Chapter XIII

803 9 3
                                    

Karylle
.
.
.
"Karylle! Guess what? I got us some tickets to watch Conjuring 1! Alam kong luma na yun pero gusto ko ulit siya panoorin. G?!" Napangiti ako sa sobrang pagka-energetic ni Buern. He is obviously trying to hype me up. "Kelan ba yan?" Tanong ko. Napanood ko na talaga yan. Ang kaso,ayoko namang i-turn down si Buern. Dahil alam kong ginagawa niya to para sakin. "Bukas na ate. Tsaka wag ka mag-alala. Nagpaalam na ako kay Kalbo. Kaya G  ka na!" I chuckled and nodded. "Sige,G ako." Sabi ko at nginitian siya. "Talaga? Okay G! 9:00am bukas. Susunduin na lang kita sa bahay nyo. Okay?" He said kaya tumango na lang ulit ako. Lumabas na siya kaya naiwan akong mag-isa sa Ward. I took a deep sigh. Destiny is really playful. Kung kelan mahal ko na.  At gusto ko ng makasama. Tsaka pa ilalayo sakin. "Karylle,can we talk?" Napatayo ako ng dire-deretsong pumasok si Vice. "Anong ginagawa mo dito?" I asked. Kahit ang totoo. Nami-miss ko talaga siya. "Gusto kitang makausap. Sabihin mo sakin ngayon na totoo ang sinabi ni Buern na mahal mo nga ako." He said kaya natahimik ako. Nakatingin lang ako sa mukha niya. "Ano bang sinasabi mo Vice? Lasing ka ba?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na,oo mahal ko siya. "Just tell me. Do you love me?" Sabi niya. Natahimik akong muli. My mind was blank kaya yumuko ako. Nagsisimula na ring mag-tubig ang mata ko. "Pinagti-tripan niyo ba akong dalawa? Just what exactly is the truth? Do you love me o---" Nag-angat ako ng tingin at sumagot kahit umaagos na ang luha ko. "Oo! Mahal kita! Pero ano pang silbi ng pagmamahal ko kung mapupunta ka na sa iba! Ano pang silbi ng pagmamahal ko kung ikakasal ka na sa iba! Mahal kita pero hanggang dun na lang yun dahil wala na akong magagawa pa!" I shouted. Sobrang bigat ng damdamin ko. "Karylle!" Agad lumapit sakin si Buern nang makita akong umiiyak. "Are you okay?" Tanong niya at pinunasan ang pisngi ko. "Diba Vice sabi ko sayo wag ka ng magpapakita? Lalo mo lang sinasaktan si Karylle." Buern said at humarap kay Vice. Nanatiling tahimik si Vice kaya hinila na ako ni Buern palabas.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
I sighed and closed my eyes para pigilan ang pagbagsak ng luha ko. Sumandal ako sa kotse ko at tumingin sa Hospital. I kicked my car's wheels out of frustration. I saw Buern and Karylle coming out from the Hospital. Naglakad ako at lumapit sa kanila. I was about to touch her pero hinarang ako ni Buern. "Vice. Umalis ka na." He said at hinila na si Karylle palayo sakin. Dun na bumagsak yung luhang kanina ko pa pinipigilan. God. Why is this happening?
.
.
.
"Anak,sorry ha. Kung naiipit ka sa sitwasyon ng kompanya at sitwasyon ko." Pagkausap sakin ni Daddy when he saw me drinking sa sala. "It's okay dad." Sabi ko and forced a smile. "Alam ko namang hindi mo gusto si Ms. Del Rios. Pero wala tayong magagawa eh." He patted my shoulders bago umalis. Nilagok ko yung natitirang alak sa baso ko bago ako umakyat sa sarili kong kuwarto. I was staring at the ceiling ng tumunog ang cellphone ko. "Hello? Vice? Let's go out for a movie date tommorow. I got some tickets na." I closed my eyes. "Okay. Whatever." Sabi ko at binaba na ang tawag. Well,I have no other choice. Ngumiti ako ng mapakla bago pinunasan ang luha sa pisngi ko.
.
.
.
.
Karylle
.
.
.
"I'm so excited! Tara na!" Sabi ni Buern at inaya na akong pumasok sa loob ng sinehan. Nang makaupo kami ay inabot niya sakin ang soft drinks at popcorn na binili niya. I smiled at hindi na nagsalita dahil magsisimula na ang pelikula. "Bilisan mo naman! The movie started already na!" I heard a familiar voice at may umupo sa likuran namin. I ignored it at nag-focus na lang sa pinapanood ko.
.
.
.
