17

20.5K 650 18
                                    


"TAKE this milk, Jade." si Jewel sa pamangkin. Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa dalaga. Jade is her mother's exact image when she was young.

Soft brown hair, fair and flawless skin that probably would bruise with so much as a touch. Maliban sa mas mataas ang dalaga kaysa kay Emerald. Like Emerald, Jade is soft-spoken and slow to anger.

Napangiti si Jewel sa bahaging iyon. Habang mahaba ang pasensiya ni Jade sa pagkagalit ay siya namang kay iksi-iksi ng kay Julianne. Laging nakangiti ang panganay niyang babae subalit napakadali rin namang mabugnot.

Julianne is so different from Jessica na tulad ng araw at buwan. Si Julianne ay typical sweet but spoiled brat that oftentimes she's worried of her eldest daughter.

Muli niyang tinitigan ang pamangkin. Ang tanging kinuha ni Jade sa ama ay ang pagiging seryoso ni Marco. Jade's no nonesense pagdating sa paghawak ng responsibilidad. 

Samantalang si Emerald ay madali lahat ang bagay. Ginagawang katatawanan ang lahat. Gregarious.

"Thank you, Tita," wika ng dalaga. Bumangon at inabot ang gatas mula sa tiyahin at marahang ininom. "Hindi pa ba bumabalik ang Uncle Bernard?" Kasama ng mga pulis ay nagtungo sa Bulacan si Bernard nasa ere pa man sila. Si Kurt ay nasa ibaba.

"Tumawag siya. Pabalik na rito." Naupo si Jewel sa gilid ng kama. "Sa palagay mo ba'y hindi kailangang malaman ni Marco at Emerald ang nangyayaring ito?"

Mabilis siyang umiling. Inilapag ang baso ng gatas sa night table. "Please, Tita," nakikiusap ang tinig niya. "Pumayag na ako sa gustong mangyari ni Uncle Bernard na pansamantala'y dito sa mansiyon titigil si Kurt huwag lang malaman ng daddy at mommy ang nangyayari."

"May karapatan silang malaman ang lahat, hija..."

"Walang gagawin ang mommy at daddy na hindi ninyo ginagawa ng Uncle Bernard," mariing sabi niya. "I don't want to ruin their retirement. At mag-aalala ang Lola Julia, ganoon din ang Tito Nat at Tita Jas." napailing ang dalaga. Magugulo at mag-aalala ang lahat. Nakikiusap na tumingala ang dalaga sa tiyahin. "Uncle Bernard can handle this, can't he?"

Isang buntong-hininga kasabay ng pagtango ang isinagot ni Jewel. "They're still your parents, dear. At kung ako ang nasa lugar nila'y hindi ko gustong inililihim sa akin ang mga bagay na ito. 

At tiyak kong iyon ang magiging damdamin ni Marco at Emerald sa sandaling malaman nila ang nangyayari. But you are right, ang gagawin ni Marco'y ginagawa na ni Bernard. There's no need to alarm them." niyuko nito ang dalaga. "Do you want me to stay tonight?"

Umiling siya. Bagaman ganoon na lang ang pagnanais niyang manatili roon ang tiyahin. Pero hindi niya kailangang magpakita ng takot. Lalo rin lang mag-aalala ang mga ito. At ikinatatakot niyang pabalikin siya sa Amerika ni Bernard at malalaman iyon ng daddy niya at tiyak na malabo nang makababalik pa siya sa Pilipinas.

"I wish you'd stay away from the office for a few days, Jade," wika ni Jewel na sinabayan ng pagtayo. "Umuwi ka na muna kaya sa Paso de Blas. Bahala na si Bernard sa pabrika at ang ibang mga manager."

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ng dalaga. "I have a one-man army, Tita, sa katauhan ng bodyguard ko." Agad ang pagpasok ng mukha ni Kurt sa isip niya. Ni hindi niya ito kinakikitaan ng pagkatakot at pag-aalala. Para bang walang kabagay-bagay ang lahat.

"Yes," sang-ayon ni Jewel. "Kung hindi kay Kurt ay hindi papayag ang tiyo mo sa gusto mong mangyari."

"Uncle trusted him that much?" nagtatakang tanong niya.

"Very much. Kung paanong pinagkatiwalaan din ni Bernard ang ama ni Kurt." sandaling kumislap sa isip ni Jewel ang pangyayaring naroon si Jackson upang tulungan si Bernard sa pagliligtas kay Diana. Pero agad niyang pinalis iyon sa isip. Hindi niya gustong isiping may panahong nagtangi ng ibang babae ang asawa.

"Goodnight, darling, and take one or two of those calming tablets so you can sleep well." lumabas na ito ng pinto. Nabitin sa lalamunan ni Jade ang maraming katanungan tungkol kay Kurt.

Kristine 14 - Kapeng Barako At Krema (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now