TRICIA
"Girl, what the fuck!"
Patalon ko siyang inakbayan kaya halos dumiretso na ang mukha niya sa lupa. Bigla siyang umubo-ubo kaya binitiwan ko siya.
"Gagi, sorry! Na-excite lang!"
Sinamaan niya ako ng tingin, nagpapagpag pa ng uniform niya. "Ano na namang problema mo? At bakit hindi ka na nag-cha-chat sa akin, ha? May iba ka na bang kausap?"
"Jenny-"
Pinigilan ko ang sarili ko dahil may sumpa ko nga pala kapag kinuwento mo sa kaibigan mo na may kausap o 'yong tungkol sa inyo ng kausap mo. Ayaw ko namang ma-jinx 'yon dahil binuhos ko lahat ng kapal ng mukha ko para makausap si Sean!
"Tara, ililibre na lang kita!" Lumiwanag ang mukha niya at hinila pa talaga ako para mailibre ko na siya.
Hindi siya tumigil sa kadadaldal ng mga naipon niyang kuwento na hindi niya nakuwento sa akin dahil hindi ko nga siya nire-reply-an. Pasimple naman akong tumitingin sa phone ko, naghihintay sa chat ni master.
At iyan na nga.
***
MESSENGER
Sean Yvan Faustino
Katatapos lang ng class ko
Where are you?
Hala bakit mo tinatanong :(
Date bato
Anong bato? Hindi ito bato.
Tinatanong ko lang kung nasaan ka at baka mawala ka
Safe po ako idol
Baka mawala ka sa piling ko