Chapter 10: Trono

2 2 0
                                    

Nang matapos ni Pinunong Rael ang kanyang dapat gawin sa kaibigang pumaslang sa kanyang ama, agad nitong ibinaling ang atensyon sa kanyang bagong trono. Ipinatawag niya ang lahat ng kanyang alipin, at nagsalita ito sa harapan nila.

"Kayong lahat, nakaharap kayong lahat sa inyong bagong paglilingkuran. Bilang inyong bagong pinuno, nais kong baguhin niyo ang bawat ayos, kulay at ang tela sa trono ko. Ayokong maaalala ko ang mga bakas ng aking ama," ang ipinag-utos ni Rael.

"Masusunod, pinuno," tugon nilang lahat.

Akma na sana siyang aalis nang may nakaligtaan siyang sabihin, "Pati iyang mga kasuotan niyo, ayoko nang makita ang ganyang kasuotan niyo. Naaalala ko pa noon na si ama pala ang nagpagawa niyan. Papalitan na natin iyan ng puti maliwanag?"

Agad namang tumango ang mga ito at sinunod na ang mga ipang-uutos ng kanilang bagong Pinuno.

~

Sa silid naman, sa dating silid ni Miguel, nakahiga si Piersus. Hindi malaman kung ano ang nararamdaman ni Piersus nung mga oras na iyon. Maya-maya ay biglang pumasok ang kanyang dalawang alipin, sina Anghel Mika at Anghel A'mad.

"Anong ginagawa niyo rito? Bakit kayo naririto sa aking silid?"

"Mahal na pinuno, alam kong hindi mo kami papalitan. Kami ang iyong naging unang alipin. Ngayong dumarami na ang iyong mga alipin ay kami pa rin ba ang pipiliin mo?" ang tanong ni Anghel A'mad habang nakamasid sa kanya si Anghel Mika. At iyon ang napansin ni Piersus. Tila nagpalit na ang tadhana ng dalawa. Si A'mad na ang nagsasalita at si Mika naman ang natahimik.

"Bakit parang tila nag-iba kayong..."

"Huwag muna pong ibahin ang usapan. Kami pa ba, o hindi na?"

"Siyempre, kayo pa rin. Kahit na mas dumami na ang mga alalay ko ay kayo pa rin ang aking kakailanganin. Kaya't gaya ng ginawa ni Miguel noon sa amin ni Rael, kayo na ang mga bago kong kasangga sa bagong yugto ng Kaharian ng Langit. Mapapasainyo na ang kwarto ko, at may sariling kwarto kayong dalawa."

Natuwa ang dalawa sa magandang balita na iyon ni Piersus. Sa wakas, at natupad na rin nila ang kanilang matagal nang inaasam, katulad ni Piersus, minsan na rin nilang hinangad ang mataas na pwesto. Sapat na sa kanila ang maging kasangga nito dahil alam na nilang may kanya-kanya na rin silang alipin.

Idinaos ang sabayang pagdiriwang ng seremonyas sa bulwagan ng Kaharian. Idinaos ito para sa dalawang bagong pinuno, sina Rael, sa Kongreso, at si Piersus, sa Hukbo.

Hindi ganon karamdam ang kasiyahan sa pagdiriwang. Hindi katulad nung naunang seremonya. Ang mga anghel na dumalo ay ibang-iba sa mga anghel noon. Hindi maririnig ang sigawan, hindi makikita ang nginitian, ni ang mga tunog ng trumpetang lumalabas sa mga "anghel de mujika" ay napakapangit ng tunog, tunog na animo'y nagluluksa.

Napansin iyon ng dalawang naglalakad sa harapan para makaupo sa kani-kanilang trono na nasa harapan ng mga anghel na iyon. Biglang nagsalita si Rael habang nagpapatuloy sa paglalakad ang dalawa.

"Ano kayang nangyayari sa mga anghel na ito? Hindi ko maramdaman yung kasiyahang nararamdaman ko noong si Miguel ang naglalakad dito. Hindi ko rin marinig sa kanila ang magigiliw na bati. Bakit parang ibang-iba ang seremonyang ito!"

Nakakunot ang noo ni Rael, "Ano ba? Bakit mo ikinukumpara ang seremonyas noon at ngayon? Iba na ang araw sa ngayon, kung kaya't huwag ka nang mababahala."

