25

187 7 0
                                    

Birthday ng kambal. Lahat ay excited pumunta sa Jollibee. Dahil ito ang request ng kambal. Pamilya lang and some of the closest friends nila sa School.


“Mom, Dad?” Sabi naman ni Andres dahil hindi nila mahanap ang kanilang mga magulang.


“Where are they?” Sabi naman ni Atasha. Pinauna na kasi sila ni Agnes at Jerry sa pagga-ganapan ng party.


“In just a few minutes, mag-start na ang party.” Sabi naman ni Andres. AT sila’y hindi mapakali.


“Celebrants, pasok na po tayo sa loob.” Sabi naman ng host. Wala silang nagawa kung hindi sumunod na lang. Ayaw sana nilang mag-alala but they couldn’t stop thinking about their parents.


“Please welcome the mother and the father of the celebrants! Agnes and Jerry!” Sabi naman ng host at nanlaki ang kanilang mata.


“Surprise, kids? Of course, hindi naman kami papayag ma-late. Gusto lang namin maging intense. Anyway, we just want to greet you a happy birthday. Kung tutuusin, gusto namin kayong ipagdiwang sa mamahaling restaurant. But you guys are so humble. At doon ko naisip na kahit pala minsan sa buhay ko, may nagawa akong tama. Ayun ay ang palakihin kayo ng hindi sanay sa luho. You didn’t take us for granted. Thank you mga anak. Please, don’t stop being clingy. I know you guys are old. But please, keep saying that you guys love us. Me and your Mommy will always look at you like 8 years old pa lang kayo. I love you, kids!”


Pumalakpak naman ang mga bisita at sabay binigay naman ang mic kay Agnes.


“Oh, gosh. I’m so speechless. Kagabe pa ‘ko nagiisip kung ano ang sasabihin ko sa inyo. But really, I’m running out of words. I just want to say thank you for obeying me, us. Thank you kasi lumaki kayong may pananalig sa Diyos, at hindi suwail dahil lang sa naging situation natin noon. Instead of getting mad at us, you take that as one of the biggest challenges of our family. Thank you so much mga anak. No matter what, Mama will always be here for you. Mama will never get tired of listening to your kuwentos. Mama will never get tired of watching movies with you. I love you so much, babies.”


Their messages are simple but yet heartwarming which makes them cry. So, the party has started and they are now eating with their guests.


“You’re actually lucky to have Tita Agnes.” Sabi naman ni Hope kay Atasha.


“Let’s just say, God is fair.” She smiled and eat.


“Grabe! Para kayong close na close kahit ang tagal n’yo ng magkalayo.” Sabi naman ni Liza.


“Well, Mom and Dad kasi taught us na kahit hindi kami pareho ni Kuya, we should protect each other despite of our differences.” Atasha says plainly.


Sa kabilang banda naman, kasama naman ni Andres ang mga ka-basketball team niya.


“Ang ganda ng kambal mo, Tol.” sabi naman ni Daniel.


“Tol, huwag kakambal ko. If you plan to break her heart, ako makakalaban mo.” Sabi naman ni Andres dito na biglang sumeryoso ang mukha.


“Tol, chill lang. I was just mesmerized with her beauty.” Sabi naman ni Daniel.


“Bawal pa mag-BF ‘yan.” Sabi naman ni Andres.


“Willing to wait ako, bro.” Sabi naman ni Daniel habang nakatingin ito kay Atasha.


“Tol, please lang. Huwag kapatid ko. Ayaw ko siyang masaktan.” sabi lang naman ni Andres.


“Tol, alam kong kilala mo akong babaero. Pero, may iba sa kakambal mo naramdaman ko. Kung gusto mo, sa’yo ko papatunayan na seryoso ako sa kanya. Kapag puwede na siyang mag-boyfriend?” sabi naman ni Daniel.


“Let’s see. Matagal pa bago pa kami puwede sa mga ganyang bagay.” ayan lang ang nasabi ni Andres. Dahil sa totoo lang, ayaw niyang manligaw si Daniel kay Andres. Dahil kilala si Daniel sa School bilang heart-breaker dahil ilan na ang mga napaiyak nitong babae.


Tapos na ang party at tinawag naman sila ng host.


“I would like to call on Atasha and Andres Muhlach for their farewell messages.” Sabi naman ng host at tumayo naman ang dalawang kambal.


“First of all, thank you guys for coming to our weird birthday party. If you guys are wondering why Jollibee? Because, it has been years, or should I say, it has been a decade since Andres and I celebrated our birthday together. This has been tough for our family but we gladly managed it. And we just want to make it simple and yet memorable. Kaya, Jollibee ang napili namin because this is our bonding. Mainstream na ito sa Pamilya namin. So, thank you!!!” Sabi naman ni Atasha at naluha-luha ito because of the love that they are receiving for their birthday. It’s been a long time since naging masaya siya ng ganito. Para bang nabalutan siya ng tinik simula nu’ng nag-sama ulit silang apat.


