pumunta dito si ma'am Carolino." Sabi ni grace at nagnod nalang kami

Kinuha ko yung notebook tsaka ballpen ko at nagdrawing nalang ako,wala namang ginagawa eh. Nagkukwentuhan sila Kisses at ang iba pa naming kaklase, hindi naman ako interesado sa pinagkukwentuhan nila. Hanggang sa nabanggit nila si Enrico. Tumingin ako sa kanila

"May girlfriend na sya si Savanah. 3 years na nga sila eh, grabe sabi ng mga dati kong classmate mula nung grade 5 daw nanligaw si Enrico kay savanah tapos sinagot sya nung grade 6 na sila" bulong ni Morrie

Lumingon sakin sa Morrie pagkatapos nyang sabihin yon kaya umiwas ako sa kanila ng tingin.

"Key, okay kalang jan?" Si grace, ngumiti ako sa kanya at nagnod

"Crush ko lang naman sya eh tsaka hindi lang naman sya yung crush ko no. Madami kaya akong crush" pagkatapos kong sabihin yon tumawa kaming lahat

Hindi na natuloy ang kwentuhan namin nung dumating ang teacher namin. Nagpagawa lang sya ng activity. Vacant ang sumunod na subject namin

"Laro tayo guys" si Morrie yan. Isip-bata talaga HAHAHA.

Nagulat ako kasi sabay sabay silang sumagot ng "Sige"

"Ano namang laro?" Tanong ko sa kanya

"Spin the bottle. Truth or dare" sigaw ni Kisses habang nakataas ang isang kamay

"Sige sama na din ako" no choice mabobored lang ako kung wala akong gagawin

On My Own(On-going)Where stories live. Discover now