~

"Ginoo, parang napakalumbay ng presensya ng seremonyas, hindi ito tulad dati."

"Kasi, hindi pa rin matanggap ng mga tao ang ganong pag-uugali ni Miguel. Hindi ko rin maisip kung magagawa niya ba iyon, o isa lamang ilusyon ang lahat ng iyon!"

"Paanong ilusyon? Kitang-kita natin kung paanong pumasok si Miguel sa bulwagan at ang kanyang hindi katanggap-tanggap na pagpaslang sa mga anghel panghukbo."

"Ilusyon. Ang pagbabalatkayo..."

"Pagbabalatkayo?"

Hindi na kumibo ang Ginoo. At muling nabaling ang atensyon sa seremonyas. Maya-maya ay naramdaman niyang hindi maganda ang kulay ng ilang ulap sa malayong bahagi ng kaharian.

"Nakikita mo iyon? Waring kulay abong ulap."

"Na nagiging itim Ginoo!"

Nagtataka ang dalawa. "Isa itong masamang pangitain. May isang hindi inaasahang magaganap sa kaharian ng langit."

"Hindi lang sa kahariang ito, maging ang kalupaan, ay madadamay sa digmaang magaganap. Totoo nga ang nakatakdang propesiya. Ang propesiya ng Infiernus. 'Magbabalik siya sa oras na makakuha na ito ng lakas, mula sa mga nabubuhay sa kalupaan. Upang protektahan ang isang babaeng pinalaki sa mundo ng mga tao, na kalauna'y magiging reyna ng Infiernus.'

"Nakakapangilabot ang iyong mga tinuran Ginoo. Ang propesiyang sinasabi mo."

"Simula ngayon, hindi na natin itutuloy ang ating nais. Hindi na muna natin aagawin sa kanila ang kahariang ito. Kailangan natin silang tulungan. Hindi basta-basta ang propesiyang nakatakda, pwedeng mapasailalim sa kapangyarihan ng Infiernus ang mga inosenteng tao sa mundo ng mga tao. Siya nga pala, si Miguel, kailangan nating mahanap si Marius na nagbalatkayong matandang miyembro ng Kongreso. Siya lamang ang nakakaalam ng mga nagaganap sa sangkalupaan."

"Agad na tayong magtungo sa kanya. Sigurado akong nandun lamang ito Kongreso. Hindi ko siya nakikita sa seremonyas."

Agad na umalis ang dalawa. Hinanap nila si Marius. Ang kinalakhang ama ni Miguel. Nakita nga nila itong si Marius sa Kongreso, nakaupo. Agad naman nila itong tinawag.

"Marius. Naaalala mo pa ba ako?"

Napatayo ito, at naaalala nga niya ang lalaking tumawag sa kanya.

"Gr-gregorio! Buhay ka pa pala!"

"Oo, buhay na buhay pa ako. Naalala mo pa ang iyong ginawa, ang ating mga gustong gawin noon?"

"Oo, gusto mong sakupin ang buong Kaharian ng Langit. Ngayon ba'y nais mo pa ring sakupin at pag-isahin ang dalawang trono?"

"Aaminin ko. Oo. Ninanais kong muli itong masakop. Pero nang makita ko ang pananda ng isang masamang pangitain ay nagbago ang aking pasya. Alam mo namang saksi ka rin, tulad ko, sa mga naging kaganapan nung naghahari ang kadiliman?"

"Oo, saksi nga ako. Pero hindi ko alam kung paanong ganun na lang sila kadaling maglaho, kaya't ang buong akala ng mga anghel ay nagapi na ang kasa..."

Sabat ni Gregorio, "Mali ang inaakala mo Marius. Buhay ang tutupad sa propesiya, hindi siya napaslang ng ating naging pinuno noon."

"Paano mong nalaman ang mga bagay na ito?"

"Ang itim na ulap na sinabi ng noo'y si Devolaz. Ito ang magiging simbolo ng kanilang pagbabalik, ang pagbabalik ng Infiernus. At ang trono ng kanilang inaantay na reyna ang siyang maghahari sa Infiernus, sa kalupaan, at sa Kaharian ng Langit."

Ikinagulat ni Marius ang lahat ng iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang nalaman.

"Nasa delikadong sitwasyon pala ang anak ko!" ang tanging nasambit niya.

Ipagpapatuloy...

My Guardian Angel ✅Where stories live. Discover now