Chapter 5

27 2 0
                                    

Chapter 5 Caught

Sa gulat ni Rachel naitulak nya ang lalaki at lumaki ang kanyang mata.

"Pa virgin! ano? feeling first time,Olivia? sa naalala ko ,pinagsawaan ka na ng kay daming lalaki" ngiting sabi nito.

Nasaktan si Rachel hindi dahil sa nanakaw nito ang unang halik nya kundi sa asal nito na parang kay diri nyang babae gayong di naman talaga siya si Olivia.

"Hindi mo'ko kilala kaya wag mo'kong pagsalitaan na para bang pati kaluluwa ko ay kilala mo na" naiiyak nyang sabi at pumasok sa guestroom na kanina lang sinabi ng katulong na don muna siya tutuloy.

Di namalayan ni Rachel na nakatulogan na pala niya ang pag iyak   at naalimpungatan siya ng pumasok ang ina sa silid.

"Iha"sambit nito.

"P-po m-mommy" sagot niya dito.

"Sino ka?"tanong nito.

"P-po?"

"I know you're not my Olivia,darling.Binayaran ka ba nya? bakit kamukhang kamukha ka niya?Pina surgery ka? Asan ang anak ko?" sunod sunod nitong tanong.

Kinabahan si Rachel sa sinabi ng ginang,wala na siyang kawala gayong siguradong sigurado na ito na hindi siya si Olivia.Bumuntong hininga sya at nilunok ang sariling laway dahil sa kaba.

"W-wag po kayong magalit sakin please,kailangan ko lang po ng pera para mapa opera yung lola ko na may sakit,ayoko po na pati siya mawala sakin,sila nalang po ng lolo ko ang pamilyang meron ako,kailangan  po ako ng anak ninyo at tinanggap ko po ang alok na yun at nagpabayad,pero hanggang yun lang po ang pera na kailangan ko,wala akong balak na masama,maam" nakayuko at kinakabahan nyang sabi.

THE REPLACEMENTWhere stories live. Discover now