#3

6 1 0
                                    

You will never understand life until you've trusted it to someone who's able to save

*posted

Maaga akong nagising hindi dahil kaugalian ko iyon kundi sa kadahilanang hindi rin naman ako makatulog nang maayos.

Maya maya ay magigising na rin si lola kaya nag log out na'ko sa Facebook at inihanda ang paborito niyang silya sa harap ng balkonahe.

Sa buong buhay ko... panatag ang loob ko na may isang tao na tinanggap at tanggap ako. Iyon ay si Lola.

Mahirap lumaki ng mag isa. Pakiramdam ko ay ganoon. Realidad ko ay ang katotohanang ang aking ina ay may sarili na niyang pamilya at ganoon din sa aking ama. Ni wala sa dalawa ang gustong umangkin sa'kin. Maramot yata ang tadhana.

Nabubuhay ako dahil ako ay humihingiha. Subalit kalahati ng katauhan ko ay tila namatay na- nangawit at napagod.

"Ren? Reuben apo?" tawag sa'kin ng isang tinig na halos araw araw ko nang nakasanayang marinig.

Malamya... nanghahaplos... malambot...

Ang sarap siguro ng pakiramdam na matawag sa ganoong paraan ang aking pangalan mula sa aking ina.

"Apo? Unang araw ng klase ngayon, bawal ka ma-late. Umayos kana at ng hindi ka mahuli "

Ang ganiyang malambot na tinig na may pag alala at malasakit. Masarap sa pakiramdam Lola

"Ang laki ng ngiti mo? Hala umayos kana at para Hindi ka mahuli sa klase mo"

"Sige po Lola. Nakapag ayos naman na po ako. Hinihintay ko lang po kayong magising para po sabay na tayo kumain bago ako tumungo ng school"

"Sige na at kumain na tayo kung ganun. Oo nga pala, nakausap mo na ang tiyuhin mo?"

"Ah opo, kahapon bumisita ako bago namili ng mga gamit"

"Ayusin mo pag aaral mo ah?"

Sa ganiyang mga linya ako ay nalulungkot at nagiging masaya. Nalulungkot dahil sa alaga ni lola ay napapaisip ako kung ganiyan din ba sila. Masaya dahil kahit may kulang, andiyan siya.

Isang makahulugang tango at ngiti ang ginawad ko bilang tugon sa bilin niya.

Augustus FlowersWhere stories live. Discover now