FTLY 4

9 5 0
                                    

Fated to love you
Chapter 4

"Hoy, Chance! pasabay ng coffee float, Thanks!" Maureen

Magkakasama kaming nakatambay sa garden ng school namin, Dito kami parati nagkikita kita sa mga kubo na pwede kang mag-aral o kahit matulog.

Busy ako sa pagsusulat ng notes galing sa huling subject namin before lunch hindi kasi ako natapos dahil hinila nalang ako ni Mau para pumunta dito.

Jusko! Ako rin hindi ko ineexpect na mastrestress ako ng ganito kaaga kasisimula lang ng semester.

"Hay Athena babes. Hindi ka ba napapagod kababasa diyan sa pagkakapal na libro na yan? Ako pagod na" sabi ng umakbay na si Marcus

"Master Marcus parin talaga malakas" sabi ni Errol kay Chance at sabay silang nagbow kay Marcus

"Mga baliw kayo, Tigilan niyo yan si Athena bubuhusan ko kayo ng kape" sabi ni Chesca at inirapan sila Chance

"Gusto mo rin akbay , Ches?" Chance

"Gusto mo na mamatay?" sabi nito at binilot ang papel sabay bato kay Chance

"Sipag mo Athena, Sana all" sabi ni Maureen at inalis ang lapis na nakaipit sa tainga niya, hudyat na tumigil na siyang mag-aral

"Hay nako ha suko narin ako! Akala ko ba 4th week palang ng klase? Ano tong mga to bat may recit agad next week!" tukoy niya sa mga librong nasa harap niya

"Awit. Suko ka na Attorney Tuazon?"

Inirapan niya si Marcus at tinago na sa bag ang mga libro, Sinukuan niya na talaga.

Nanatili akong naghihighlight sa libro at hindi pinansin ang kwentuhan nila kahit nakakatuksong sumali.

Si Marcus ay nakaakbay parin na ayos lang sa akin dahil nasanay narin ako. Matagal na kaming magkaibigan at kahit kailanman hindi ko binigyang malisya ang mga galaw niya.

"Hoy Athena akin na nga yan, Mamaya na to at kumain ka na" inagaw ni Maureen ang librong binabasa ko at pinanliitan ko naman siya ng mata

"Aba ano? Eh kung ipasok kita dito sa librong to" Umiling lang ako at hinayaan siya sa gusto niyang gawin

"Uy sabi pala ni Mama dalaw naman daw kayo sa bahay. Pwede tayo magreview , basa basa sa bahay bukas"  sabi ni Marcus habang hinahalo ang asukal sa kape ko

"Ngi may work kami" Mau

"We can change our shift ng morning nalang" sabi ko

"Namiss ko na rin si Tita. Come on Mau! Sama na" Pag aanyaya ni Chesca

"Overnight tayo ?" Mau

"Alright, All set then! Morning shift kayo then punta kami ng coffee shop dadaanan namin kayo ng afternoon tapos mag-aaral na tayo"

"Wow aral, Bago yan Master ah?"

"Good boy na to"

"Lul, budol yan wag kayo maniwala" pang aasar ni Maureen

Ganoon nga ang inaasahan sa sumunod na araw, Naghihintay nalang kami ngayon na dumating sila para daanan kami rito. Tapos narin ang duty namin at nakatambay nalang kami.

"Naisip ko lang Athena, Mag iisang buwan narin palang di nagtatagpo landas niyo ni Morgan kahit magkatapat lang building natin. Aba hindi ka manlang pinagtripan?"

"Oh come on. Teenager ka ba? "

"Hehe char char lang ganon kasi nababasa ko wattpad"

Tahimik akong nagscroscroll sa cellphone hanggang sa dumating rin sila sa coffee shop.

Fated to love youWhere stories live. Discover now