Kabanata 11

13 0 0
                                    


Kabanata 11

I just wore a simple red dress, above the knee pero hindi naman 'yung sobrang ikli.

After making myself ready, bumaba na ako para hintayin 'yung susundo sa amin ni Scarlett.

Sa BCL na lang raw kami magkikita-kita na tatlo. Ayaw pa sumabay ni Zarah, e. Pa-special amp.

"You look stunning, anak," sumalubong si Mommy sa akin sa hagdan. I smiled and said my Thank you.

I checked our group chat muna para makibalita. Mamaya todo ayos ako rito tapos 'di pala tuloy, 'no?

Zarah: nasan na kayo?

Scarlett: nakasakay na ako papunta na kami sa bahay nila Aria.

Ako: oy ano yan, naka-van?

Scarlett: oo! bigtime ang lola mo.

Zarah: hindi sakin yan!

Maya-maya pa, dumating na 'yung van na susundo sa amin. I said my goodbye to Mommy and hop in.

I saw Scarlett on a black dress.

"Woah, ikaw ang may birthday?" she joked. "Naka-pula tayo, ah?"

I just rolled my eyes as we drove away.

Habang nasa biyahe, ang dal-dal dal-dal ni Scatlett! Dinadaldal si kuyang driver.

"Kuya, driver po ba kayo nila Zarah? Ilang taon na po kayo? Pagod kana po ba? Gusto mo ako na mag-drive?" sunod-sunod niyang tanong. Nakakahiya, ako na ang nahihiya para sa kaniya.

"Ah, hindi na po ma'am kaya ko na po mag-drive," awkward na sagot nung driver.

Tumawa naman si Scarlett at hinampas pa ang braso ko! "Kuya naman, hindi ko naman kayo aagawan ng trabaho."

"Kuya pasensiya kana po sa kaibigan ko, pero maniwala po kayo sa'kin, hindi pa po 'yan nakakainom," I shrugged.

Nang makarating kami, binaba lang kami ni kuya at umalis na. Ay, gano'n-gano'n lang 'yun?

"Tara na, bruha!" Hinatak ako ni Scarlett papasok sa loob.

Ngumiwi ako sa dami ng tao sa loob. May usok pa na nanggagaling sa kung saan! Maingay pa at maraming sumasayaw sa dance floor.

Buti naman ang nahanap na rin namin si Zarah na kasama ang boyfriend niya!

Lumapit kami doon ni Scarlett at bumati.

"Happy bornday, Zarah!" si Scarlett na humalik pa sa pisngi ni Zarah. "Yo, you are?" bati niya naman sa kasama ni Zarah.

Ngumiti lang ang lalaki at hindi sumagot. Doon naman ako nakakita ng chance na sumingit.

"Happy birthday, Zarah," I smiled. Nakita kong umikot ang mga mata niya.

"Happy ba talaga, Aria?" she chuckled as she pull me for a kiss on the cheek. "By the way this is Gali, my friend."

Dinala niya kami sa isang room. Mabuti rito kami-kami lang. Hindi masyadong crowded. Hindi na rin sumama yung 'friend' niyang si Gali.

"Ano, tatlo lang tayo rito? Magpadala ka naman ng boys, Zarah! Para may thrill!" Suggest ni Scarlett.

Tumawa si Zarah at umiling. "Mamaya, lalabas tayo para sumayaw!" tumili naman si Scarlett dahil sa tuwa.

Lumabas si Zarah para kumuha ng inumin. May videoke sa loob ng room na ito. Wow, special talaga.

Nag-play si Scarlett ng kanta ang nagsimula na siyang kumanta. Parang masisira yata ang eardrums ko.

"The snow glows white on a mountain tonight, not footprint to be seen," she sang.

IllusionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang