Kabanata 43

811 62 22
                                    

Kabanata 43

Obvious

My phone's ringtone woke me up the morning after. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis iyong inabot mula sa bedside table. I gave Chamuel who was also woken up by the sound a glance.

Gulo-gulo na ang mga unan na ginamit kong divider bago kami natulog kagabi. We were on a king-sized bed which was why we didn't even touch elbows. Pakiramdam ko nga'y naiinis na siya sa 'kin dahil sa kaartehan ko pero hindi naman 'yon kita sa mukha niya. Or maybe I was just thinking too much.

"Good morning, Engineer," I answered the call.

Alas sais palang ng umaga kaya nakakapagtakang napatawag si Ian. Bago ako nag-leave ay nakapag-site visit naman na ako at tapos ko na ang pending works ko. Isa pa, hindi ko rin naman planong magtagal sa pags-soul searching sanang gagawin, e.

"Sorry to wake you up this early. Where are you?"

"I'm in Iloilo City right now. May problema ba?"

Sa gilid ng mga mata ko ay nakikinita ko ang pagkunot ng noo ni Chamuel. Umusog siya palapit sa 'kin at saka ako inakbayan. I leered at him but he stayed unfazed.

"Oh, that's good to hear! I'm hoping if you could at least drop by at the site this morning? Since andito ka rin naman pala sa Iloilo."

"Sure. I'll go there at around 10 AM. How's the construction, by the way? Sinunod niyo ba ang mga materyales na binilin ko?"

Bumuntong-hininga siya. "That's our problem. Nag-cost cutting ang kompanya kaya kailangang palitan din ang mga materyales. They made the decision yesterday and I was busy so I only got to call you now."

"Ba't daw nag-cost cutting?" Napahilot ako sa 'king sentindo. "Fine, I'll be there ASAP. Sa site ka rin ba didiretso?"

"Yes. May kasama ka ba? Kung wala ay susunduin nalang kita. Where—"

"Baby, what do you want for breakfast? I'll order," Chamuel said tenderly as he planted feathery kisses on my neck.

Pinandilatan ko siya ng mga mga mata at marahang itinulak pero hindi siya tumigil sa ginagawa. What the hell? Kagabi ngang nasa iisang kama rin kami, ni hindi niya naman ako hinawakan o ano. Tapos ngayon, bigla-bigla nalang siyang manghahalik? Handa ko na sana siyang sambahin sa pagiging matimpiin niya pero ano 'tong ginagawa niya ngayon? Why was he getting aggressive all of a sudden?

"Who's that, Tace?" Ian asked.

"A-ah, ano k-kasi..."

'Di ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil tumataas ang kamay ni Chamuel papunta sa gilid ng dibdib ko. Since I wasn't wearing a bra, I could feel the warmth of his palm when he caressed my underboob. Pinasadahan niya lang 'yon at saka tinungo naman ang balikat at likod ko. He was side-hugging me while still giving me soft kisses on my neck.

"May kasama ka ba? Okay lang naman sa 'kin. You can bring her... or him... at the site as well."

"O sige. Uh... salamat. Bye."

Mabilis kong pinatay ang tawag at binaba na ang cellphone ko. Chamuel's chin jerked up. Nang magtama ang mga mga mata namin ay kakikitaan na ang kaniya ng pananabik at pagnanasa. I gave him a scathing look which made him settle back on his place.

"I'm sorry. I know I crossed a line," he said and let out a sigh of defeat.

Medyo magulo pa ang buhok niya mula sa pag-tulog. His faultless lips were moist and red and more than half of his torso was for my eyes to feast on. Naka-topless siya at ang tanging suot lang ay ang boxers short niya sa ilalim ng duvet ng kama.

Tale as Old as Time (La Fortuna Series #1)Where stories live. Discover now