Natulog na ako dahil sa antok hindi ko namalayan na tumutugtog pa pala ang cellphone ko dahil nagmusic ako 
                              1:00 am
Nagising ako at tinignan ko ang phone ko na lowbat na kaya pintay ko nalang ito at bukas nalangicharge
                              9:37 nagising ako 
                              "Goodmorning ma"sambit ko
                              "Goodmorning nak"sabi ni mama
                              "Ah ma diba malapit na ang wed---"naputol ang sasabihin ko ng kinalabit ako sa paa ni Chate
                              "Ayy!"gulat ko kay Chate
                              "Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin anak?"tanong ni mama
                              Napaisip ako na huwag ko nalang muna sabihin kay mama may balak nga pala kami nina papa at Calyx na si kupal 
                              "Ah wala po ma sige kain na muna po ako"sabi ko 
                              "Ahh osige"sabi ni mama
                              Kumain muna ako at hindi ko namalayan na wala na pala si Chate sa tabi ko
                              "Luh"sabi ko
                              "Mama"tawag ko kay mama
                              "Bakit?"tanong ni mama
                              "Nakita mo ba si Chate?"tanong ko na medyo nagpapanic na 
                              "Hindi ko alam eh nakita ko sya kanina dyan sa tabi mo"sabi ni mama
                              Tinignan namin ni mama sa bawat sulok ng bahay pero hindi namin sya nakita kahit boses nya hindi namin narinig,maya maya pa ay nagtungo ulit si mama sa kusina
                              "Nak kaya naman pala kasi iniwan mong bukas ang pinto ng kusina malamang lumabas yon"sabi ni mama
                              "Ma hanapin natin sya"sabi ko
                              "Magpatulong ka na muna kay Ken aalis ako eh pupunta akong palengke"sabi ni mama 
                              "Sige po"sabi ko
                              Lumabas ako at hinanap sya kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko para tawagan si Ken
                              Hindi nagtagal ay sumagot din ito
                              "Hello? Napatawag ka?"tanong nya
                              "Ken tulong"sabi ko
                              "Bakit?"tanong nito na medyo nagaalala na
                              "Si Chate nawawala"sabi ko
                              "Paano? Bakit?"tanong nito
                              "Naiwan kong bukas yung pinto dun sa kusina tapos ayun nakalabas sya"sabi ko
                              "Kaya naman pala eh sige na papunta na ako"tarantang sagot ni Ken
                               Inantay ko si Calyx sa pinto ng bahay namin at hindi nagtagal ay nakarating na sya
                              "Ken"sabi ko
                              "Halika na"sabi nito at hinila ang kamay ko agad naman akong sumunod sakanya
                              Dahil sa taranta namin ay hindi namin namamalayan na magkahawak kami ng kamay pero natural naman yun sa amin 
                              "Maghiwalay kaya tayo"sabi ko 
                              "Ah osige"
                              "Dun ako sa mga may tindahan ikaw na dun sa park"sabi ko
                              "Hindi ikaw dun sa park mas safe dun ako na dun sa mga may tindahan dahil maraming tambay dun eh"sabi ni Ken
                              "Osige ingat"sabi ko 
                              "Ikaw din"sabi ko at dali dali kaming naglakad para hanapin yung pusa ko
                              "Chate!"sigaw ko paulit ulit maya maya pa ay may batang lalaki na may dalang bola ang lumapit sa akin
                              "Ate pusa nyo po ba yung hanap nyo?"tanong nya
                              "Ah oo eh"sabi ko at palingon lingon sa gilid
                              "Anong itsura nya?"tanong nya
                              "White tapos blue yung mata tapos may necklace sya na nakalagay Chate"sabi ko
                              "Ahh ate yun yata yung nakita ko nandun sya sa may mga tindahan dun kung saan dun din pumunta yung kasama nyong lalaki"sabi nya
                              "Naku salamat"sabi ko
                              "Sige po"sabi nya
                              Dali dali akong pumunta doon at nakita ko na nakaupo si Chate dun sa gilid tumakbo ako papunta sakanya
                              "Chate?"tawag ko lumingon ito at pumunta sa akin 
                              "San kaba pumunta? Alam mo naman na hindi ka pwedeng umalis ng bahay kasi maraming gustong kumuha sayo buti nalang at nakita kita agad"sabi ko
                              "Halika na"sabi ko at naglakad habang buhat buhat sya 
                              Kinuha kong muli ang phone ko at tinawagan ito pero walang sumasagot hinanap namin si Ken at nakita ko nalang na nakikipagbasag ulo na si Ken dun sa kanto kung saan maraming tambay.Tumakbo agad ako habang dala dala si Chate
                              "Hoy! Anong ginagawa nyo?"sabi ko
                              "Wag kang makielam dito mis kung ayaw mong pati ikaw bugbugin namin"sabi nito
                              "Ken"tawag ko
                              "Umalis ka na lang"sabi nito
                              "Hinde"sabi ko 
                              "Tama na yan!"sigaw ko
                              "Wala kayong magawa sa buhay nyo imbes na nagaaral kayo,imbes na tumutulong kayo sa mga magulang nyo tapos ganyan pa ang gagawin nyo makipagbasag ulo uminom tignan nyo mga sarili nyo binata pa kayo pero ganyan na kayo"sabi ko at bigla silang napatigil sa pagaaway
                              "Huwag nyo na ulit gagawin yan pwede naman kayong tumino diba?"sabi ko
                              "Pasensya na"sabi nila
                              "Huwag nyo na ulit gagawin yun"sabi ko 
                              "Gusto lang naman namin ng kaibigan kaso walang may gusto"sabi nila
                              "Ako pwede nyong kaibiganin"sambit ko na ikinatuwa nila
                              "Magkokolehiyo na kami kaya lang naman kami naging ganito dahil marami ding tambay gusto rin namin maranasan yun"pangangatwiran nito
                              "Hindi yon dahilan ano nga palang mga pangalan nyo?"tanong ko
                              "Ako si Diego"sabi nya
                              "Ako naman si Axelle"sabi ng isa
                              "Ang gaganda ng pangalan nyo pero ganyan kayo"sabi ko
                              "Sorry pede bang makipagkaibigan?"tanong ni Axelle
                              "Oo naman"sambit ko
                              "Salamat"sabi nila
                              Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila para umuwi
                              "Pasensya na brad"sabi ni Diego
                              "Sige ok lang"sabi nya
                              "Ako nga pala si Calyx tawagin nyo nalang ako sa second name ko na Ken"sabi ni Ken
                              "Osige"sabi nila at umalis na kami ni Ken
                              "Nahanap mo na pala si Chate"sabi ni Ken
                              "Oo tinuro lang ng bata sa akin kung nasaan sya"sabi ko
                              "Ahh sige sino bang bata?"tanong ni Ken
                              "Yung batang may hawak na bola yun oh"sabi ko sabay turo
                              "Ahh ok sige Khyle yun"sabi ni Ken
                              "Kilala mo?"tanong ko
                              "Oo yan yung batang nagpapaturo sa akin kung pano maglaro ng basket ball"sabi ni Ken
                              "Ahh osige halika na para magamot natin yang sugat mo"sabi ko 
                              "Sige tara"sabi nya
                              -Precious Writes
                                      
                                          
                                  
                                              YOU ARE READING
Unknown Reader
RomanceHe is my Unknown reader and Childhood Best Friend. She is my Favorite Writer and I'm her Unknown Reader
