"SANA BUMALIK KANA"

182 5 0
                                    

Sana magbalik ang nakaraan
Sana bumalik yung ngiti ko
Yung ngiting nalalabas ko lang kapag ikaw ang kasama ko
Sana masilayan ko muli ang matamis na ngiti sa iyong labi.
Sana mapakita mo muli sa aking harapan kung gaano ako kahalaga sayo.

Mahal? Naaalala mo paba nung mga panahong tayo pa?
Noong mga panahong wala pang "siya"
Kase ako? Naaalala ko pa at araw-araw kong inaalala,
Hinihiling na sana bumalik kana
Sana ako na lang ulit at hindi na siya.
Sana hindi mo na lang siya nakilala nang sa ganon ay ako ang kapiling mo't hindi siya.
Sana pwedeng bumalik yung dati,
Yung dating ichachat mo ako at tatanungin kung "kamusta ang araw ko, kumain kana ba?"
Salitang hindi ko na ulit maririnig mula sayo, dahil sa iba mo na ito ginagawa.
Sana una palang umalis kana
Sana hindi kana nagbigay ng motibong ikahuhulog ko pa.
Di sana walang damdaming nasasaktan pa at walang matang lumuluha.
Sana kasabay ng paglaho mo ay ang hindi na pagtibok ng puso ko para sayo.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now