PROLOGUE

523 196 151
                                    

PROLOGO

Pauwi nako ngayon ng bahay galing sa pag hahanap ng trabaho,halos ilang weeks nakong nag hahanap pero wala parin,feeling ko walang kwenta ang pagiging valedictorian ko dahil hindi ito nakakatulong sa paghahanap ko ng trabaho

Ang sabi pa naman ng iba pag valedictorian ka mabilis kalang makakahanap ng trabaho at mapupunta kapa sa magandang pwesto,eh pano naman ako ilang weeks na pero wala parin,napabungtong hininga nalang ako

Nag lakad nalang rin ako pa uwi para bawas gastos,halos wala na ako sa sarili,diko manlang napansing nasa gitna na pala ako ng kalsada kaya ang kinalabasan muntik na akong masagasaan,napatalon ako at napadapa sa gilid ng kalsada, o
idagdag mo pa itong matatas kong takong

Jusmee!..

Ang sakit tuloy ng paa ko

Inis akong tumingin sa aking likuran,bumungad sa akin ang pula at magarang sasakyan,Na sisiguro kong mahal yon,bumaba ang gwapong driver upang tulungan ako.(gwapo naman talaga siya)

"Hey! Are you okey miss?"nag-aalalang tanong niya

letche! sa tingin niya okey pako sa lagay na to,ang sarap batukan!

"Ano satingin mo okey lang ako muntik mo na nga kong mapatay!"bulyaw ko sa kanya,alam kong napaka OA yung part ng mamatay pero nakaka bad trip kase,Makikita mo sa mata niya ang pagkadismaya

"Hmm,sorry di kase kita napansin sorry"mahinang tugon' nito

Wow di nakita ha! Eh halos nasa gitnan nako ng kalsana kanina tas hindi nakita!? Iba rin tong si kuya,pasalamat siya dahil gwapo siya kung hindi nako! Nako matagal kona tong kinotongan

"Gano bako kaliit para di moko makita ha!"taas noong pag susungit ko,inaamin kong maykaliitan ako pero hindi naman pwedeng yon ang dahilan niya

"Okey calm down miss,hindi yan ang ibig kong sabihin... sorry"pambabawi nito,Hindi ko mapigilan ang pag ka amazona ko ngayon lalo na't di pako nakakahanap ng trabaho...

Sorry nalang siya

Di nako sumagot dahil makikita mo sa mga mata niya ang pag aalala,alam ko rin naman na may kasalanan ako sino ba namang lutang na mag lalakad sa gitna ng kalsada kundi ako,tatayo na sana ako ng bigla akong natumba agad sumakit ang kaliwa kong paa

Ang taas ba naman kase ng pinasuot sakin nila Rachelle na heels letche!Sa totoo lang mas mabilis daw akong makakahanap ng trabaho kung matangkad ako,wala narin akong nagawa kundi pumayad dahil nga may kaliitan ako ng kaunti

"Let me help you"
Ani nya, di narin ako tumanggi inalalayan niya akong maupo sa gilid ng kalsada saka tumingin sa kaliwa kong paa

"Sure kabang okey ka lang,pwede naman kitang idala sa hospital"Ang OA naman neto!hospital agad buti sana kung dugo dugo nako papayag pa sana ako....

"Ang OA mo naman!hospital agad?haha"pekeng tawa ko

"Okey let me see?"

