Chapter 10 Lies

77 7 5
                                    

Chapter 10 Lies

***KAYE POV***

NAKATAAS ang isang kilay na tinapunan ko ng tingin ang isang jar na may laman na iba't ibang kulay ng nakatuping papel. Inilabas ito ng kambal kanina habang nagpapatayan kami nitong si Tristan the great sa mga isipan namin.

"Para saan iyan?" tukoy ko sa jar na nakalapag sa mesa.

"Get one my princess, nakasulat sa loob papel ang hamon na isasagawa ninyo ni Tristan." Nakangiting paliwanag ni Leo habang pinipisil ang ilang hibla ng buhok ko.

"I and Leo both know that you'll easily beat Tristan, my little lamb," Ryu is on my other side, smelling my hair.

Napapagitnaan nila akong dalawa habang ang kalaban ko ay nasa harapan ko. Hindi maipinta ang mukha na nakamasid sa amin. Kapwa kami nakaupo, mesa ang humaharang sa amin ni Tristan.

Bweno, wala kay Tristan ang atensiyon ko kundi sa dalawang manyak na kambal na ito.

"Stop touching my hair!" gigil kong inilayo ang sarili sa kanilang dalawa. "Kanina pa kayo a!"

"But I want to touch you,"

"So do I?"

Bakit parang tunog manyak?

"Touch your own hair! Darn!" I hiss. Nagbalak akong umalis ngunit maagap na pinigil ng dalawa ang magkabila kong balikat.

Na naman!

"Don't leave my little lamb,"

"Lalampasuhin mo pa si Tristan, my princess."

Palipat-lipat ang mga mata ko sa kanila. Kanina ko pa napapansin ang pang-iinsulto ng mga ito sa kapwa nila kamag-aral. Hindi ito ang eksena na inaasahan ko. Dapat ng ay ipinagtatanggol nila ang bawat isa. Iyon ang tungkulin ng magkakaibigan. O baka naman hindi ganoon ang turingan nila sa isa't isa?

Brutal na pagkakaibigan ba?

"That's it!" lahat kami ay napatitig kay Tristan dahil sa malakas niyang paghampas ng mesa. Nakataas ang isa niyang kilay, ngumingiti siya ngunit may pagbabanta doon. Plus, ubod ng dilim ng kanyang awra.

Napikon yata!

Sinulyapan ko ang kambal na nagpatay malisya lamang. Nahigit ko ang hininga nang umakyat ang manyak na si Tristan sa mesa at hinila ang kwelyo ni Leo.

"Kanina pa ako napupuno sa inyong dalawa!" naglalagablab ang mga mata ni Tristan habang niyuyugyug ang kawawang si Leo. "Akala niyo ba hindi ko napapansin ang panlalait niyo sa akin? Ha! We're friends here! Don't forget that!"

"Hey," tahimik na si lumapit Ryu. Walang anomang ekpresyon ang makikita sa kanyang mukha.

Pasimple kong nilingon si Tristan, kasalukuyan siyang nakamasid kay Ryu. Lihim siyang napapalunok ng laway. Marahil kinakabahan sa maaaring gawin ng kaharap.

"Can you..."

Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, hindi ko magawang huminga ng maayos. May kakaiba akong nararamdaman dito sa loob ko. Hindi sa gusto kong makita na upakan ni Ryu ang kaibigan niya kundi dahil, nais kong masaksihan kung paano ipagtanggol ng nasaktang kapatid sa nanakit dito.

"Do that to me too." Biglang sabi ni Ryu sa mas pinasiglang boses. Naglaho ang paninilim ng kanyang anyo.

What the!

Nalaglag ang mga balikat ko sa tinuran niya. Hindi ko inakala na ganito ang masasaksihan ko.

"Hurry up Tristan," inilapit ni Ryu ang leeg sa natutulalang si Tristan. "Shake my head too."

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now