48th

26 4 0
                                    

°Maramhiea Blaze°

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ng may mahalata ako.

"nasan si Iszh?" wala sa sariling tanong ko, kanina lang kasi ay nandito sya kasama naming kumakain.

"huh? hindi ba't nagpa-alam sya sayo na iihi?" nagpa-alam ba sya? bat wala atah akong maalala?

"at nakakapanghinala lang dahil kanina pa sya dun" nagtatakang tugon ni liam. Kung ganun ano naman kayang ginagawa nya sa restroom?

Napatayo naman ako, ewan koba parang kinakabahan kasi ako e parang kailangan ko syang puntahan.

"pupuntahan kolang sya" paalam ko sa kanila.

"hintayin mo nalang" aniya ni kuya pero umiling ako.

"pupuntahan ko nalang sya baka may nangyaring masama e" pagkatapos kong sabihin 'yun ay naglakad na ako sa hallway papuntang cr.

°Iszh Cxyler Dione°

"ano bang problema mo huh?" galit kong tanong kay Brent dahil kung makahila akala mo kung sino.

"eh ikaw ano rin bang problema mo huh?" balik netong tanong saakin kaya napasalubong ako ng kilay.

"sino kaba sa akala mo na kung umasta ay parang kilalang kilala kita?" naiiritang tanong ko dito. Nabigla naman ako ng itulak ako neto at napasandal sa pader at agad nya akong kwinelyohan.

"do you think Iszh, mamahalin kapa nya pag nalaman nya ang totoo mong pagkatao?" para naman akong sinuntok ng napakalakas dahil sa tinanong nya. Mamahalin pa kaya ako ni Blaze pag nalaman nya lahat ng sikreto ko? hindi pwede! hindi ko sya kayang bitawan dahil akin lang sya at walang pwedeng umangking iba kundi ako lang.

"anong ibig mong sabihin?" maang kong tanong dito kahit alam ko kung anong pinupunto nya. Napangisi naman ito bago mag salita.

"na isa kang sindikato, ang utak ng lahat ng kriming nagaganap dito sa ating bansa" natulak ko naman ito ng malakas dahil sa sinabi nya kaya nabitawan nya ang pagkakakwelyo saakin. Akala mo naman napakalinis nyang tao, sa pagkakaalam ko ngarin isa rin sya sa mga kampon ni satanas tulad ko.

"wala kang karapatang sabihin yan dahil katulad rin kita at kahit kapatid kita ay hindi kita igagalang at kayang kaya kitang patayin" madiin kong tugong kina ngisi lang nya kaya mas lalo akong nabwisit, kingina!

"hwag kang mag-alala bro dahil wala naman akong balak na siraan ka pinapaalalahanan lang kita dahil kapatid parin kita at ayaw kong magsisi ka sa huli" bat naman kailangan pa nya akong paalalahanan? may isip naman ako. At bat naman ako magsisisi sa huli? nasa tamang pag-iisip pa kaya ito.

"and btw gusto kang makita ni mom sa sabado bago sila umalis ng bansa" tugon pa nya at ng bubuksan na nya ang pinto ay may biglang tumuhod dito kaya agad akong kinabahan.

Nang buksan ni Brent ang pinto ay tumambad saamin ang mukha ng mahal ko, kanina pa kaya sya jan? narinig kaya nya lahat ng pinag-usapan namin?

"kanina kapa jan?" nababahalang tanong ko at pilit na tinatago ang takot. Pano nalang pag narinig nya lahat ng usapan namin ni Brent? hindi ko kaya- hindi ko kayang lumayo sya saakin.

"ahh kararating kolang" nakangiti nyang sagot kaya naman guminhawa ang pakiramdam ko.

"oh nandito karin pala Brent?" tanong neto sa kasama ko kaya napatingin ito saakin bago tumango, tangina hwag mo sabihing--

"sige mauuna na ako huh" paalam nya bago umalis.

"halikana love gutom nako" pag-aya ko dito bago sya inakbayan.

I'ᴍ Yᴏᴜʀ KɪʟʟᴇʀDonde viven las historias. Descúbrelo ahora