Chapter 7

4 0 0
                                    

CHAPTER 7
HERINE#7

I was almost mindlessly walking. Kase saan bang street ito?

Gab's car is ruined, my phone's useless and I couldn't absorb what Vieve told me. Hindi ko na alam sa sarili ko. Lumabas na lang ako ng kotse. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makalabas sa madilim na part ng eskinitang 'yon. I'll just ask someone pick the car up.

"Kinis oh, kaso parang baliw."

"Gandang baliw naman nyan."

Dinig kong bulungan ng mga tao sa paligid ko. Wala na akong pakielam sa kanila. Because I couldn't agree more kung gaano ako kamukhang baliw ngayon. Buti nga naiintindihan ko 'yong mga sinabi nila. Kase kanina sobrang preoccupied ko lang talaga.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang may matanaw akong shop. Gosh, ganito na ba kalayo ang nilakad ko?!
I only have my wallet with me kaya naman kahit papaano feeling secured parin ako.

"Thank you Ma'am, 'till next time." Magiliw na sabi sa 'kin ng Saleslady. I just gave her a small smile as my 'welcome.'

I just bought a denim short and a t-shirt which has Vanicula's face imprinted on it. And a pair of slippers. I bet mukha lang akong estudyante ngayon na nag-eemote sa gitna ng gabi. I didn't even bother to bring my gown with me. Iniwan ko na lang sa Shop.

Wow. Blessing indisguise yata 'tong nangyari sa 'kin. Now, I have to commute and honestly I never been capable of doing it. Ayokong makipagsiksikan, pero gusto kong maramdaman bumyahe mag-isa. Paranoid mga magulang ko, eh. Gusto ko naman talaga, hindi lang ako pinapayagan kase delikado raw. Kahit saan naman delikado. There's always a possibility. There's no safe place. That's life. We just need to survive.

Patuloy lang akong naglakad. I have to enjoy this. No'ng nasa ibang bansa ako, madalas akong maglakad-lakad sa streets. Pero nung umuwi ako dito, ito pa lang yung first time ko.

Konti na lang yung mga taong naglalakad pero marami parin namang bukas na stores. So, hindi naman creepy maglakad. But just when I saw a bus ay siya ring pagkawala ng wallet sa kamay ko. Damn! ang bilis!

"Hey!" I shouted while waving my hands. Damn. Now I understand my parents.

"You'll see!" sigaw ko sa teenager (I think) na nang-agaw ng wallet ko. Good thing, I am wearing slippers kaya hindi ako mahihirapan tumakbo. I readied myself to run and halos hindi na ako humihinga nang magsimula ako.

Sobrang bilis ng pangyayari. Nakakainis ang tagal na nung huling beses akong tumakbo.

"Kiddos, out of the way!" sigaw ko sa isang grupo ng mga teenagers na nagtatawanan sa gitna ng kalsada. Tss. Pasaway. Hindi kaya sila hinahanap ng magulang nila? Wow, coming from me na tinakasan lang ang kapatid.

Buti na lang naintindihan nilang nagmamadali ako. I think mahahabol ko yung lalaki. Bakit ba kase walang pulis na nagroronda dito?!

Ayan na. Sobrang lapit na. My pouch, here I am. Maabutan ko na siya!

1...

2...

"Oh! Just great!" I said breathlessly. I bumped into someone!

"You?!" Automatic akong napasapo sa bibig ko nang makilala ko kung kanino ako bumangga. Ang sakit ng noo ko!

"Yup," he said na parang hindi man lang natinag. He's even wiggling his eyebrows na akala mo inahit.

"You want to pay me back, right?!"
His forehead creased. Lumingon lingon ako sa magkabilang side niya para i-check yung magnanakaw. Para siyang pader sa laki niyang harang!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 08, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

HerineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora