Kabanata 14

80 6 0
                                    

Kabanata 14

I can see you

Nakanguso lang ako hanggang sa makarating sa sala, nagkwekwentuhan sila kaya naman umupo ako doon. Hmp, bakit kailangang hindi ako kasama sa usapan nila? Ako kaya yung pinag uusapan nila!


"Yow" bati nila sa akin


Ngumiti ako, "Yo!"


Nagtawanan sila kaya nakinig na lamang ako

"Leira, tara kay Grace" anyaya sa akin ni Chelsea


"Nakita niyo ba si Grace?" Tanong ko sa mga lalaki


"Oo, sa labas"


"Tara!" Hinila ko si Chelsea


Nagkislap ang mata ko, makakahagilap na ako ng bagong chismis.



"Sus, mukang chismis" sabi ni Chelsea kaya natawa ako


"Si Grace naman yun!"

"Kahit naman sino" sabi nito habang umiirap


Binuksan ko ang pinto at halos mapanganga kami ni Chelsea sa mga naririnig namin. Hindi nila kami napapasin, galit na galit si Grace habang nang aasar lang si Cal


"Alam ko namang gusto mo ak---"


Bigla siyang hinampas ni Grace, "Anong gusto kita!? Assuming!"



"Eh?" Sabay na sabi namin ni Chelsea



Napatingin sila pareho sa amin, si Grace nanlaki ang mata. "Hiramin muna namin, Cal!" Sigaw ko


Nakabusangot lang si Grace na nakatingin sa amin. Kumikislap ang mata ko, gusto ng chismis hehe.


"Anong meron sa inyo?" Tanong ko


Bigla itong umirap, "Wala"


"Weh, totoo--"


"Leira!" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ni ate


"Hmp, mamaya na ako mangugulit!"


Nagmamadali akong pumasok sa loob, wala naman si Ate sa sala dahil nandoon din sina Daddy sa sala, kausap niya yung mga lalaki. Pumasok ako sa kusina at naabutan ko silang nag uusap-usap

"Talo ka lang" mapang asar ang tono ni Yelo


Tinignan ko si Ate na tuwang tuwang nanonood sa kanila. Biglang nagkamayan ang dalawa sa ibabaw ng lamesa


"Wala pa namang panalo sa atin" ngumisi si Martinez

Nung napansin ako ni ate ay tinapik niya ang lamesa kaya napatigil sa tinginan si Yelo at Martinez kapungkawan ay napatingin ito sa akin


"Lil sis!" Saad nito


Lumapit naman ako doon na nakapamewang, "Anong meron?"


"Ah, wala" sabay na sagot nung dalawa

"Babatukan ko kayo!" Pananakot ko


"Haha,lil sis. Hindi ka nakakatakot" tumayo ito "And hell yeah, may manliligaw ka na" sabi nito


Nanlalaki ang mata kong humarap kay ate "What!?" Sigaw ko

"You heard me right" nang aasar na sabi nito


"Alam ba nila daddy!?"


"Oo"


"Sino?"


Nginuso nito ang dalawa na nakaupo, "Kayo!?" Sigaw ko


Tumango lang ang dalawa kaya napasimangot ako


"May angal ka ba?" Sabi ni Martinez


"Aba syempre meron!"


"May problema ba?" Tanong ni Yelo

"Syempre!" Ulit ko dito


"Ano namang masama na manligaw ang dalawang ito?" Tanong ni Ate na tinuturo ang dalawa



Magsasalita pa sana ako ng may mga nagsalita sa likuran ko


"Hindi ka na kayo torpe?" Tanong ni Damon


"Binata ka na, Lance" dagdag ni kuya David


"Dalaga na si Leira" dagdag ni Kuya Gio kaya sinamaan ko siya ng tingin


"Haha, umamin din!" Natatawang sabi ni Chelsea


"Woah, buti naman!" Dagdag din ni Grace


"Heh!" Tanging nasabi ko na lang ng magsiupuan sila


"Si Grace na lang single?" Tanong ni Daddy


"Ready to mingle tito" sagot ni Chelsea


"Ha!?" Sigaw ko


"Sabihin ko sayo" kinindatan pa ako nito kaya hinampas siya ni Grace

Nagkwentuhan lang kami at nagsiuwian na din sila. Nagpaiwan din si Cal, nasa guestroom siya. Habang ako naman ay papasok na sa kwarto, nakabihis na din ako kaya nga lamang ay bumaba ako kanina para mag toothbrush.


Busy ako sa pag cecellphone ng mag ring ito. Si Yelo!


"Hello!" Sigaw ko.


[Why are you shouting at me?]


"Wait, Si Martinez ka ba?" Tanong ko, muli kong chineck ang caller ID pero si Yelo naman yun


[Ako ang nandito, pero si Cedrick ang iniisip mo]

"Eh kase---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng patayan niya ako ng tawag. Ano bang problema niya!? Nakakabwisit siya!


Inis kong binagsak ang cellphone ko sa kama at inis na lumabas. Dumiretso ako sa kusina para mag timpla ng gatas ng maabutan ko si Cal na nakasandal sa may stool

"Yow" bati ko saka kumuha ng baso

"Yo, kaibigan mo ba talaga si Grace?" Nakanguso nitong sagot

Bigla akong napahagalpak ng tawa, "Syempre!"

Umiinom na ako ng gatas kaya muntik ko ng mabuga ang iniinom ko sa sinabi niya


"Inagawan ko kase siya ng libro"


"Ikaw?" Tanong ko

"Yep."


Bigla akong napahagalpak ng tawa saka binitawan yung baso.


"Talagang ganon nga ang itra-trato niya sayo Cal! Never pa siyang naagawan ng libro" pagsasabi ko ng totoo

"Tss. Okay, goodnight" sabi nito


Napailing iling na lang ako saka inubos yung gatas na nasa baso. Tumaas na uli ako, umiilaw yung cellphone ko kaya agad ko itong kumuha. Tumatawag na naman si Yelo

[I'm sorry]

"Ikaw ha, hindi ako matiis!" Pang aasar ko

[Tss. Goodnight]

Napanguso na lang ako ng patayan niya uli ako ng tawag.

From: Yelo

Stop pouting, I can see you.

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now