Kabanata 3

4 0 0
                                    

Kabanata 3

What if I do?

Katulad nga ng inaasahan, nahirapan ako matulog kagabi. Bandang alas tres ata ako nakatulog sa hindi malamang dahilan.

It's nine am, and I woke up earlier than usual. Pag gising ko, naalala ko agad na may roommate pala ako. Dahan dahan akong sumilip mula sa comforter ko at nakitang maayos na ang kaniyang kama at walang tao.

Nakahinga ako ng malalim. Day one palang; kaya mo 'to, Chanel.

Tumayo ako at inayos ang kama. Hindi naman ako nag aayos ng kama talaga pero nakakahiya naman kung pag dating niya sobrang gulo ko tapos siya ang ayos ng mga gamit niya. Ang linis niyang tao kaya kailangan ko mag cooperate.

Dumiretso ako sa may cabinet. They planned to go to Tangadan Falls for today. I guess that's our only agenda outside and then we're going to go back here in our suite to have a mini house party.

Naligo na ako at pumili ng damit. Hindi ko alam nasaan si Psalm pero sinamantala ko munang solo ko ang kwarto. Naka robe lang ako lumabas mula sa restroom dahil hindi ako nagdala ng damit. Ngayon palang ako pipili ng susuotin ko.

I took a black and white dolphin shorts, and light pink colored nike tank top. It was oversized so I wore a cute sports bra inside na kulay black para match. I made sure to bring a hoodie with me, though. Nilapag ko muna sa kama ang hoodie at maliit na backpack na dala ko.

When I finished putting everything I need inside the bag, I sat on the swivel chair by the desk. May malaking salamin kasi doon at saksakan kaya doon ko napagdesisyunang ayusin ang buhok ko. Ipinlantsa ko lang ang harapang bahagi ng buhok ko at nag braid nalang.

I turned out the lights from the back of the mirror—nag silbing vanity mirror ito kaya nag simula na akong mag make up. As usual, cheek tints, powder, brows and eyeliner lang at ayos na ako. I made sure to not put any creams because we were going to hike, I don't want to look like an espasol cracking.

While in the middle of my makeup session, I turned the music up more. Sinasabayan ko pa ang tugtog habang nag aayos. Hindi ko minsan mapigilan ang matawa nang tinitingnan ang sarili sa salamin kasabay ng pag sayaw.

Halos mapatalon ako sa gulat kasabay ng paglaki ng mata ko nang may tumapik sa balikat ko. Nabitawan ko ang hawak hawak kong lip stick at nahulog 'yon sa sahig kaya napamura ako.

Inangat ko ang tingin ko kay Psalm na mukhang hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa gulat din. Napakagat ako ng labi at biglang nahiya sa nangyari.

"I'm sorry," aniya.

Pinatay ko ang music at kukunin sana ang nahulog na lipstick pero naunahan niya ako. Pagbalik niya ay wala na ang katawan ng lipstick, it was broken already and I saw the lipstick stain on the floor.

Hindi ko mapigilan ang pagsimangot. That was my fave lipstick from Chanel...

Mukhang napansin niya 'yon kaya sinubukan kong ngumiti sa kaniya. Mukhang galing siya sa baba. Naka suot siya ng kulay putting nike shirt, simple lang 'yon at plain tapos black shorts at sneakers.

"Ayos lang, it's just a lipstick." I said.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at inayos ang mga nagkalat na make up sa table. Kinuha ko ang shades na hinanda ko kanina at sinuot 'yon.

"I'm sorry, Chanel." Sabi niya uli.

I can't help but let out a little chuckle, "It's really okay. Hindi mo naman sinasadya."

Kita ko ang pag hinga niya ng malalim at umiwas ng tingin.

"So, ano, bakit nga pala?"

"I was just going to call you for breakfast," I nodded at him.

Sunday, cheat day.Where stories live. Discover now