SLS #4

13 5 1
                                    


Saddy Pov

Nagising ako at nakita ko puro puti nasa langit na ba ako patay na ako?! Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako at nakita ko sa tabi si Charles hawak ang kamay ko habang nakapatong ang ulo nya sa kama ko

"Uhm...Charles" tawag ko sa kanya nakita kong pagkagulat sa kanyang mukha na napalitan ng ngiti

"Buti gising kana Saddy" masayang sabi ni Charles sakin

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong ko

"Hindi mo ba maalala?" Tanong din ni Charles

"Hindi eh" sagot ko

"Nawalan ka ng malay sa banyo at agad kitang sinugod dito sa hospital sabi ni Doc napagod ka lang daw at nastress kaya sa susunod ingatan mo ang sarili mo para hindi ka mapagod okay" paliwanag ni Charles sakin tumango ako bilang sagot

"Alam ko nagugutom kana kaya kukuhanan muna kita ng makakain hintayin mo ako" sabi ni Charles at lumabas ng kwarto

"Bakit bigla kang nagbago Charles?" Takang sabi ko sa isip

Pumasok si Lolo at Lola sa kwarto at lumapit sa akin

"Iha sa susunod alagaan mo naman ang sarili mo baka sa susunod wala ka na paano si Charles, hindi rin magkakaroon ng anak si Charles" inis sabi sakin ni Lola

"Sorry Lola sa susunod po iingatan ko na ang sarili ko" sabi ko

"Siguraduhin mo lang" paninigurado ni Lola

"Halika na magpapahinga muna yan" sabi ni Lolo kay Lola at hinila ito palabas sakto naman pagdating ni Charles

"Kumain kana Saddy" sabi ni Charles at nilapag ang pagkain dala nya

Nang sabihin ni Doc na pwede na akong umuwi ay agad ako nagpauwi dahil ayoko na sa hospital at umuwi na kami sa bahay

"Uuwi na kami ng Daddy mo anak magiingat ka alagaan mo sarili mo lagi mong tandaan i love you we love you" sabi ni mom at niyakap ako at umalis na sila

"Charles take care yourself and you Saddy don't stress yourself" sabi ni Lolo at umalis na sila ni Lola

"Saddy balik na ulit tayo sa dati" inis na sabi sakin ni Charles nagulat ako sa sinabi nya

"What do you mean Charles?" Takang tanong ko

"Did you not even notice why i'm being like this hahaha you are idiot Saddy" ngisi sabi ni Charles at umakyat sa taas

Pagpapakitang tao lang pala iyon bakit naniwala agad ako sa mga pinakita nya sakin akala ko talaga mahal nya ako at nagbago sya kahit isang araw lang ngunit hindi pala ang sakit

Dumiretso ako sa kwarto at nilock ang pinto at pinaghahagis ko lahat ng bagay na gusto kong ihagis buti na lang sound proof ang kwarto ko umiyak ako at nagwala ng mapagod ako napahiga na lamang ako sa sahig

"Bakit, bakit ganito ka sakin Charles ang sakit sakit" sigaw ko

Narinig kong may tumawag sa phone ko kaya agad ko itong sinagot

"Hello" malungkot kong sabi wala na akong pakelam kung sino itong natawag

"Saddy anong nangyari sayo bat ganyan boses mo?" Rinig kong tanong nito nasa phone kaya tinignan ko kung sino kausap ko si Cheska pala

"Cheska ayoko na sawa na ako" bigla kong sabi at binaba ang tawag patawad cheska

Umiyak lang ako buong magdamag hanggang sa dinalaw na ako ng antok

Cheska Pov

Bored na bored na ako rito sa bahay ang lagi ko lang kasing gawin ang sundan ang taong mahal ko nasasaktan ako sa nakikita ko pero kailangan ko maging matatag mahal ko pa din sya hanggang ngayon naisipan kong tawag si Saddy ng makauwi ako sa bahay kagagaling ko lang kasi sa hospital

"Hello" rinig kong sagot nya at tila sobrang lungkot nito

"Saddy anong nangyari sayo bat ganyan boses mo?"tanong ko hinihintay ko ang sasabihin nya pero wala pa ding sagot magsasalita na dapat ako ng magsalita sya

"Cheska ayoko na sawa na ako"rinig kong sabi nya at ibinaba ang tawag

Anong nangyari sayo Saddy sabi ko sa isip

"Mama" tawag ko kay mama

"Bakit anak?" Tanong ni mama sakin

"Bukas samahan mo ko bibisita ako kay Saddy mama" sabi ko

"Bakit anak anong nangyari kay Saddy?tanong ulit ni mama

"Hindi ko alam mama kaya pupuntahan natin sya bukas" sabi ko

"Sige na ma balik kana sa ginagawa mo" sabi ko at niyakap si mama

"Sige nak" sabi ni mama

Charles Pov

Pagkatapos kong sabihin yun kay Saddy dumiretso na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto umupo ako sa kama at nakita ko sa lamesa ang picture naming dalawa kinuha ko ito at tinitigan

"I'm sorry Saddy nadamay ka pa tuloy hindi ko lang talaga matanggap kaya kayo ang sinisisi ko" sambit ko sa larawan naming dalawa sabay pagpatak ng luha ko

"Balang araw magkaayos din tayo pangako Saddy" sambit kong ulit at ibinalik sa lamesa ang larawan namin at humiga sa kama at natulog

Cheska Pov

Maaga akong nagising dahil nagaalala ako kay Saddy hindi na kami nagalmusal ni mama kasi gusto ko kasama si Saddy magalmusal. Nang makarating na kami sa tinitirhan nila ng asawa nya ay agad akong bumaba ng kotse at dumiretso sa gate nila at nagdoorbell

Nakailang ulit na akong magdoorbell dito pero walang nasagot hanggang sa magbukas ang gate at kita ko ang gulat sa mukha nito

"C-charles" gulat kong sabi maging si mama nagulat din

"Charles ikaw ang asawa ni Saddy?" Hindi makapaniwalang sabi ni mama

"Ako nga po Tita" sagot ni Charles at yumuko

"Uhm.. Andito kami para bisitahin si Saddy Charles" sabi ko at ngumiti hindi ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako

"Ma halika dito" ngiti kong sabi para hindi mahalata ni mama na nasasaktan ako kasi alam kong papaalisin nya ako rito at sasabihing masasaktan ka lang,iiyak ka na naman

"Okay anak" ngiting sabi ni mama at lumapit na sa akin

"Charles asan pala si Saddy?" Tanong ko at hindi inalis ang ngiti sa labi kahit na kinakabhan ako

"Pasok muna po kayo Tita at C-cheska" sabi nya nautal pa sya sa pagtawag sa pangalan ko

"Sige" sabi ko at naunang pumasok pinaupo nya naman kami sa upuan dito sa sala

"Tatawagin ko lang si Saddy dyan muna kayo" ngiting sabi ni Charles at umakyat sa taas ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa din nababa si Charles kaya sabi ko kay mama na sundan ko na si Charles ng makaakyat nakita ko si Charles nakatulala habang nakatingin sa pinto ni Saddy kaya kinabhan ako agad akong lumapit doon at nakita ko si Saddy naliligo sa sariling dugo

VOTE COMMENT FOLLOW ME

Question:

What do you think in suicide this is bad or good?

Sad Life Story( A short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon