CHAPTER| 01

1K 51 32
                                    

Ali Eiren Frernandez
_______________________

MAAGA akong nagising dahil may pasok ako sa school.

Nakapag-luto na rin naman na ako ng agahan kaya gi-gisingin ko nalang yung kambal kong kapatid para ihatid sila sa school nila bago ako pumasok sa University.

"Terren! Terran! Gising na mga kuya male-late na kayo sa school" malumanay kong sigaw sa natutulog pang mga kapatid ko habang inihahanda ang agahan namin.
Nakita kong bumangon si Terren saka nagpungas ng mata. Dumilat yung mata nya saka agad tumingin saakin.

"Is that meatloaf?" kunot noong tanong nya habang nakasilip mula sa pinto ng kwarto.
Ang cute nya pagmasdan habang suot yung asul na ternong pajama.

Agad namang bumangon si Terran saka dali daling tumakbo paupo sa lamesa.

"oops! Mag hugas muna ng kamay at mag toothbrush bago kumain" saad ko sa dalawang kapatid ko dahilan para mag unahan sila sa lababo para mag-toothbrush.

Abala sila sa pagkain nang biglang magsalita si Terren. "kuya! I dont wanna to go to school!"

"huh! Bakit?" saad ko habang inaayos yung lunchbox nila.

Yumuko lang sya habang pinapaikot yung tinidor sa plato nya.

"Terren, May problema ba?" malumanay kong tanong sa kanya.

Sa kanilang magkapatid si Terren yung napaka sensitibo at sakitin kaya hanggat maari hindi ko sila pinapagalitan o tinataasan ng boses.

"last time Duke eat his snacks" singit ni Terran habang linalantakan yung sliced spam, napatingin ako kay Terren na hanggang ngayon lukot parin yung mukha sabay yapos sa noo nya.

"ganun ba? Don't worry kakausapin ko si Duke mamaya okay?" saad ko sabay gulo sa buhok nya.

"I punched him pero teacher scolded me" singit ulit na saad ni Terran na ikinagulat ko.

"bat mo ginawa yun? Mali yon ha! Wag kayong nakikipag away sa school okay? Kelan ka pa natutong makipag away kuya?" kunot noong saad ko kay Terran pero yumuko lang sya at nag focus sa kinakain nya.

" But he kissed Terren here that's why he's crying" paliwanag ni Terran habang tinuturo yung labi nya.

Natameme ako sa sinabi nya.

Teka nga? Bat parang kakaiba na tong nangyayari ah.

"what? Bakit ngayon nyo lang sinasabi saakin to?" saad ko sa kanila pero di sila sumagot.

"kuya? Can I just come to your school? Please." saad ni Terren na Ikinabuntong hininga ko.

"Gusto ko din kuya sumama."

Napatayo ako sabay sapo sa noo ko, "Alam nyo namang hindi pwede yun eh? Kakausapin ko nalang si Duke okay?" saad ko.

"sige na alisin nyo na yang pajama nyo at maligo na kayo dun" saad ko habang inaayos sa bag nila yung mga lunchbox nila.

"I missed mom" malungkot na saad ni Terren habang nakayukong naglalakad papuntang banyo.

Napabubtong hininga nalang ako.
Habang sinusundan sila ng tingin.

6yrs old na sila kaya alam na nilang maligo mag isa, tinuruan ko narin sila kung paano yung tamang pagligo at yung pagkuskos ng libag sa katawan kaya pinapabayaan ko nalamg silang maligo.

Kinuha ko yung uniforms nila at nagtungo sa maliit na sala namin saka sinimulang plantsahin. Di ko mapigilang di malungkot dahil sa paghahanap nila kila mama't papa pero wala akong magawa, 10 year's old palang ako nung maghiwalay sila dahil sa pambababae ni papa pero kelanlang nung nalamannamin namatay na sya dahilsa aksidente.

He's into Him [BxB][On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon