Touch of Sky

8 0 0
                                    

Ariadne Ziva! What did I tell you? Ang sabi ko h'wag na h'wag kang lalabas lalo na kapag nandito ang mga amiga ko." Mom shout in front of my face.

Alam 'kong seryoso at galit na ang nanay ko, dahil buong pangalan ko na ang binanggit. Lalo pa na sinusuway ko ang ayaw nya.

"Ma, I've been in the kitchen lang naman po. Hindi ko naman po sinasadya na sumilip." Nakayuko ' kong sabi, dahil ayokong-ayoko na nakikita ang mata ng nanay ko lalo na ganitong galit na sya.

All I could see is anger and reluctance.

I can't see the only thing that I truly want. Love.

"Sana nagpa kuha ka na lang kay manang sely ng tubig kung nauuhaw ka, o pagkain kung nagugutom ka. H'wag lang yung, bumaba ka pa talaga." Tila puputok na ang ugat dahil sa matinding galit.

Nasanay na din ako sa ganitong sitwasyon, halos pumapasok na lang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi nya at lalabas lang din sa kabila. It started when I was 10 years old.

Malata akong naglakad palabas ng aming paaralan, matapos 'kong makuha ang aking grado. Hindi ko inaasahan na ganito ang makukuha' kong marka, dahil dati ako ang laging highest sa mga exam namin.

Ilang araw akong halos hindi maka tulog dahil naaalala ko ang ginawa ni mom dahil naiwan ko sa school si Taya. Madalas kasi talaga ay sabay kaming uuwi at hihintayin ko siya sa may gate. Pero on that day, none of her existence was came up. At nasabay pa na sabi ng classmate nya na kanina pa daw siya naka uwi. Ang gusto kasi ni mom ay lagi kaming sabay na uuwi. Kaya pag-uwi sa bahay ay naka galitan ako ni Mama. Dahil habang pauwi pala si Taya ay muntik na siyang makidnap, buti na lamang at may nakakita sa kanya na malapit din sa aming village, kaya ibinalita sa amin at hinatid na sya pauwi.

Dapa't daw dahil ako ang mas matanda, ako dapat ang mas responsable sa kapatid ko. Alam ko naman iyon, at sobra din ang naramdaman ko'ng lungkot ng malaman iyon.

Simula nang mangyari iyon, palagi nang malamig ang tungo sa akin ni Mama. Hindi ko alam kung napapansin din ba ni Taya ang malamig na tungo sa akin ni Mama. Pero hindi ko maikakaila kung gaano kasakit yung nararamdaman ko everytime na laging galit sa akin si Mama. Med'yo ilag na din siya sa akin, napapansin ko din na mas pabor siya sa lahat ng bagay kay Taya kaysa sa akin.

"Azi? Naririnig mo ba ang sinasabi ko?" mga salita na tila nagpabalik sa akin.

"Yes Ma, Hindi na muna po ako bababa. Mamaya na lang din po ako kakain, wala po ako'ng gana." I weakly said.

"Bahala ka." sabay labas sa pinto, at tanging narinig ko na lang ay ang pagbabago ng boses nya sa pagiging masigla, siguro ay nandun na siya sa mga amiga niya.

Mag aala-siyete na ng medyo tumahimik na ang bahay, marahil ay nakauwi na ang mga bisita ni Mama.

Mahinang katok ang narinig ko sabay bukas ng pintuan.

"Ahm? Azi, eto oh may dala nga pala akong cookies. Made by Sandy's mom, my friend? yung kinukwento ko sayo." Taya said with her small smile in her lips.

Tipid na ngiti ang naisagot ko.

"Sige, titikman ko na lang mamaya" sabay higa sa kama.

"Anyway, may open party yung batch niyo diba?" nawaglit sa isip ko na may open party pala ang batch namin. I'm already in my 3rd year of my college life.
"Si Sandy kasi ka-batch mo lang kaya inaya niya na rin ako. Mamaya susunduin niya ko, sabay ka na sa amin." Tila naghihintay na pumayag ako.

Wala naman sigurong problema kung sumali ako mamaya sa open party. Saka kasama ko naman si Taya at isa pa para mabantayan ko na rin siya, delikado na ang sitwasyon ngayon.

Touch of SkyWhere stories live. Discover now