Ikalawang Tula

15 2 0
                                    

Tulala

Akoy natulala ng makita ka
Hindi ko nawari na pag ibig na pala
Sa bawat paghakbang
Bawat taoy nawawala
Tila pag ikot ng oras ay bumagal na lang bigla
Ikaw na lang at ako ang nasa mundong ibabaw
Mga tao sa paligid mistulang naging bula

Pagihip ng hangin kay lamig
Ngunit pinagpapawisan sayong bawat pagngiti
Puso koy kumakabog ng mabilis dahil sayong paglapit
Di ko alam ang sasabihin
Di ko alam ang gagawin
Dapat ba kong lumapit
Dapat ba ko kumapit

Akoy natulala sayong aking kagandahan
Ako kayay mapagbibigyan
Na baka maaring ikay maimbitahan
Makasama ka man lang sana kahit sa hapagkainan
Ngunit hindi ko alam kung pano pakakawalan
Pakakawalan mga tanong saking isipan
Hindi pa man nakakabawi sa pagkatulala
Paghawak mo sakin mas lalong nagpabigla
Akoy natutulala ng dahil sayo
Pagkat minamahal kana nitong puso ko.

#Luna

Secret PoemOnde histórias criam vida. Descubra agora