|7|

153 9 0
                                    

"Hey, whats wrong?" tanong sa akin ni Justine habang pinipisil ang kamay kong hawak n'ya. "Tungkol pa rin ba 'to sa anonymous texter mo?"

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Kinakabahan kasi talaga ako. Hindi ko mapigilang mag-alala lalo na para sa kaligtasan n'ya.

"Prank lang 'yon, Sunny. Bored lang siguro ang texter na 'yon at ikaw lang ang napagtripan. Come on, let's just enjoy our date. Cheer up babe." Nakangiting saad ni Justine saka n'ya ako niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo ko.

"Okay. "

"Di ba libre mo?" Nakangising tanong n'ya sa akin na ikinasimangot ko.

"Libre ko ba?" Pagmamaang-maangan kong tanong sa kanya.

"Hahaha. Makakalimutan ka na pala, babe?"

"Joke lang."

Mahigpit kong yinakap ang bewang ng boyfriend ko samantalang inakbayan n'ya naman ako at iginaya papunta sa sasakyan n'ya.

Ang swerte ko talaga kay Justine. Gwapo na, ang bait-bait pa. Wala na akong mahihiling pa dahil nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki.

I love him so so much!

Threatened |Epistolary ThrillerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant