Chapter 2:

128 8 1
                                    

Uno

Naglalakad ako papunta sa classroom,

Something seems off...

Bakit lahat sila nakatingin sakin?

Ano meron?

Baka naman kasi dahil sobrang gwapo ko, hehe

Habang nakatingin sa akin lahat ng tao, bigla namang takbo sa akin ng mga kaibigan ko

Ano kayang meron?

" Pre! Ikakasal ka na pala ah! Di mo sinasabi sa amin" Palokong sabi ng kaibigan ko

" HAH! anong ikakasal? Kanino?! "

" Hay nako! Pakipot ka pa eh! Alam na ng lahat na gusto mo pala si Cin! Medyo nakakapagtaka nga eh kasi kahapon nag-aaway ay hindi pala muntik na kayo magpatayan, tas ngayon ikakasal na pala kayo! "

Hindi... Hindi! Panaginip lang toh, hindi toh totoo, hindi papayag si mom nito!

Bigla kong takbo, palabas ng school dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila,

Paguwi ko sa bahay, pumunta ako agad mama.

"Ma! Ano yung sinasabi ng mga kaibigan ko na ikakasal ako kay Cin na yon!"

"Ay, nabalitaan mo na pala! Di ko pa sayo nasabi, next month na yung kasal niyo"

No, No, this isn't real

"Ma! Ano ba! Bakit ka pumayag, ang di ko siya gusto! gusto mo ba na hindi masaya yung anak mo!"

"Hay naku, ikaw talaga masyado kang dramatic."

Sa sobrang galit ko, nag-walk out nalang ako kasi baka may masabi pa kong masama na ikagalit ni ma.

Cin

Nagfafacebook ako sa laptop ko habang biglang tumunog yung cellphone ko.

Sila Enyx pala tumatawag,

"OMG gurl ikakasal ka na pala kay Uno!", masayang sigaw ni Enyx

"Di mo naman sinabi sa amin biglaan, nakita na lang namin sa Twitter." sabi ni Primo

"Ano ba gurl, wala na siyang time sabihin sa atin yun, malamang sobrang busy na yung bride sa paghahanda sa kasal." palokong sabi ni Lucian.

"Eh, diba magkaaway kayo ni Uno, hindi ba magiging magulo yun, tsaka imposible namang pumayag si Uno sa kasal na yan." Payo ni Avram,

"Ito naman si Avram masyadong nega!" sabi ni Enyx

"Hay naku, kayo talaga! Planado na lahat ni mom at nagagree na din daw ang family ni Uno sa marriage, kaya kahit anong ayaw ni Uno, ikakasal kami!" Sabi ko

"GO gurl!"

"Sige na bye na, bukas ulit kita kits nalang tayo sa school"

"BYE!"

Ang saya ko talaga, yung dating crush ko lang magiging asawa ko na!!

Pahiga na ako ng biglang...

"Cin!" Tawag ng isa kong yaya

"Bakit po yaya! Matutulog na ako!"

"May bisita kayo, pinapatawag ka ng mom mo."

Luh! Sino namang bibisita ng ganitong oras ng gabi, baka si lolo ay hindi next week pa uwi niya galing abroad eh.

" Yaya, pasabi nalang kay mom, pababa nako!"

"Sige po."

Sino kaya yon? Imposible namang si lolo yon.

Magpapambahay nalang ako, siguro di naman ganon kaimportante yung bisita.

"Ma'am nakababa na po si sir Cin."

"Mom, sino ba yung bisita, inaantok nako! Gusto ko na beauty sleep."

"Ikaw katamaran mong bata ka, kala mo di ko alam na pagsinasabi mong matutulog ka, di ka talaga matutulog, nagfafacebook ka lang or nagiinstagram or nagtitwitter?"

Ay shoot, alam ni mom, lagot ako

"Sino po ba kasi napakaimportanteng bisita natin?"

Pagkatingin ko sa likod ko-


~ To be continued ~

8 demons series: Taming Mr. Carson (on-going)Where stories live. Discover now