"Ang alin?"takang tanong ko

"Yung paa mo titignan ko kung may sugat"hindi paman' ako nakakasagot ng dahan dahan niyang igilid ang aking paa upang buong makita yon'

"Ha,eh,okey lang ako di lang kase ako sanay mag heels e"saka ko binawi ang paa ko sa kanya,aba malay kobang dumidiskarte nato

"Bat kakase' nag heels kung di ka sanay"tanong niya habang pilit na pinipigilan ang sariling tawa

may topak rin pala to

"Sabi kase ng kaybigan ko mas mabilis daw akong matatanggap sa trabaho kung mag he-heels ako o matangangkad ako,so yun' no choice naman nako' kundi mag heels"pag kwe-kwento ko

"So, effective naman?"kunot noong tanong niya,nambaba naman ako ng tingin sa sariling saka sinagot ang tanong niya

"Hindi pa nga eh ilang weeks nakong nag hahanap pero wala talaga,tameme parin hanggang ngayon"malungkot kong sabi,saka hinilot ang paa ko

"Oh,im sorry to hear that"bakit ba tanong to ng tanong close tayo ha!

"Oo,Teka nga kanina ka pa tanong ng tanong ha!"pag susungit ko

"Haha sinagot mo naman lahat ng tanong ko"natatawa nyang sabi 

"Eh?"

"Ilang weeks kana kamong nag hahanap ng work,pero wala kang mahanap,right?,"tumango ako "Actually,Kaylangan ko ng Personal assistant for a mont-"hindi kona pinatapos ang sasabihin niya,napa tayo ako bigla na hindi iniinda ang sakit ng aking paa

"Omg! What the- gagawin mokong PA mo?"sinabi ko yung habang natuptop ang aking kamay sa sarili bibig,mataas na position nayon para sakin

"Nah,too speed"ngiwi niya

"Ha?,ano bang ibig mong sabihin?!"ang gulo naman netong kausap,sayang gwapo pa naman siya kaso masiyadong magulo...

"of course,kaylangan ko pa yung mga papers mo,hindi naman pwedeng mag tratrabaho ka ng walang hawak na documents?"ngiti niyang sabi

Oo nga pala,nawala na sa isip ko yun sa sobrang saya

"Aba syempre,saka hindi mo ba alam na girl scout ako noon"inabot ko sa kanya ang hawak kong brown envelope kung saan naka lagay ang mga papers ko "Sabi nga nila ang girls scout ay laging handa.."dagdag kopa

"Good"kinuha niya ang envelope sa akin

Excited nakong sabihin kina mihmih to, sigurado akong masaya sila para sa akin,at sa wakas makakatulong narin ako sa mga gastusin sa bahay

"Well,miss pwede naman na siguro tayong umalis dito"ika niya,dun ko nalang napag tanto na nasa gilid parin pala kami ng kalsada

"HAHA,Oo naman"mag lalakad na sana ako ng biglang kumirot ang likod ng paa ko,napa upo ako at nakitang may sugat na yon

Tf,wag mong sabihing mag kakaroon nako ng peklat,patay ako kay mihmih neto!

Agad naman niya akong inalalayan,nag prisinta narin siyang ihatid ako sa amin,hindi na ako tumangi dahil gabi narin at mahihirapan akong humanap ng sasakyan kung sakaliman,hindi naman siya mukang kahinahinala dahil gwapo naman siya,wala naman sigurong gwapong manyak ano?

"Itabi mo nalang dyan sa gilid"ani ko ng nakarating kami sa harap ng bahay namin,Iginilid niya ang sasakyan saka lumabas upang pag bukasan ako ng pinto

Wow gentlemen...

"Salamat po sa pag hatid sir,pasensya na po kayo sa mga inasta ko kanina"pa umanhin ko sa kanyan

Nginitian niya ako "It's ok,i understand"

"Ah,Baka gusto niyo pong mag kape muna"printa ko sa kanya

"No thanks,ok lang ako pa uwi narin ako dahil marami pa akong tatapusin"nilabas niya ang kanyang pitaka at may kihuhang maliit na card saka yon ibinigay sa akin

Agad kong kinuha yon upang tignan,Malaking letrang F kasunod ng malaking bilog sa gilid kung saan naka lagay ang malaking F

To be continued...

Hi there kyuteen's hope na nagustuhan niyo ang ating First chapter,sorry sa grammar baguhan palang ako^.^

INTO MY HEART(on-going)Where stories live. Discover now