Simula

924 19 5
                                    

Warning: This chapter contains strong language and sensitive scenarios which some people may find disturbing.
___________________________

SIMULA

Pabalik-balik ang tingin ko sa aking relo. Hindi pa tapos magsalita si Dean. pakiramdam ko ay tatagal pa 'to ng ilang oras. Being Student Council is hard, what more pa kung Governor na talaga ng bayan? kaya nakakamangha ang aking Ama. hindi madali ang kaniyang ginagawa araw-araw. ang masama pa ay inaakusahan madalas na corrupt.

Nilingon ko si Idreo nang tinapat niya sa akin ang malaking electric fan. nag-thumbs up pa ito at ngumiti. umiling-iling ako at sinenyasan na ibalik ito sa mga prof. mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at umupo sa tabi ko at duon ko lang na pagtanto na may purpose pala ang pagharap neto sa Electric fan.

"Ang sarap ng hangin." sumandal pa ito at humalukipkip.

"Gov, na saan daw yung printed paper for parent attendees?" si Jana na pawis na pawis na lumapit sa akin.

Mabilis na inabot ni Idreo ang folder. "Here."

He may be stubborn and makulit but he's very responsible specially when it comes to academic.

My Mother and His Mom are good friends kaya kilala ko na siya nuon pa man but we are not even close. we just know each other, period.

"Thank you po." Namumula si Jana na inabot ito.

Not gonna lie, Idreo is somehow...attractive that is why a lot of girls here in our university admiring him. may lantarang umaamin at meron namang pa simple.

"Mag-sign na lang po lahat ng parents na nandito." dinig kong sabi ni Dean.

Hindi ko mapigilang mapangiti. ibig sabihin lang nito ay malapit nang matapos ang meeting.

Ramdam ko ang titig ni Idreo kaya nilingon ko ito.

"Bagay naman pala sa 'yong nakangiti," Nakangiting sabi niya.

Nagulat ako sa tibok ng puso ko. mas malakas ang tunog nito sa tenga ko; kung ikukumpara sa speaker na nasa harapan. natarantang tinikom ko agad ang bibig ko at binaba ang tingin sa relo.

"Tumigil ka nga!" mahina kong saway.

Tahimik na siya at humalukipkip na. Seryoso na ang mukhang nakikinig sa harapan.

Binaling ko na lang ang isip sa ibang bagay at sumandal din sa kinauupuan.

Limang minuto na lang ay magsisimula na ang miting de avance nila Papa. magpapangalawang termino siya bilang gobernador at binabalak mag senator sa susunod. Gusto ko nang umalis at lisanin itong meeting, ngunit responsibilidad ko din ito bilang Governor ng Student Council.

Nag-angat ako ng tingin sa harap at nakipalakpak din.

"Tapos na?" wala sa sarili kong tanong.

Tumayo si Idreo na pumapalakpak pa din. OA na ito at halos siya na lang ang pumapalakpak.

"Gov! Gov!" habol ang hininga ni Max na lumapit sa akin. "Uuwi na po ako."

"O-osige...ingat ha?"

"Thank you po! thank you po!" mabilis tumakbo si Max palayo at halatang nagmamadali din.

"Gov! uuwi na din po ako," si Erl naman ang nagpaalam.

"Si-" sasagot pa lang sana ako ay mabilis nang tumakbo si Erl.

Salubong ang kilay kong nakatanaw kay Erl at Max na palabas na ng gate.

"Anong meron at tila nagmamadali ang mga tao ngayon?" Halata sa mukha ni Idreo ang kuryusidad. nakatanaw din kina Erl at Max.

Stolen Hearts (Rare Heart Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon