Prolouge

0 1 0
                                    

Marguerite's Point of View

Hinihingal akong sumandal sa pader ng mamahaling Inn na syang tutulyan ko na simula ngayon.. Dala ang bag at ang maliit na maleta ko na nag-lalaman ng mangilan-ngila'ng damit na dala ni Manny ay pareho kaming humahangos na nilakad ang walong palapag gamit ang hagdan makarating lang sa ika-siyam na palapag ng magarang Inn na ito..

Inihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha habang nakasandal sa pader..

"Ayoko na," pabuntong hininga kong sabi..Pinanghihina ako ng mga hagdan na iyon at pati na ang kaalamang marami ng hindi nakatagal sa kwartong papasukan ko..

Sina Manny at Benji ay mga kaibigan kong trabahante dito.. kuwento nila saakin kanina lang ay marami na ang nanirahan sa kwartong nasa huling palapag kasama ang isa pang tenant na halos isang taon narin doon.. Pero hindi pa daw nag-iisang linggo ay nag-kukumahog ng umalis ang mga nag-hanap ng kwarto dahil hindi matagalan doon.. Walang nakakaalam kung ano ang nasa loob niyon dahil pati ang ibang trabahante ng Inn ay naduwag na tingnan ang kwarto..

"Ikaw na ang pang-sampu'ng susubok na tumira doon 'day. Pero ikaw ang pang-tatlum'pong nag-hanap ng kwarto saamin.. Iyong dalawampu ay umatras ng malamang hindi matagalan ng mga nauna ang magiging kwarto nila." Sabi ni Manny kanina ng tumamby sila sa Cafe na syang pinag-tatrabahuhan ko..

Tumaas lamang ang kilay ko non. Na-curios at natakot ng sabay sa sinabi nya.. hindi ko naman kasi alam kong aswang ba ang magiging roomate ko, o haunted house na ang kwarto'ng iyon.. o baliw na ang roomate ko.. that's why I don't know what to expect now.. siguradong hindi iyon magiging maganda dahil nga inayawan ang kwarto'ng iyon ng mga naunang tenant..It's either bad.. or worse..

Kagat labi ako ng panoorin si Manny'ng umakyat sa pang-huling baitang ng hagdan. Nasa harap na sya ng pinto, napatingin ako sa itaas niyon..

"Tss. Hindi ko alam kong dapat ba kong matakot.. Broken's lair? What the heck?" Nangingising sabi ko habang pinag-mamasdan ang pangalan ng magiging kwarto ko..

Alam ko.. lahat ng kwarto sa Inn na ito ay pinangalanan ng may-ari.. o kung hindi man ay ng tenant kong gugustuhin nila.. Ngayon, hindi ko alam kong sino ang nag-pangalan niyon.. Napaka-corny, baduy, pang-bading ang pangalan ng pinto'ng iyon.. Hindi iyon nababagay sa tulad kong matapang na babae.. Tss.

"Hoy! Pumunta ka na dito! Basta ha! Kapag ikaw natakot sa roomate mo wag kang tumuloy sa boarding house namin nina Rame ha!? Hindi ka namin tatanggpin don!" Mataray na sigaw ni Manny ng makita akong nakatayo sa ibaba ng hagdan at hindi umaakyat..

Ngumiwi ako at salubong ang kilay na inihakbang ang paa pataas sa hagdan, bitbit ang kulay asul na backpack laman ang mga ibang ko pang gamit...

"Oh ayan! Susi.. buksan mo na yan at matakot ka, wag na wag kang tatakbo papunta sa kwarto namin ni Rame dahil masusupalpal kita.. Aalis na ako! Kailangan na ako sa baba!" Padarag na ibinigay ni Manny ang susi saakin. Mag-kahalong takot at galit ang nakikita ko sakanya..

Galit sya dahil inayawan ko ang offer nila ni Rame na doon rin tumuloy sa kwarto nila.. Takot.. malamang dahil sa mga usap-usapan ng mga tao sa kwartong tutuluyan ko..

"Tss! Nawala na takot ko! Broken's lair Broken's lair.. Sus! Ang baduy naman ng pangalan ng tirahan ko!" Nakangiwing sabi ko at sumandal sa pinto.

"Alma mo 'day.. Tulad mo.. brokenhearted rin ang nakatira diyan ano! Wag ka ng mag-reklamo.. Basta wag kang tatakbo saamin ni 'day Rame kapag hindi mo na nakayanan. Nakakainis ka!" Pinalo nya pa ako sa balikat bago tinalikuran at walang paalam na bumaba..

Napabuntong hininga na lang ako ng hindi ko na sya makita at nilingon ang kulay brown na pinto ng kwarto.. napalingon rin ako sa mga sumunod pang pinto
May dalawa pang pinto doon.. Kung wala lang sana'ng nakapag-renta doon ay doon na ako.. Kaso wala akong magagawa dahil ubusan ng kwarto ngayon.. Marami ang nag-hahanap ng Inn.. Kaya ko namang bayaran kaya ito na ang napili ko.. Plus, may aircon kaya hindi masydong mainit..

Broken's Lair [ON-GOING]Where stories live. Discover now