The Sin Affair 1

103 1 0
                                    

Chapter 1

Ellaine's POV

"Kaya mo 'to Ellaine, wag kang kabahan....ito na yung araw na pinaka hihintay mo" sambit ko habang hinihintay ko ang pagbukas nang pintuan ng simbahan.

Hindi ko maiwasang kabahan sa araw na ito. Diba kapag first time mong gagawin ang isang bagay, kaba agad ang unang mararamdaman mo.

Pero, pinapanatag ko pa rin ang loob ko dahil ito na ang simula ng pagbabago sa buhay ko!

Hindi nagtagal, bumukas na ito at nagsimula na akong maglakad habang nakapang-kasal ako ng kasuotan.

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing palapit ng palapit ako sa harap ng altar.

Siguro, Isa ito sa mga pinakamasayang nangyari sa aking buhay.

Ang ikasal sa taong pinapangarap kong makasama pang-habang buhay.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng isang busina na nagmumula sa labas.

Beep. Beep.

Hudyat iyon na dumating na ang asawa ko galing sa trabaho.

Hindi nagtagal, dali-dali kong ini-stop muna ang panonood ng wedding video ko sa aking laptop para salubungin siya sa baba.

Hindi pa rin ako nagsasawa kahit paulit-ulit kong panoorin kung paano ako ikasal sa kanya.

Para bang suntok sa buwan na dati pangarap ko lang sya tapos ngayon kasama ko na sya sa iisang bubong.

Sobrang saya balikan ang mga pangyayari nung mga araw na yon.

Punong-puno ng saya, kaba at medyo may kalungkutan dahil kapag kasal ka na, may limitasyon na ang mga pwede mong gawin dahil mas magfo-focus ka sa iyong minamahal.

Bago ako bumaba, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin dito sa kwarto naming dalawa. Inayos ko muna ang suot kong damit kung gusot or hindi.

Kung mukha ba akong haggard or what....kasi baka maging panget ako sa paningin niya at maisipan niyang maghanap ng iba.

Ayokong mawala siya sa buhay ko, dahil sobrang mahal na mahal ko siya, higit pa sa buhay ko.

Nakababa na ako ng hagdan at sinalubong ko na agad ng yakap at pinulog ko ng matatamis na halik ang pisngi niya.

Kahit maghapon itong wala, ang bango pa rin niya. Ano kayang ginagamit niyang pabango? Ang bango talaga parang amoy baby na bagong ligo.

"Kamusta ang araw mo ngayon?" malambing na tanong ko habang nakayakap sa kanya.

"Ayos lang naman, ikaw ba mahal....ayos ka lang ba dito?" sabi niya habang kumalas siya ng yakap at tumingin sa akin.

Aminin ko, hanggang ngayon sobrang kinikilig pa rin ako sa kanya. Yung mga tingin niya parang mahi-hypnotize ka dahil sa pungay ng mga pilik niya tapos bagay sa kanyang maamong mukha.

Sa kanya ko kasi nakita ang tinatawag na ideal man.

Gwapo, matangkad, matalino, mabait at higit sa lahat...sobrang responsable. 

Masasabi kong napaka-swerte ko sa kanya. Gusto niya pa ring magtrabaho kahit sobrang yaman ng pamilya niya.

Ang magulang niya ang nagregalo sa amin ng malaking bahay na aming tinitirhan ngayon.

Sabi niya kasi, kapag daw kami ay ikinasal gusto niya ay nakabukod kami.

Kaya naman, niregaluhan kami ng bahay ng mga magulang niya.

"Ayos lang naman din ako. Alam kong gutom ka na, tara sa dining. Nagluto ako ng mga paborito mong ulam" yaya ko sa kanya habang patungo kami ng dining area.

Nasa hapag-kainan na kami at kumakain pero parang nakakaramdam ako ng tampo sa kanya.

Para kasing wala siyang maalala sa araw na ito. Parang wala lang sa kanya. Hindi man lang niya sinasabi.

"May problema ba mahal ko?" tanong niya sa akin dahil kanina pa akong nakatingin sa kanya habang siya ay kumakain.

Magkaharapan kasi kami habang kumakain.

"Wala naman" matamlay kong tugon tapos siya ay nagpapatuloy lang kumain.

Nakalimutan ba niya?

Pero, kung nakalimutan niya ngayon lang ito nangyari sa loob ng pitong taon naming kasal.

"Parang madaming hinanda ka ngayon tapos bihis na bihis ka pa, anong meron ngayon?"

"Wala nga, kumain ka na dyan" iretable kong sagot.

Kasi naman, anniversary namin ngayon pero parang hindi nya alam.

Grabe, nakakapagtampo. Ngayon lang nya nakalimutan.

Dati kasi siya lagi ang nagpapaalala at nagsusurprise sa akin ng kung ano-ano kapag anniversary namin.

Ngayon nga lang ako nag effort para sa kanya tapos parang hindi niya alam na anniversary namin ngayon.

Gusto ko pa rin siyang patugain kung wala talagang siyang alam sa araw na ito.

"Wala ka ba talagang naalala kung anong meron ngayon?" matamlay kong paninigurado sa kanya pero umiling siya habang kumakain.

Nagpatuloy na lang din ako kumain pero deep inside, sobrang lungkot ko.

Parang nasayang lang lahat ng pinaghirapan ko. Yung effort, yung pagod at oras sa paghahanda.

Pinagpatuloy ko na lamang ang kumain tapos siya naman ay tumayo sa kanyang kinauupuan.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil nagtatampo ako talaga sa kanya.

Parang childish ang ikinikilos ko pero bilang asawa, sobrang nakakapagtampo. Parang nakalimutan na din niya na kasal siya sa akin.

Bigla na lang ako nakaramdam sa aking leeg na parang meron siyang inilagay.

Tinignan ko ito at nagulat ako sa aking nakita, Isang kumikintab na diamond necklace!

"Akala mo ba, nalimutan ko kung anong meron sa araw na ito" sabi niya habang tumingin ako sa kanya.

Grabe! Parang maiiyak ako ng sobra.

Akala ko, nalimutan niya!

Pero nagkamali ako.

Masyado yata akong naging judgmental!

Ayy oo, naging judgmental talaga! Sorry.

"Oo, akala ko nalimutan mo na talaga" pag-amin ko sa kanya habang medyo teary eyed. Kasi hindi ko talaga ine-expect na ganoon ang gagawin niya. Na-surprise talaga ako dahil sa ginawa niya!

"Bakit ko naman makakalimutan ang petsa na ito, this is the date that we exchanging vows to each other. Happy seventh anniversary!" mahabang sambit niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

Bigla na lamang ulit ako napayapos sa kanya dahil sa tuwa. Hindi ko talaga inexpect na alam pala niya.

Ganyan na din siya nung naging boyfriend ko siya, like kapag monthsary namin, lagi siyang may hinahanda na kakaiba para sa akin.

Siguro, bilang babae ay tuwa na agad ako kapag ang boyfriend niyo ay sobrang ma-effort. Sobrang dali kong mag-appreciate ng isang bagay lalo na kapag kita mong pinaghirapan niyang gawin.

That's Oliver Torres, magaling sa mga pakulo na ganyan. Madaming alam na paandar sa buhay. Sobrang galing kumuha ng atensyon na ikakasaya ko.

That's why I love him so much!

To be continued....

End of Chapter 1











The Sin AffairWhere stories live. Discover now