Chapter 21

483 18 10
                                    

 * Fast Forward na po ito , pero hindi naman masyado . Haha!

- - - -

SUMMER'S POV

Naka-uwi na kami noong isang araw pa galing sa Palawan .

At andito lang ako sa kwarto ko . Ilang araw na rin akong nagkukulong at nagmumukmok dito . Buti na nga lang at sembreak pa , dahil kung hindi baka absent ako lagi .

Ayokong lumabas!

Ayokong may kausap!

Ayokong kumain!

Ayoko lahat!

knock . knock .

Argh! Ang kulit talaga ng mga maids namin! Sinabi ko na nga na wag akong iistorbohin eh!

" Ayokong kumain! Wag niyo nga kong kulitin! " sigaw ko habang hindi pa din binu'buksan yung pinto . Alam ko naman na mga maids lang namin yan at dadalhan ako ng food .

knock . knock .

Ghad! Hindi ba sila maka-intindi?

" Wag niyo kong istorbohin! Tigilan niyo ang pag katok! " sigaw ko pa din . Naiinis na talaga ko .

Dumapa ako at sinubsob ko yung mukha ko sa unan . Ayoko ng mag-isip pero hindi ko naman maiwasan .

After ilang minutes , narinig ko na may nagbukas ng pinto . Sa pagkaka'tanda ko , ni-lock ko yun . Bumangon ako sa pagkaka-dapa at sisigaw sana sa pangahas na pumasok sa kwarto ko kaso naman ..

" Summer . " sabi niya ng mag tama ang mata namin .

Argh . Tinawag niya lang ang pangalan ko , pero naiiyak na ko! Bwiset!

" Bakit ka andito? Paano ka naka-pasok? " sabi ko habang pini-pigilan ang mga luha ko na pumatak .

" Na mi'miss na kita . Hindi mo sina-sagot ang mga tawag ko . " malumanay na sabi niya habang lumalapit sakin para umupo din sa kama ko .

" Ayaw kitang kausap . " matabang na sabi ko .

He sighed .

" Ayaw rin kitang makita . " dagdag ko

" Summer . " he called me

Ito na naman , naiiyak na naman ako .

" Umalis ka na . Di pa ba obvious na ayaw kitang makita o maka-usap man lang? "

" But we need to talk . " nagmamaka-awa yung boses niya

" Wala tayong pag-uusapan . " tumayo ako sa kama at tumalikod sa kanya . Ayaw ko siyang makita .

" We have . " naramdaman ko na tumayo siya kama mula sa pagkaka-upo at ngayon ay papalapit na sakin . " I'm sorry . " binack hug niya ko .

" Bitawan mo ko . Wag mo kong yakapin . " ina-alis ko yung pagkaka-yakap niya sakin pero mas lalo niyang hinigpitan .

" I'm sorry . "

Umiyak ako . Naiinis talaga ko! Hindi ko siya maintindihan .

" Sorry? Para saan? Dahil iiwan mo ko? " lumuwag ang pagkaka-yakap niya sakin at sinamantala ko yun para humarap sa kanya .

" Hindi ka maka-sagot , dahil tama ako . " I faked a laugh. " Hindi kita maintindihan Dustin . Ang labo mo! Mahal mo ko , pero iiwan mo ko . Gusto kong sumama pero ayaw mo . Anong gusto mong gawin?! " I said out of frustration .

Noong pagka-uwi namin galing sa Palawan , sinabi niya na sakin na aalis na siya pupuntang Canada . Kailangan daw kasi siya ng Lola niya doon . Sinabi ko na sasama ko , pero hindi siya pumayag . At ang masakit pa dun , nakipag break siya sakin .

" Please don't be mad . Intindihin mo sana ko . " he said in a low voice .

Intindihin?

" Bullsh*t ! 'Please don't be mad?' Ghad! Anong gusto mong gawin ko? Magsaya kasi ayaw mo kong isama at nakipag break ka sakin? " I laugh sarcastically . " Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo kong isama at bakit kailangan natin maghiwalay . " umagos nanaman ang luha sa mata ko .

Niyakap niya ko .

" Hindi mo na ba ko mahal? Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo kong isama? " I said while sobbing .

I crossed my fingers , hoping na sana magustuhan ko yung isasagot niya .

" Shhh .. Stop crying . " he pattened my back . " I love you . Don't ever doubt my feelings for you . " he tightens his hug .

" Then , bakit ayaw mo ko isama dun? Ayaw ko na maghiwalay tayo . "

He sighed .

" Summer , ayoko na iwan mo yung mga tao na mahal mo dito para lang sakin . I want you to come with me , but its not possible . Hindi pwede . " he is almost whispering while saying those words .

Two weeks ago

MISTY'S POV

" Hey Summer! Tama na nga yan! Uwi na tayo . " pigil ko sa kanya .

Here she goes again . Back to her old routine .

" KJ mo naman Misty . Haha! Minsan lang 'to no . "

Minsan? Is she insane? Simula ng umalis si Dustin , mga two weeks ago , ganito na siya . She always wants to go clubbin'  and beat the shit out of her .

" Tama na yan! For Pete's sake 4AM na and you're really drunk . " I hissed .

Kung di ko lang Bestfriend 'to baka iniwan ko na 'to dito (=____=) . Isa siyang sakit sa ulo .

" Fine . Fine . " tumayo na siya pero napa-upo din agad . She's really drunk .

" Tristan , please help me . Uwi na natin 'to . " buti na lang talaga at kasama namin araw-araw si Tristan dahil kung hindi , ewan ko na lang .

" Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa bestfriend kong yan . " I mumbled while massaging my head .

" Parehas lang naman kayo . Haha . " bulong ni Tristan while driving .

Sa backseat naka-upo si Summer . At ako naman sa tabi ni Tristan .

" Shut up! "

" Pikon ka talaga . "

" Just drive . " i crossed my arms . Bwiset na lalaking 'to . Sa lahat ng nanliligaw siya ang pinaka-kakaiba . Hilig niya kong asarin at pikunin . Tss .

" Summer , wag kang malikot . Baka malaglag tayo sa hagdan . " paakyat na kasi kami sa room niya . Si Tristan nakuha ng panlinis kay Summer .

" Naikot yung bahay . Hihi . " 

" Wag kang makulit Summer . " saway ko

" Hihihi . "

" Matulog ka na . Dahil sigurado ko , bukas pag gising mo , masakit ang ulo mo . " sabi ko ng mahiga ko siya sa kama niya . Ghad! Sobrang hirap bago kami makarating dito . Ang bigat na nga ang kulit pa (=___=)

" Misty .. "

" Oh? Ano? May gusto ka pa ba? Sabihin mo na , uuwi na kami eh . " sabi ko habang kinu-kumutan siya . Hini-hintay na din kasi ako ni Tristan sa baba .

Umiling siya bago nag salita ,

" Pare-pareho lang sila . " sabi niya habang naka-pikit . " Lagi akong ini-iwan . Ang sakit . " she smiled pero halatang pilit lang . Naka-pikit pa din siya " Dati si Zeke ngayon naman si Dustin . " may pumatak na luha sa mata niya .

Hindi ako nakapag salita at tumitig lang sa kanya . Pikit pa din yung mata niya , pero halata sa itsura niya na nasasaktan siya .

" Magiging okay din ang lahat bestfriend . " hinalikan ko siya sa noo bago tuluyang umalis sa kwarto niya . 

Pwede bang ako na lang ULIT?Onde histórias criam vida. Descubra agora