CHAPTER 1 - I NEED TO

82 7 0
                                    

" Hoy Del! Si Mama ha!ikaw na bahala dito tapos si Dada at Dony wag mo pababayaan ha?"

"Opo ate, basta bumalik ka huh? Mamimiss ka namin"

Sagot ni Del na halos magsanhi ng pagpatak ng kanina pang namumuong luha sa mga mata ko

"B-babalik si A-te"

Ani ko sabay ngumiti ng mapait, hindi naman ako susugal sa napakahirap na trabaho, pero mahirap talagang malayo sa pamilyang nang ganito

Kaya mo to  self kaya mo to

Ilang minuto pa't nakahanda na ang lahat ng gamit ko sa pag-alis

"Anak? Mag iingat ka ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo anak. Kumain ka sa tamang oras. Anak kapag may nang aapi sayo tawagan mo lang si Mama at pupunta agad ako, anak hindi pwedeng may mananakit sayo ha?"

Sa mensaheng iyon, di ko na naikaila ang lungkot na kanina pa gusto lumabas sa mga mata ko

Nag unahan ang mga luha ko sa pagpatak , kaya't umakap ako kay Mama.

"Ma naman eh, ang haggard ko na *sob* ikaw din ma sabihin mo sakin pag nagpapasaway mga kapatid ko, kapag ginalit ka nila ma nako sinasabi ko sayo uuwi agad ako, yung medication mo ma pagtuunan mo ng pansin, tawag kalang sakin ma kapag may kailangan kayo? I love youuuu"

Sagot ko saka hinigpitan ang yakap kay Mama

I'll miss this hug, I'll miss being clingy to them

----

"Babyeeeee"

Huling kaway ko sa kanila bago umandar ang bus na sinasakyan ko

I'll do my best

Hindi naman kalayuan yung Makati samin, sapat na yung dalawang oras para makabyahe papunta doon at pabalik
Kaso yung trabahong yun required daw ang stay in

Clueless ako kung ano yun

Di naman siguro yun prostitution no?

Hala baka ganun, kaya bawal umuwi?

Kasi babayaran nila si Mama tapos kukunin nila ko?

Suddenly , my phone rang and eto na yun!yung employer ko

Nagmamadali ba to? Isang oras pa bago ako makakarating sa Makati bakit tumatawag na siya?

"H-hello? S-Sir Rob- robin-??"

Dala rin siguro ng kaba? Hoy self para kang tanga maging confident ka nga
Ikaw naghanap ng trabaho tapos ngayon uutal utal ka

Suddenly I heard someone from another line

[AHHHH TULUNGAN MO KO PLEASE]

"S-sir ano po yun"

[Don't you ever think of backing down I have my men following you and around you ha ha ha]

Natulala ako nang marinig ang mga katagang yun, halos manlumo ako at napatakip na lamang ng mukha dahil sa kaba

"Miss"

Uuwi na ba ko? Pano kami mabubuhay, pano pag aaral nila

"Miss??"

Nagulat ako sa tapik ng katabi ko sa balikat ko

Jusko nakatulog pala ko, panaginip ng lang pala

Buti naman di totoo

At sana naman hindi totoo

"Ah miss nagtatanong yung driver kung bababa ka daw ba? Ito na yung last station"

Ani niya

"Ay opo salamat po"

Ngumiti ako at ngumiti naman ito ng pabalik

Nagmadali akong bumaba ng bus

Sa pagbaba ko, mas naglalakihang mga istruktura pa ang bumungad sakin

Mas malaki pa sa mga buildings sa Cubao

Ay, san nga ulit yung building nila?

"Ang tataas naman nito pano kaya pag bumagsak to sabay sabay?"

Jusko, tinapik ko ang sarili kong noo

Nababaliw kana Eesh? Kung ano ano nanamang kababalaghan iniisip mo

Gusto mo ba lagi ng tragic o gusto mo lang ng patay

Baliw.

--
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang napansin ko ang isang  fastfood 

Tama kakain muna ko, nakakagutom bumyahe tapos mananaginip ka ng ganun?

--
I was waiting for my order when a man  came , I'm totally awe at him
Di naman siya ganoon katangkaran at hindi rin ganoon kaputi pero napakamanly niya kaso, mukhang masama ugali never mind

In a second I heard a crash of plates, It surely hit the floor well
Coz when I looked at it, some of pieces were almost powdered

Kawawa naman si Ateng Crew for sure ibabawas sa sahod niya yan
Ang hirap pa naman kumita ngayon hayst

"Sir sorry sir" -Crew

"No it's okay " sagot nung lalaki sabay tinulungan si ateng crew

Ang cute haha yiee

Kaso kawawa parin siya

At infairness ha, mukhang masungit pero mala anghel din pala to si kuya

Ano kayang pangalan niya?..

Ay nako Eesh ano nanaman iniisip mo?
Sabagay pangalan lang naman sinabi ko bang gusto ko yun?

Ang easy to get datingan? Wala kong panahon diyan

Nagugutom na ko

Nasaan na kaya yung order ko baka naligaw ng lamesa pupuntahan ko na nga

"Ay sorry"

Author's Note:

Hello Idk maybe the first chapter is kinda boring, it doesn't have much introduction about our main character
Yet I'll try improving it at next chapters .-.
Thank you

SB(inderellaWhere stories live. Discover now