Chapter 2

23 6 4
                                    

Endora's POV

"hoy babae! Kinakausap pa kita ha? Bat ka Alis alis ha?"

"oh baket ano ngayon kung alis alis ako? Ha?"

"di kaba magulang tinuturuan mo?"

"alam mo tsaka mo na ko awayin kapag diretso na yung salita mo at hindi kana buyoy"

"bakit burol burol ha? Ikaw rin naman burol tapos ang liit liit mo pa"

"anong burol? Ang sabi ko bu-yoy! ang yabang mo e matangkad ka lang naman"

"ikaw babae ka tas ang tapang tapang mo, ikaw na nga tong tinapunan ako jut e!"

"jut? Baka juice? Buyoy ka talaga, tsaka bakit kasi ikaw harang harang ha?"
Protesta ko habang yung mga magulang naman namin ay tuwang tuwa lang sa panonood samin.

"mommy! Ipapakulong ko siya"
Sabay turo ko sa lalaki.

"haha tama na nga yan"

"papakulong? Ikaw dapat ikukulong kasi lagi moko inaaway!"
Wika niya.

"mommy oh huhu"

"Hay nako endora Tara na nga"

"teka mommy, ikaw lalaki ka para hindi na lalaki tawag ko sayo dito ano ba pangalan mo ha?"
Tanong ko sa lalaking yon.

"A--"

Phone rings

Bigla akong nagising dahil sa ingay ng phone ko grr! Naiinis talaga ko sa batang yon tas Di ko naman nalaman yung name niya!

"hello?"

"hi sweetie good morning, kumusta ka diyan?"
Si mommy.

"okay naman po mommy nag e enjoy po ako"
Pwera po nung nakasalubong ko yung lalaking suplado kahapon.

"ah mommy.. Naalala niyo pa po ba nung bata ako"

"yung ano anak?"

"yung may kaaway po akong batang lalaki, hindi Ko po kasi matandaan name niya"

"ah yung lalaking dalawang beses mo inaway?" mommy chuckled.

"mommy naman e siya kaya yung nag aaway sakin!"

"haha if you say so.. but I can't remember his name na e bakit mo pala natanong?"

Kala ko malalaman ko na huhu.

"eh kasi napanaginipan ko mommy e kaya na curious ako kung ano na ulit name niya"

"ganun ba? Hayan mo na yon bata palang naman kayo nun, at natatawa parin ako kapag naaalala ko yon haha biruin mo ang bata bata mo pa non tas ang tapang mo atsaka ano naman ang alam mo sa pag papakulong non ha?" rinig Kong tumawa si mommy.

"mommy syempre bata pako non hindi ko alam ginagawa ko non e atsaka lagi kasi niya ko inaaway"

"endora ikaw ang nang aaway at hindi siya haha"

Ako ba talaga yung nang aaway don? Hmp basta para sakin siya yung nang aaway!

"hmp bye na nga mommy inaaway mo ko e"

3 Months to get my heartWhere stories live. Discover now