We were laughing ng makalabas kami sa sinehan. Tawang-tawa kasi kami ng mag-iingay si Buern kanina dahil sa takot. Natapon pa yung popcorn niya. "Nakakatakot pa rin pala kahit ilang beses ko ng mapanood yun." He said kaya lalo akong natawa. Not until lumitaw sina Vice at ang mapapangasawa niya. Naka-angkla yung babae sa kanya. Habang si Buern naman sakin. "Let's go Karylle." Sabi ni Buern at hinawakan ang kamay ko. I held him tight at kumapit pa sa braso niya. I heard Vice let out a sarcastic laugh. "Sinusundan niyo ba kami?" Napatigil kami at naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Buern mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. I heard steps,at ilang sandali pa ay nakatayo na sina Vice sa harap namin. "Bakit niyo kami sinusundan?" Muling tanong ni Vice. "Who are they?" Tanong ng babaeng kasama niya. "Ypu don't have to know. Dahil wala namn kaming business sa inyo. At wala kaming pakealam sa inyo. And lastly,hindi namin kayo sinusundan. It was just an accident na kung saan kami nag-movie date ay dun din kayo. Let's go." Sabi ni Buern at umalis na kami. Sumakay kami sa kotse niya. I know he's angry but I really am curious. "Buern? Bakit mo sinabing nag-date tayo? Eh wala ka namang sinasabi sakin." Tanong ko. I heard him sigh bago dahan-dahang lumingon sakin. "Karylle I--- ahh. *sigh* I like ypu. I really do. But don't get me wrong ha. Na ginagawa ko to grab the chance dahil broken ka. Ginagawa ko to. Kasi i'm also your friend. And your lover. I understand also na hindi ako ang mahal mo. But I want to be here with you. Para damayan ka sa sakit na nararamdaman mo. Kaya sana wag mo akong kayuan." I stayed still. Staring at him. Hanggang sa dahan-dahang nag-sink in sakin yung mga sinabi niya. "Buern,alam mo naman na si Vice yung gusto ko diba." Sabi ko. He smiled at me. "I know. Hindi ko naman pwedeng diktahan yang puso mo. I mean,i'm hoping for a better outcome. Since ikakasal na si Vice. But for now. Let's forget about me. Let's focus on you. Your pain. I'll help you heal." Sinsero niyang sabi kaya naging emotional ako. I hugged him at ganun din siya. Napakaswerte ko at meron akong kaibigang tulad niya. "Ngayon,magba-bar tayo." Nakangiti niyang sabi as if walang nangyari kaninang aminan. I just nodded at inisip yung sinabi niya kaninang kalimutan muna namin ang feelings nya. At mag-focus sa feelings ko. "Make sure na hindi mo ako gagahasain kapag nalasing ako ah." He added kaya naman natawa ako. "Che. Ipapagahasa kita sa lalake. Gusto mo?" I jokingly asked. At tumingin sa kanya. "Bet!" He said in a high pitched tone na nagpatawa saming dalawa.
.
.
.
.
Vice
.
.
.
"Sino ba kasi yung mga yun Vice?" Pangungulit ni Sheila while I was driving. "Shut up!" Sigaw ko at tumingin sa kanya. Natahimik naman siya at halatang nagulat sa pagsigaw ko. I moved my car over. "Baba." Seryoso kong sabi. "What?" Maangan niyang tanong kaya mariin akong pumikit. "Bumaba ka na sa kotse ko habang babae pa ang tingin ko sayo." May diin kong sabi. Gladly ay bumaba nga siya. Agad kong pinaharurot yung sasakyan ko pagkababa niya. I don't care if she has no car with her. I just wanna get drunk now. Dumiretso ako sa bar ng kaibigan ko. Sobrang galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. The other day umamin siyang mahal niya ako,tapos ngayon magka-date sila ni Buern? And where are they going after their movie date? Hinampas ko ng malakas ang manibela ng kotse ko sa sobrang inis. "Fuck!" I shouted at mas lalong binilisan ang takbo ko. I can't think straight right now.
.
.
.
Heyow there sibbies and readers! Naks! Haha. Salamat sa 1.46k. Sana yung mga hindi pa naka-follow na nagbabasa lang. Pa-follow po. Salamat sa inyo. Mahal ko kayo!😊💛

My Manyak DoctorWhere stories live. Discover now