“Wala na akong masasabe kung hindi salamat. Salamat sa mga nag-punta. You guys are invited because you guys have a special place in our hearts. Kaya kung iisipin niyo, sobrang limited lang nu’ng bisita. Because, we just wanted to make it simple at ipakilala kay Mom and Dad ‘yung mga naging kaibigan namin sa School. To Mom and Dad, thank you for the life that we have right now, it has been a tough one, but we enjoyed it and we learned from it. I love you, both.”


Sabi naman ni Andres at nag-palakpakan ang mga bisita.


Nasa sasakyan na sila when Agnes started to have weird cravings again.


“Babes?” sabi naman niya at hinawakan ang kamay ni Jerry habang nagmamaneho.


“Yes, babes?” Sabi naman ni Jerry at lumingon lang ito ng saglit at agad namang binalik ang tingin sa daan dahil siya’y nagmamaneho.


“I want pancit canton.” sabi naman ni Agnes at ito’y nag-pout.


“Sige, Babes. Lulutuan kita.” sabi naman ni Jerry.


“No, Babes. Gusto ko ‘yung hilaw. Hindi ‘yung luto.” Sabi naman niya at nagulat naman ang tatlo sa narinig.


“Mom, ano’ng lasa nu’n?” sabi naman ni Atasha habang nagtataka.


“Masarap. I don’t know. Basta, I’m craving for it.” sabi naman ni Agnes at nag-simula na ang mood swings niya. Pinagtataka naman ito ng kambal.


“Babes, kambal is right. Mas masarap ang pancit canton nang luto. We’re almost near, babes.” Sabi naman ni Jerry and she started to cry.


“Bakit ang hirap n’yong sundin ang gusto ko?” sabi naman niya habang iyak ng iyak na mas lalong na-weirduhan ang kambal.


“Mom, sige na po. Bibili na po tayo. Right, Dad?” sabi naman ni Atasha and she was looking to her Dad like, “Pumayag ka please, look.”


“Of course, anak. C’mon, Babes. Stop crying.” Sabi naman ni Jerry at ayaw pa ring tumigil ni Agnes.


Mas nataranta si Jerry kaya nag-hanap siya ng sari-sari store para makahanap ng pancit canton.


“Babes, oh. Don’t cry na.” Sabi naman ni Jerry at inabot ang plastic na may lamang mga pancit canton.


Kinuha ito ni Agnes at nag-simulang kumain. Habang si Atasha at Andres naman ay hindi makapaniwala sa nakikita.


“And weird.” Bulong ni Atasha kay Andres.


“Shhh. Stop it, marinig pa tayo ni Mommy.” Sabi naman ni Andres kay Atasha.


“Kambal, sino ba namang hindi mawi-wirduhan kay Mommy?” Sabi naman ni Atasha kay Andres.


“Kahit ako kambal, but let’s just see. Baka mamaya, ayan lang naman talaga ang trip kainin ni Mommy ngayon.” Sabi naman ni Andres sa kakambal niya.


“We’re here.” sabi naman ni Jerry at nag-simula nang i-park ang sasakyan sa kanilang parking lot at ito’y pinagbuksan ng pinto ang kanyang mag-aama.


“Malungkot pa din ba ang babes ko?”  Tanong naman ni Jerry sa asawa.


“Yes, Babes. I’m sleepy lang.” Ngumiti ito.


“Mag-paalam lang tayo sa mga bata.” Sabe naman niya at pumasok na sila sa bahay.


“Mga bata?” Sabe naman ni Jerry sa mga anak para makuha ang mga atensyon nito.


“Yes, Dad?” Sabe naman nilang dalawa.


“Magpapaalam lang kami, mag-pahinga na kami at hindi maganda ang pakiramdam ng Mommy niyo.” Sabi nito at hinalikan ang mga bata.


“Rest well, Mom and Dad.” Sabe naman ng dalawa at humalik sa magulang nila.


Matapos mag-paalam sa mga bata, dumeretso na sila sa kanya-kanyang kuwarto. Maging si Agnes, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi niyang ramdam na pagod siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng ito.


“Pahinga ka na, Babes.” Sabi naman nito at yumakap sa asawa.


“I love you, Babes.” Sabi naman ni Agnes kay Jerry.


“I love you too, Babes.” Sabi ni Jerry at hinalikan ang mapapangasawa sa noo.


Pumikit na si Agnes at ito’y natulog na.


Nakatitig lang si Jerry sa asawa. “Thank you for coming back, I love you.” Sabi naman ni Jerry at sa huling gabi, hinalikan niya ang mapapangasawa sa pisngi, niyakap niya ng mahigpit, at ito’y natulog na.



END.

At Naulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon